Lumipas ang ilang araw, paulit ulit lang ang mga pangyayari. Susunduin ni Pey si Rish at sasamahan sa kung saan man nito gustuhin matapos ay ihahatid sa pag uwi. Walang sawa si Pey na sinuportahan si Rish. Marami sa mga kaibigan nito ang nag tatanong bakit ganon nalang kung pag tuunan ng pansin ni Pey ang matalik na kaibigan.
Venue: Restaurant sa Quiapo - Pauwi matapos ang trabaho - Nag mamadali si Pey na matapos ang trabaho at makauwi dahil gusto nyang i-libre si Rish bilang regalo sa pag kakasama nito sa Dean's List. Ngunit sa di inaasahang pag kakataon, nag demand ang manager nya na si Mr. Tententot ng Over-Time dahil 2 sa kasamahan nito sa trabaho ang hindi pumasok. Dahil doon, kinulang sila sa tauhan. Malungkot na malungkot si Pey dahil ginabi na sya at inaalala nya na hindi nya na maaabutan si Rish sa pag uwi. Pasado 9 na ng gabi, at sa wakas, pauwi na sya ng biglang...
Rish: Tsoooooooong! (tumakbo palapit at umakbay sakanya.)
Pey: (Napangiti) Tsang, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah. (Nag alala) Masasarahan kana sa Dorm nyo.
Rish: Eh ano? Kasama naman kita, di naman ako mag iisa. Di mo naman ako iiwan di ba? (Nag Pa-cute)
Pey: (Ngumiti) Oo naman. Bat naman kita iiwan? Para saan pa at naging mag Bestfriend tayo di ba?
Rish: Yan ang gusto ko sayo eh! (sabay suntok sa dibdib)
Pey: Aray! Napaka Sadista mo talaga. Kung di ako nag kakapasa sayo, napipilayan, or nasusugatan ako.
Rish: hala! Kelan ka nasugatan? (sabay kuha sa phone dahil may nag text.)
Pey: Nung nahulog ako sayo tapos di mo ko sinalo kasi nakatingin ka sa Crush mo.
Rish: Ha? (hindi narinig kasi nag text yung kaibigan nya na may gig daw si Cones ngaun gabi.)
Pey: Wala! Sabi ko date tayo, treat kita, kahit ano, kahit saan. Anong gusto mo? Regalo ko sau since Dean's lister ka.
Rish: talaga? (natuwa) sige dalhin mo ko sa lugar na'to.
(pinakita ang address na naka sulat sa text.)Pey: saan naman yan? Ano meron dyan?
Rish: si Mr. Dreamboy ko. (kinilig) Nag text kasi si Adhelle, Classmate ko sa Pathology, sabi nya, may gig daw si Cones miloves ngayon!
Pey: (itsurang di maipinta) Ha? Akala ko ba date natin to ngayon?
Rish: kaya nga, date mo ko sa concert nya. Dali ba tsong. Bihira lang naman ako sayo mag request eh.
Pey: Bihira? Eh halos araw-araw nag rerequest ka na makita sya. Di ka ba nag sasawa sakanya?
Rish: Ba't naman ako mag sasawa? Napaka bitter mo talaga. Palibhasa wala kang love life, di mo alam paano ang ma-inlove!
Pey: (hingang malalim.) Hindi nga ba? (pabulong)
Rish: bakit meron ba?! Bakit di mo sinasabi sakin?? Sino ba yang babaeng yan? Sabihin na at ng makilatis!
Pey: Ha? (nag blush)
Rish: Sino nga? (Curious)
Pey: Si... si... si Heart!
Rish: Heart? Yung Leader ng choir sa Simbahan ng Quiapo? Yung babae na buntot ng buntot sa miloves ko?? Nako ha!
Pey: Oo, sya nga. Bakit? Selos ka?
Rish: ako mag seselos? Bakit? (sabay tawa) actually, mas maganda nga kung liligawan mo sya, para mabawasan naman ung buntot ng buntot sa miloves ko. Dami ko
masyadong karibal eh.Pey: binugaw mo pa ko. Mamasang ka talaga nung past life mo eh.
(Mamasang - Babaeng nag bebenta ng kapwa para sa panandaliang aliw.)Rish: baliw! Ano? Sasamahan mo ba ko or hindi?