Chapter 43

57K 681 29
                                    

Kathryn's POV

"Ano?" obviously, basag na basag na po talaga ang ear drums ko sa kakasigaw nang babaeng nasa harapan ko. Ikaw ba naman ang sigawan sa harap harapan mo pa? Bwisit eh no?

"Kim, nukaba! Kanina ka pa sigaw nang sigaw ah! Bakit ba? Anyare?" sabi naman ni Treshia, kaibigan ni Kim na sinama niya. Maganda yan, black beauty actually :))

"Eh kasi naman, pumayag tong loka lokang to sa bakasyon nang ugok niyang asawa sa France for 2 months! Huwag mong sabihin wala kayong gagawing himala dun?! Ano gagawin niyo? Kain. Tulog. Tae rin pag may time? Friend concern ako sa'yo no! Ayokong ma stress ka! Magiging ninang pa ko niyang dinadala mo!" ay nag litanya, pasensya naman -___-

"Ano ka ba naman Kim. I told you na diba? I won't fall for him. I won't and never will. Mark that." sabi ko naman sa babaeng madaldal na ngayon ay sinasapo ang noo niya dahil sa frustration. Seriously, siya pa ang kinakabahan

"Hay nako! Just make sure na magiging okay kayo dun. Kung may problema, sabihin mo sa'kin karakaraka para mabugbog ko yung DJ na yun. Ano ba naman kasi yan Kath, bakit ka pa pumayag eh gago naman yung lalaking makakasama mo" sabi naman nito sabay upo

Tumawa nalang si Treshia sa inasal nang kaibigan niya. Pumasok naman ako sa kwarto at kinuha ang laptop ko para maka chat ang anak ko na nasa Amerika ngayon. He's with his Tito Khalil. Kaya nga hindi pa rin niya alam kung ano ang mga nangyayari dito nang wala siya.

He doesn't even know na magkaaway kami nang daddy niya. I don't want him to know, kasi pag nangyari yun, that might affect him. Kaya ang gusto ko, kung ano man ang problema naming dalawa nang ama niya ay mananatili muna sa aming dalawa.

I opened my laptop and logged on to Skype. Hindi pa online si Khalil so probably hindi pa rin online yung anak ko. I faced my laptop for quite sometime until that bubble sound started to make noise. Agad ko namang in-accept ang tawag ni Khalil.

Tumambad sa akin ang isang napakagwapong nilalang na maari niyong tawagin bilang anak ko. He's smiling with his Batman teddy bear on his right side. He really loves Batman. I waved at him then smiled.

"Hey baby. How's your visit at Tito Khalil's house?"

"It was awesome Mom! But I miss you and Dad and specially Mikay!" sabi naman nito sabay pout. Aww! Ang cute nang anak ko. And did he just mentioned Mikay? Trust me, ipapa-arrange marriage ko to silang dalawa nang bestfriend niya.

Secretly Married with A Possessive Padilla (Completed Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon