Rem1xerye Presents "Dear Diary, Ang Love na Triangle" Chapter 1 - Ang Simula

64 4 0
                                    

Rem1xerye Presents
"Dear Diary, Ang Love na Triangle"

INTRODUCTION

Lahat ng tao, may love story. May exciting, may nakakalungkot ang ending, meron din namang complicated na parang one more chance nila Bea. pero kadalasan, ung ibang love story, walang ending, kasi naputol nalang ng walang closure. Yung iba naman, parang dinaanan nalang ng panahon tapos wala na. Pero paano kung may choice ka kung ano ung kahahantungan ng love story mo? ano ang pipiliin mo? For sure, happy ending, pero paano kung medyo complicated sya in a way na, hindi ka sigurado kung sino ba tlaga ang happy ending mo?

Samahan nyo ko sa story ni Rish, Pey and Cones. Medyo mahaba at pabitin bitin, pero sana mag enjoy kayo :)

Papakilala ko muna sainyo si Rish. Sya ay independent person, mabait, masipag, pero may strong personality, hindi nag papaapi. malapit sya sa family nya, lalo na sa kuya nya na kamukha ni John Loyd Cruz. Teenager palang si Rish, natututo na syang kumilos para sa sarili nya, mahilig syang sumayaw, magaling sya sa maraming bagay, at literal na napaka linis at napaka ayos nya kasi may O.C.D sya or Obsessive Compulsive Disorder. Di sya napapakali hangga't may mali or naiiba sa ginagawa nya, gusto nya lahat tama. Perfect in other words. Wala syang masyadong kaibigan, mabibilang lang sa daliri kasi ilap sya sa mga tao dahil madalas syang napapag tsismisan dahil sa pagiging perfectionist nya, lalo na dahil sa paborito sya ng mga professors nya sa university na pinapasukan nya. Sa kabila non, nandyan naman ang bestfriend nya na si Pey na walang sawang sumusuporta sakanya sa lahat ng ginagawa nya.

Si Pey, sya naman ang good boy ng tropa, mabait, napaka galang, hobby nya ang kumanta, maglinis ng bahay, at mag luto. Tahimik lang sya unlike other guys kaya hindi sya masyadong napapansin. Pero he has a big heart para sa bestfriend nya na si Rish. They have known each other since Grade 5. madalas nabubuli si Rish kasi sya ang favorite ng High School teachers nya during mid-level, so laging to the rescue naman si BFF na Pey kahit may mga times na nauuwi sya sa Principal's Office o di kaya naman ay sa Clinic ng School. Alam ni Pey lahat ng gusto ni Rish, simula sa pag kain, sa damit na bibilin, hanggang sa mga ayos ng mga bagay-bagay.

Si Cones, sya naman ang 1st Crush ni Rish, na naging High School Classmate ni Pey. Cones, unlike Pey, He is the dream guy of every girl inside the Campus. Sobrang gwapo at ma-appeal. Sya ang leader ng bandang kinababaliwan ng mga babae sa Academy nila. He loves music more than anything else. He is fun to be with, but somehow, a little mysterious in a way. No one knows him completely; no one knows anything about him except the fact that he is the lead guitarist of Rem1x Unlimited Band.

CHAPTER 1 - The Beginning. (Hindi, ending na talaga to eh.) -_-

Venue: Outside Campus - Morning - Nag hihintay si Pey sa labas ng Basketball Gym dahil gusto mapanood ni Rish ang practice try out ni Cones sa Basketball.

Rish: OMG! Late na ba ko tsong?

Pey: Hindi pa naman, pero pa start na.

Rish: buti nalang, bahala na ang Thesis, pinaki suyo ko nalang na ipasa ni Patchot yung Thesis namin, di naman siguro mapapansin ni Prof.

Pey: Ha? Nakisuyo ka nanaman? Mamaya nyan matulad nung last year na mawala sapag kaka sunod sunod ayos ng Pages non. Ikaw din.

Rish: Wag naman! Napaka Nega mo talaga Tsong.

Hindi napansin ni Pey na may parating na bola kay Rish at tinamaan ito sa ulo. Nahulog si Rish sa kinatatayuan nito pero nasalo sya ni Pey kaya si Pey ang unang bumagsak sa sahig. Hindi ininda ni Pey ang sakit ng pag kakahulog nya, instead inuna nya pang tanungin si Rish kung nasaktan ba sya, pero hindi sya napansin ni Rish dahil nakatulala ito kay Cones habang papalapit sakanya.

Cones: Miss, Sorry. Hindi namin sinasadya. Si Cris kasi eh, napalakas ung pasa nya. Pasensya na. Gusto mo dalhin kita sa Clinic?

Rish: (Nakatulala habang naka nganga)

Cones: Miss? Miss?

Cris: Patay tayo pare! na stroke ata!

Pey: Hoy! (tinulak si Rish ng mahina) May langaw na bunganga mo tsang.

Rish: (Nagising sa riyalodad) Hindi, Okay lang ako, ano ka ba, Hindi kasi kami tumitingin, may bola na pala.

Cones: Sure ka? Okay ka lang talaga? Pwede naman kitang dalhin sa Clinic...

Rish: Ano ka ba, maaabala ka pa. Okay lang naman ako.

(Tinawag na ang name ni Cones for Tryout)

Cones: Okay. Sige, later.

(nag start na ang tryout)

Rish: OMG! Narinig mo ba sinabi nya?? Later daw!!

Pey: Oo narinig ko, di naman ako nabingi sapag kaka Salo sa'yo, nahulog lang din ako.
(hindi narinig ni Rish yung sinabi ni Pey dahil naka focus sya sa tryout ni Cones.)

Rish: Ayan naaa!! Ayan naaa!!

Habang nanonood sila, nakaramdam ng hapdi sa siko si Pey. Di nya na pinaalam kay Rish na nasugatan sya dahil sapag kaka bagsak nila, tiniklop nya ang sleeves nya para di mapansin ang pilas sa bandang siko at ang dugo sa damit. Matapos ang tryout, inihatid ni Pey si Rish sa dorm na tinutuluyan nito.

Rish: Oy, Tsong! bukas ulit ha?

Pey: ha? Eh may Group Project kami bukas.

Rish: Ay, ganon ba? Sige ako nalang mag isa.

Pey: sige ganto nalang, babawi nalang ako sa'yo sa ibang araw.

Rish: Hindi, okay lang. alam ko naman na pinag bubuti mo ang pag lo-lawyer mo atty. Peypey (sabay tawa) ang baho!

Pey: grabe ka mang bully! Salamat ka mahal kita. (pabulong)

Rish: (continuely laughing...) Ano?

Pey: Wala! sabi ko salamat ka maganda ka, wala akong maipintas sayo.

Rish: Utot mo! Nang bola ka pa, dun ka nga! Uweee! (tinulak pa alis)

Pey: Oo na, miss sungit! (nag friendship handshake)

Rish: Ingat sila sayo tsonggo!

Pey: (ngumiti sabay talikod) Oo, mag iingat ako para sa'yo. (pabulong)

TO BE CONTINUED...

REM1Xerye Presents Dear Diary "Ang LOVE na TRIANGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon