REM1Xerye Presents"Dear Diary, Ang LOVE na TRIANGLE"Chapter 4 - Without a Reason

31 1 1
                                    

(PLAY THE VIDEO GIVEN ABOVE FOR BETTER IMAGINATION. )

Lumipas ang ilang araw, walang balita si Pey kay Rish. Madalas syang nasa labas ng bahay nito, nag e-expect na makita ang dalaga. Araw-araw, patuloy nyang pinupuntahan si Rish para sunduin, pero umaabot and ilang oras at wala syang Rish na nakita. Ilang text at tawag na ang ginawa nya pero walang sagot o di kaya naman ay busy.

Isang araw, naisipan ni Pey na puntahan si Rish at abangan buong maghapon. Natapos ang mag hapon, at ni anino ng dalaga ay hindi nagpakita. nag alala si Pey at napaisip kung ano ang nang yari kay Rish. Maya-maya'y lumabas ang isang kasamahan ni Rish sa Dorm para mag dilig ng halaman. Nilapitan nya ito at tinanong.

Pey: (lumapit) Excuse me.

Joana: (Nagulat) Ay puke mo!

Pey: (nahiya) Sorry, Sorry. di ko mean na magulat ka.

Joana: (napahawak sa dibdib) Ay okay lang yun pogi. ano bang kailangan nila?

Pey: Tatanung ko lang sana kung nandyan ba si Rish?

Joana: ay si Ate Rish po ba? wala na po sya dito. Umalis sya pauwi sa probinsya nila nung isang araw.

Pey: (nagulat) ha? Nasabi nya ba kung kelan sya babalik?

Joana: Pag kakaalam ko po, Doon na sya mag papatuloy ng pag aaral, kasi kunuha nya na pati deposit nya kay Ate Yoyaine.

Pey: (naguluhan) eh nag aaral sya di ba? paanong nangyari yon? eh matatapos na ang 2nd Semester. ilang buwan nalang, graduate na sya.

Joana: Yun nga po ang sinabi ko sakanya, na sana tapusin nya na, eh kaso, ayaw talaga mag paawat. sabi nya, need nya daw umalis. Importante daw po kasi.

Pey: (Nasaktan) Ganun ba. Siguro nga may malalim syang dahilan.

Joana: tingin ko po meron naman. bago kasi sya umalis, napansin naming madalas syang tulala, parang ang lalim ng iniisip. nag tataka nga kami eh. Di naman sya dating ganyan.

Maya maya ay bumaba ang isa pang kasama ni Rish sa dorm. nagulat ito ng makita si Pey. sumenyas sya kay Joana na wag mag sasalita, pero nakita ito ni Pey at sinabing...

Pey: alam ko na. Araw-araw nyo ko nakikita dito, bakit hindi nyo man lang ako sinabihan?

Cathy: Sorry Pey. Ayaw kasi talaga namin sabihin sayo na umalis na sya. Alam kasi naming masasaktan ka.

Pey: saan po ba sya pumunta? saan probinsya po?

Cathy: (napakamot sa ulo) Pasensya kana Pey, mahigpit nyang bilin na wag sasabihin sayo.

Pey: may iba pa po ba syang sinabi?

Cathy: Wala na eh. Sorry talaga.

Pey: sige... salamat nalang.

Tumulo ang luha ni Pey sa pag talikod nito. Maraming mga tanong sa isip nya. sobrang nasaktan si Pey sa pag alis ni Rish. Natapos ang Graduation nila, pero walang bakas ng kasiyahan sa mukha nito. ibinaling nya ang attensyon nya sa pag aaral hanggang sa nakapasa sya ng board exam. Lumipas ang ilang buwan at taon, pero wala syang balitang natanggap kung nasaan na si Rish.

Patuloy na naghintay si Pey sa pag babalik nito, pero walang nangyari sa pag hihintay nya. hanggang isang araw, nawala nalang ang sakit na nararamdaman nya, at napalitan ito ng galit. Pinag butihan ni Pey ang pagiging lawyer, nangibang bansa sya at nag take ng masteral sa Harvard University. Naging matunog ang pangalan ni Pey at nakilala nya si Reyan Buenavista Montaverde (Reya) na isang sikat na model at the same time ay Lawyer. After 2 years, naisipan ni Pey at ni Reyan umuwi ng Pilipinas para mag tayo ng sariling business.

REM1Xerye Presents Dear Diary "Ang LOVE na TRIANGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon