Chapter 55

4.2K 82 26
                                    

Den's POV

Pababa na akong hagdan pero nanginginig tuhod ko, nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tumingala nung tumayo ako sa gilid niya. "Let's eat breakfast first" sabi nito at nauna maglakad papuntang kusina. What the....feel at home ang mokong. Akala ko ba mag.uusap kami? Oo nga mag uusap kami kaya nga sabi niya kain daw muna diba? 

 "Den, kain na tayo" aya ni Aly sakin kaya kumilos na ako at pumuntang kusina. Nagkahain na pala siya. Ready to eat na. Pinasadahan ko ng tingin yong hinanda niyang food. Filipino food. Bigla akong natakam. At napapikit ako nung tumunog ang tiyan ko. Shocks kakahiya yon ahh...narinig kaya niya yon?

" Kain na". Sabi ni Aly nalagyan na pala niya ng pagkain ang plato ko. 

 "are you okay?", nag alalang tanong niya sakin.

 "ha? Ahhh oo naman". Utal utal ko na sagot. 

 " seems that you're not" sabi nito sabay kibit balikat. Umupo ako na parang wala sa sarili at nagsimulang kumain na. Wala kaming imikan habang kumakain. Halos di ko malasahan ang pagakain kahit takam na takam ako kanina at gutom narin. Paano kinakabahan ako.

Pagkatapos kumain ay ako na nagligpit at naghugas ng plato. 

 "Wait for me sa sala" sabi ko sa kanya nung napansin kung nakatayo lang siya sa may mesa at nakatingin sakin. Kailangan kung mag.isip at ihanda ang sarili. Pagkatapos ko maghugas sa plato ay dumiretso na ako sa sala kung saan naghihintay sakin si Aly.   Nadatnan ko siya na nakaupo sa pandalawahang upuan. Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa upuan na nasa harap niya. Seryoso siyang tumingin sakin.

 "Why Den?", diretso, maikli at simple tanong pero hirap akong sumagot. Lumakas ang tibok ng puso ko, at nanlamig ang buong katawan ko.

 " Ly....im sorry..." nag uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. 


 Aly's POV

 "Ly....im sorry". Basag ang puso ko nung nakita kong tumulo ang luha niya. I want to hug and comfort her pero gusto kung malaman kung bakit siya umalis? Bakit hindi siya nagpaalaam? Dahil para akong baliw sa kakahanap sa kanya. Nababaliw ako sa kakaisip sa kanya kung okay lang ba siya. "Ly, im so..sorry, i was coward back then. Sobrang gulo ng isip ko. Naghalo-halo na lahat. There was you and Keifer my family and your family na sobrang naapektuhan. Aaminin ko natakot ako sa maaaring pang kahihinatnan ng relasyon natin sa oras na malaman ng lahat yong tungkol satin. Oo takot ako at ganun ka din. Kase kung hindi tayo takot matagal na sana tayong lumantad. Hindi lang ako takot at duwag Ly. Tulad mo hindi ko rin matanggap ang sarili ko na umibig sa isang babae. Wag munang ideny Ly. Unang kalaban natin ay ang mga sarili natin Ly. Masakit, mahirap pero yon naman talaga. Tuwing may naghihinala satin pilit nating tinatakpan, pilit tinatago. Bakit nga ba tayo takot na malaman nila? Bakit nga ba tayo duwag? Kase Ly kung tanggap natin sarili natin madali lang lahat lalo na at lalaban tayo ng sabay. Masyado tayong nadala sa takot.

Sobra akong nasaktan nung nagpainterview kayo ni Keifer yon yong hudyat na siguro gusto at kailangan mong mamuhay ng normal.Masakit isipin na mapunta ka sa iba. Sobrang sakit na para akong mamamatay Ly. Hindi ko matanggap, naguguluhan ako. Alam ko sa sarili ko na pag hindi ako umalis makagawa ako ng bagay na baka kamumuhian mo ako. Dahil sa panahong iyon gusto kung ipapatay si Keifer. Patawarin ako ng diyos pero gusto kung ipagdamot ka. Gusto kung maging selfish Ly. Gustong-gusto pero wala akong magawa dahil kung takot ako mas takot ka.Ikaw at ang pamilya mo ang mas naapektuhan, nahihirapan.Oo Ly, alam ko ang pinagdaanan ng pamilya mo. Alam na alam ko. Sorry Ly. Im so sorry". humagulhol na paliwanag ni Den. Ang sakit makita na umiiyak siya. Ang sakit malaman na siya pala ang sobrang nahihirapan sa amin. Nagsakripisyo siya, nagpakalayo di lang sakin pati sa pamilya niya. Nagtiis, namuhay na mag-isa. At ito sapul na sapul ako dahil lahat ng sinabi niya ay totoo.

Deceitful Love ft. Alyden (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon