Dear Ate Ganda (II)

37 0 0
                                    

Noon sinasabi mo sa'king di mo kagustuhang madurog ako, at sinasabi ko naman sa'yong di mo naman kasalanan, at di mo ko dinurog. Pero ngayon, ngayong gabi, ay nasambit mo ang mga salitang dumurog ng tuluyan sa puso ko. Pinong-pino, na walang ng natirang buo. At parang wala nang pag-asang mabuo ulit. Ngayon, ngayong gabi, masasabi kong dinurog mo ko, sa mga salitang 'yon.

Oo alam ko, alam ko na bukod sa di mo ko gusto, may iba pang ayaw sa'kin. Silang mga akala kong kaibigan kong susuporta sa akin, silang mga lagi kong nakakasama, laging tinutulungan na kahit halos di na ko makagawa ng para sa sarili ko, ay sila na kontra sa'kin para sa'yo. Alam kong kung sila ang tatanungin mo kung dapat ba ko sa'yo ay walang pag-aalinlangan nilang sasabihing "Hindi". Hindi, dahil di nila ko naiintindihan. Kilala nila ko, pero di nila tinitignan ang mabuti kong side. Wala naman akong magagawa, ganun sila eh. Buti pa yung iba nakikita yung pagbabago ko, at yung mga efforts ko para maging karapatdapat sa'yo.

Isa lang naman ang gusto ko, let me love you. Hayaan mo kong mahalin ka na para bang di tayo magkaibigan lang. Hayaan mo kong mahalin ka na para bang di mo ko nasaktan, na para bang ako na talaga yung para sa'yo.

Yung nararamdaman ko sa mga sinasabi mo sa'kin, nung sa mga sinabi mong "Tapos mawawala ka? Yun ba gusto mo?", naramdaman ko na mahalaga ko sa'yo. Pero ayokong maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin. Ang kailangan ko ay mahalin. Nung sinabi mong naguguluhan ka, hiniling ko na sana kaya ka naguguluhan ay dahil di ka sigurado sa nararamdaman mo. Hiniling ko, na sana di mo lang alam kung anong gagawin mo sa nararamdaman mo. Hiniling ko, na sana may nararamdaman ka. At hiniling ko, na sana para sa'kin yun. Pero lahat ng yon, ay hanggang hiling lang. Hiling na di naman natupad dahil sinabi mong kaya ka naguguluhan ay dahil sa kakulitan ko. Kaya ginusto ko nang tumigil, ginusto ko nang lumayo, ginusto ko nang mawala sa buhay mo. Pero hindi, hindi maaari, dahil ayaw mo. Sinabi mo sa akin na pipilitin mong ibalik yung dati na "tito" mo ko at "pamangkin" kita. At dahil mahal kita, wala akong magagawa kundi pumayag. Gusto ko rin naman yun eh. Pero iba parin yung higit don. Higit don na hiniling ko. Hiniling ko, na sana may pagtingin ka rin sakin. Hiniling ko, na sana ayaw mo lang ng masyadong maaga. Hiniling ko, na sana balang-araw, magiging akin ka. Ngunit lahat ng hiling na yun, nadurog kasama ng puso ko. Naglaho dahil sa mga sinabi mo.

Inaamin ko, durog na durog na ko ngayon. Pero kahit durog na ko, di parin ako tumitigil na umasa. Umaasa kahit halos sabihin mong wag na. Kase mahal talaga kita. Mahal na mahal na ayoko nang humanap ng iba. Kaya hanggang ngayon, kahit nakukulitan ka na sa'kin, di parin ako tumitigil. Mahal kita. Di ako titigil na mahalin ka. Kaya sana, bigyan mo ko ng pag-asa. Bigyan mo pa ko ng dahilan para masabing totoo ang pag-ibig.

Sana ako nalang si RL. Sana yung 'Clover', pangalan ko yung 'R' sa dulo. Hindi dun sa ex-MU mo. Sana, sana.

Isang Sulat kay Ate GandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon