Dear Ate Ganda (III)

23 1 0
                                    

Di ko malilimutan ang lahat. Sabi mo sa'kin pipilitin mong maibalik yung dating tayo na 'tito' mo ko at 'pamangkin' kita. Okay, naniwala ako. Umasa ako. Kaya naisip ko yung dati, those times when you used to care. Dati makita mo lang akong nakadukdok eh alalang-alala ka na. Alam mo, ang sweet mo nga nun eh, sweet na pamangkin. Isipin mo di mo ko tinigilan noon ng katatanong kung okay lang ba ako. Alam kong alam mong di ako okay kaya syempre inaalam mo lang kung bakit hinde. Syempre isa yun sa napakaraming naibigan ko sa'yo. Kase ang cute mo kapag nag-aalala ka sa'kin. Noong nangyari yun lumalambot yung puso ko, puso kong durog na noon pa man. Durog na lumalambot pa! Aba matinde! Pero ang cute mo talaga kapag ganon.

Sabi mo ibabalik mo yung dati. Yung dati? Ahh yon. Yung mga panahong kapag nagalit ka, magagalit ako, tapos ikaw pa yung magsosorry sa huli, yun ba yung tinutukoy mo? Yung kapag nagtampo ko, kukulitin mo ko at di mo ko titigilan hanggat di pa okay, yun ba? Walang-wala na yun ngayon eh. Kase ngayon kahit ano mangyari, ako nalang yung nangungulit, ako nalang yung laging nagsosorry. It is only me who still cares. May pake parin ako. Ikaw parang wala na, parang wala na lahat ng nangyari noon.

Ngayon parang ayaw mo na kong kausap, di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Feeling ko nagaya na talaga ko kay Ngongi. Feeling ko wala na kong halaga sa'yo. Feeling ko isa nalang akong 'kaklase' para sa'yo. Di ko alam na noong birthday ni Gillian, yun na pala ang huling hawak ko sa kamay mo. Nung mga oras na yon, nung tayong dalawa lang sa kwarto ni Gillian, gusto kong hawakan yung kamay mo at umamin na. Ginusto kong pag-amin ako, magtatapat ka rin. Kaso parehong di nangyari. Di ako nakaamin, yun na dapat yung pinakamagandang moment na aamin ako eh, kaso naduwag ako. At syempre nung umamin naman ako sa'yo, it was a haste. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi mo na naramdaman yung nais kong ipadama. Ni hindi mo nga nakuhang makasagot ng maayos dahil sa bilis ng eksena. Sayang. Sayang.

Sana may paraan pa para maging akin ka. Sana di na ko nasaktan. Sana di na ko nahirapan. Pero kung ganon, baka maaga rin kitang pakawalan. Kase hindi ko mararamdaman ang 'worth' ng ginawa ko, kase madali ko lang nakuha. Nagsisisi ako. Nagsisisi akong kulang ako. Nagsisisi akong di ako sapat para sa pag-ibig mo. Nagsisisi ako, mahal. At sa bawat pagkakataong makikita kita, lalo kong nararamdaman ang lahat ng pagsisisi, ang panghihinayang. Kung magiging akin ka, di kita sasaktan. Di kita lolokohin. Aalagaan ko ang puso mo, iingatan ko. Pangarap kong gawin yon, kaso di ko magawa, kase nga di ka akin. Kaya umaasa ako. Umaasa na one day pwede ko nang gawin yon. At pangako, mahal, kapag hinayaan mong subuking makuha ang matamis mong 'oo', hindi ka manghihinayang, hindi ka magsisisi, mahal.

Isang Sulat kay Ate GandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon