Being 3

14 0 0
                                    


Caspian cheated on Eva with me and I cheated on Caspian with Julio.

I paced back and forth inside my room—one hand in my forehead and the other is on my waist.

I'm contemplating why I did that. Cheating na iyon hindi ba? Isn't it?

How did I do that? I'm sure I love Caspian but why?! Is it lust? Attraction? Infatuation? But I don't like Julio! I hate myself more now. I am a mistress and I'm also a cheater!

Kanina pa ako iyak ng iyak. Hindi na ako lumabas ng kwarto simula kanina. Kinakatok nila ako pero hindi ako sumasagot. Caspian even called but I didn't even bother to answer.

I lay down on my bed and let myself cry my guiltiness away, but I just couldn't. Guilty na nga ako sa pagiging kabit, lalo lang akong naguilty nang hinayaan ko si Julio na gawin sa akin iyon. Ano bang nangyayari? Why is this happening to me?! Ano bang ginawa kong masama sa past life ko at nangayayari sakin ito ngayon?

Due to dehydration and exhaustion, nakatulog ako. I woke up in the middle of the night when my phone rang. Tinignan ko kung sino ang tumatawag and I saw an unknown number.

"H-hello?" paos kong pagbati. All I can hear is breathing in the other line. "Who is this?"

"Good night, my Alamia." said a husky voice at the other end. Kilala ko ang boses na iyon! Kay Julio iyon. Nanginig ako.

"Can't you just leave me alone?! LEAVE. ME. ALONE!" hindi ko na napigilan ang inis ko. Pinatay ko ang telepono at inihagis iyon sa kung saan.

It's not all my fault. May kasalanan din si Julio kung bakit nangyari ang nangyari. In the first place, kung hindi niya ginawa iyon ay hindi naman ako magchi-cheat kay Caspian! Why did he have to do that? I'm tired of him saying that he'll have his way on me. Who the hell is he?!


Nagising ako ng umaga na puno ng iritasyon. Maaga akong umalis ng mansion at dumiretso sa condo. Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko si Caspian na natutulog sa sofa.

Nang pakatitigan ko siya ay nakaramdam na naman ako ng guilt. Sasabihin ko ba sa kanya? Anong mangyayari pagkatapos niyon? Ayokong mawala siya. Ayokong magkahiwalay kami, mahal na mahal ko siya.

Isinara ko ang pinto at nagtanggal ng sapatos.

"Babe?" tumingin ako sa kanya at nakitang pupungas pungas pa siya.

"Hmm? Bakit diyan ka natulog?" pagtatanong ko sa kanya habang lumalapit ako sa sofa. Hindi ko muna inintindi ang guilt na nararamdaman ko at inasikaso ko muna siya. Pinulot ko ang mga kalat at dumiretso sa kanya.

"I was waiting for you. You haven't answered my calls last night. I've been worried."

Nasa tapat niya na ako ng ibinuka niya ang mga braso niya asking me to lie down with him and I did. Nang maramdaman ko ang yakap niya ay lalo lang akong naguilty. How can I cheat on this man?

I felt him hug me tighter and I did the same. Napabuntong hininga ako.

"What's wrong, babe?" Inilayo niya ako sa kanya at tinitigan ng may pag-aaalala.

"Nothing, I'm just tired." pagsisinungaling ko. Yumakap muli ako sa kanya. "Let's sleep together. I missed you." inamoy amoy ko siya. Kahit kalian ay hindi ko naamoy si Caspian na hindi siya mabango, even his sweat is aromatic.

"Okay. Tutal hindi naman tayo nakapag-make love kagabi." pangloloko niya.

"What? Sabi ko matutulog tayo. Hindi magme-make love!" napatawa ako. Kahit kailan talalaga puro kalokohan lang ang alam ni Caspian.

Being A MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon