Dear Ate Ganda

65 1 2
                                    

Dear Ate Ganda,

Hi. Gusto kong magsimula sa pagsabi ng "Hi". Dun din naman tayo nagsimulang magkakilala dati, dun din tayo naging magkaibigan. Kaso kala ko kaibigan lang, pero habang tumatagal, unti-unti akong nahuhulog. Nahulog sayo, ang "pamangkin" ko sa school. Ayokong isipin mo na kaya ayaw ko dun sa isang nanligaw sayo ay dahil gusto kita, pero kung yun ang tingin mo, okay lang.

Nung sinabi mo sakin na "Bili tito aamin ka na?", gustong-gusto ko na umamin nung mga oras na yon. Pero sabi kasi nung isa nating kaibigan na sinabi mong pag aamin sayo, gusto mo personal, kaya inintay ko ang oras. Yung bawat "loveyoutoo" mo sa mga "loveyou" ko, naisip ko sana totoo nalang yun. Nung sinabi mong "Pano ba kita matutulungan?", gusto kong sabihin na "Mahalin mo rin ako", pero di ko naman pwedeng hilingin yon diba?

Sana lang iba yung nararamdaman mo. Sana iba yung naging sagot mo. Sana ang naging sagot mo nalang "Tito, gusto rin kita". Pero kung yun ang naging sagot mo baka wala 'tong sulat ko. Baka katabi mo ako ngayon, hawak ang kamay mo, o di kaya eh naka-lean ako sayo, tulad ng nakasanayan ko, na syempre, wala na ngayon.

Bakit ba ang unfair ng buhay sakin at lagi akong nadudurog? Naaalala ko tuloy yung sinabi mong pang-Wattpad na 'to. Siguro kung yung feelings ko naging book sa Wattpad baka mas kikiligin ka pa, kesa ngayon na feelings ko lang siya sayo, wala, walang kwenta (parang ako). Kahit sabihin kong handa akong maghintay, and if I really mean it, di ka parin maniniwala dahil yun din ang sinabi ng mga iba mong binasted. Siguro nga, di ako naiiba sa kanila. I'm not the loving kind.

Pero ang alam ko lang eh mahal kita. Yun lang. Oo, mahal kita. Patawarin mo ko sa pagmamahal ko sayo, at patatawarin kita sa di mo pagtanggap nito. Wag kang matatawa, lalo na sa sasabihin ko. Nasayo na ang lahat. Oo, pati yung puso ko. Sayang nga lang yung sayo hindi napasaakin. Di manlang kase ako nagkaroon ng pagkakataon eh. Pero kung bibigyan mo ako ng chance, sabihin mo lang. Di ko sasayangin.

Bakit ka ba ganyan? Lahat na ng pwedeng hanapin ng isang lalake sa babae nasayo na? Tuloy umasa ako. Umasa ko na pwede yung "CLOVER". At umaasa parin ako na darating ang panahon na pwede na yun. Sana naging ako nalang si MJ na gustong-gusto mong nakikita. Sana ako nalang si RJ na tuwing makikita mo eh kinikilig ka. Sana ako nalang si DJ na marinig mo palang yung pangalan eh kilig na kilig ka na. Pero hinde. Unfair ang buhay, at si Red lang ako. Si Red na tito mo lang, kaibigan mo lang. Wag mo sanang isipin na sinisisi kita kung bakit ako nasasaktan, kase alam nating dalawa na in the first place, ako lang naman yung may nararamdaman at umasa. So gusto ko lang malaman mong, nalulungkot ako na "ganito" lang. Pero kahit papano, masaya na ko dahil may "ganito".

Alam kong alam mong nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa katotohanang hangang dito lang tayo. Pero ayokong mawalan ng pag-asa, kase naniniwala parin ako na pwede yung "CLOVER". Naniniwala parin akong posible yung tayo. Di man ngayon, di man bukas, naniniwala akong meron nun sa future. Di ako naniniwala na hanggang dito nalang tayo. Kahit na naluha ako nung sinabi mong "studies muna bago yang love na yan", umaasa parin ako na tatapusin mo lang yung pag-aaral mo tapos papayag ka nang ligawan kita. Kahit na ilang na ilang ka na sakin ngayon, andito parin ako na di magsasawang sabihin sayo na mahal kita. At mahal parin kita. Kahit na Friendzoned na ko, kahit na Titozoned na ko, naniniwala ako, na di lang tayo hanggang dito.

Alam mo, naisip ko rin kung bakit mo nasabi na "studies muna bago yang love na yan". Siguro ibig mong sabihin bago mo ko mahalin, pag-aaralan mo muna, hanggang sa matutunan mong mahalin ako. Siguro kaya ayaw mo kong mahalin ay dahil ayaw mo akong mawala, gaya ng sinabi mo sa tigyawat mo na inis na inis ka. Sabi mo mamahalin mo nalang siya, para mawala. Nakakatawang isipin no? Ang dami na nating alaala kahit higit kalahating taon palang tayong nagiging close. Nakakapagtaka nga na nasasabi kong mahal na kita. Pero yun ang sabi ng puso ko eh.

Pang-apat ka na. Pang-apat na dumurog sakin. Pero naiiba ka sa tatlong nauna. Kase ikaw sobrang bait mo para manakit. Yung una kasing dumurog sakin, pinagsasalit-salitan kaming magkaibigan. Di man siya nakikipagrelasyon, puro MU lang, tapos di pa magawang pumili. At ngayon, lumipad na siya sa Palawan. Baka nga may iba na yun eh. Yung pangalawa naman kaapelido mo. Super close namin. Kilala mo naman siya diba? Kaso nung biniro ko lang ng "Missyou ❤", nailang na. Umiwas na ng tuluyan. Yung pangatlo naman, pinagpalit ako sa teacher. Teacher na di naman siya gusto. Sakit nga ng naranasan ko eh. Tapos nung umibig ako sayo, kala ko ikaw ang maghihilom ng mga sugat ko. Akala ko ikaw ang bubuo sakin, sa puso kong durog raised to the 3rd power. Kaso hindi eh, kase ayaw mo. Akala mo kasalanan mo? Hindi. Di mo kasalanan. Kasalanan ng tanga kong puso. Ako ang dapat magsorry, dahil nahihirapan ka pa sa sitwasyong ito dahil sakin. Patawad, mahal ko.

Kapag naiisip kita sa gabi, tuwing nagpapatugtog ako ng malulungkot na kanta na aangkop sa nararamdaman ko, naaalala ko lahat ng cute na bagay na nakakatuwa sayo. Naaalala ko yung cute mong double chin, na lagi kong kinakalabit-kalabit kapag napapansin ko. Naaalala ko yung mapuputi't malambot mong mga pisngi, na kinukurot o pinipiga ko kapag nakakasalubong kitang naglalakad tuwing bago tayo magtoothbrush after lunch. Naaalala ko yung balikat mo, na lagi kong sinasandalan kapag stressed ako. Naaalala ko yung lap mo, na lagi kong hinihigaan kapag nakasalampak ka sa sahig at kahit may ginagawa ka pa, pumapayag ka. At naaalala ko ang mga kamay mo. Yung mga kamay mong lagi kong hawak-hawak. Yung mga kamay mong tanging daan ko upang ipaabot sayo ang nararamdaman ko. Yung mga kamay mong nagpaalala sakin ng tunay na kahulugan ng buhay. Yung mga kamay mong nagsabi sakin, na dapat akong umibig muli. At oo, para sayo, ako ay iibig pang muli.

Di ko alam kung ano na ang tingin mo sakin ngayon. Kung mababa na ba, o kung mukha na bang tanga. Pero wala na kong pakielam. Gusto kong malaman mo na mahal kita, mahal parin kita. Kahit na magsawa ka sa kauulit ko, di ako katulad ng mga iba mong binasted na sinasabing hihintayin ka nila, pero hindi. Dahil umasa ako na pwede yung "CLOVER", at umaasa parin ako na pwede yung "JaRed", at di parin ako titigil na umasang pwede yung "TAYO".

Isang Sulat kay Ate GandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon