Fifteen ~ 16

1.3K 81 9
                                    

Nadine's Pov
Naglalakad ako ngayun papunta sa swimming pool ng R.U. Walang swimming class ngayun. Grabe, gusto kong umiyak! Di ako nakasali sa competition! Nasuspend kasi ako, wala naman akong ginawang kasalanan. Pabebeng principal na yun! Ang dami ko na ngang problema, dinagdag pa yung sa kumpetisyon.

"Psst! Coleen!" sabi ni di ko kilala.

Lumingon ako sa paligid, nakita ko ang isang lalaking naka-all white at naka-upo sa mga bleachers.

"Who you?" tanong ko.

"Seryoso, cols? Kakakilala mo nga lang sa akin kahapon, nakalimutan mo na agad?" tanong niya.

Omg! Siya s-si T-troye? Hindi yun panaginip? Totoo yun?? Aaaaah!!

"B-bakit ka andito?" tanong ko.

"Simple lang. Isa mo kong guardian human. Oo, human hindi anghel. Kasi, mahabang story." sabi niya.

"*roll eyes* so? At ako may guardian ang--este human? Hah! Kung sino ka man, wag mo kong sundan!" sabi ko.

Dumiretcho ako sa c.r ng girls at nagpalit ng swimwear. I want to swim. Para naman makarelax ng kaunti. Lumabas na ako at nagulat ako bigla sa nagsalita.

"Going to swim?" tanong ni Troye.

"Hindi ba halata?" tanong ko.

"Halata. Good yan, para maalala mo kung bakit memorable para sa'yo yung number 15." sabi niya.

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. "15?" tanong ko.

"Oo, 15 nga. Fifteen. Kinse. Yeol Daseos. Shíwu. Quinze." sabi niya.

Kumunot yung noo ko. "Hindi mo na kailanganin pang ibahin ang linggwahe. Naiintindihan kita." sabi ko.

"Weh? Alam mo ba yung mga language na binanggit ko?" tanong niya.

"English, Tagalog, Korean, Chinese at French. And please? Da-eum nal jungji!" sabi ko.

Kinamot niya yung batok niya. "Ano yun?" tanong niya.

"Korean language. Di mo naiintindihan? Eh kanina, ang dami mong alam na linggwahe. Tas ngayun di mo alam? Sabi ko stop following me!" sabi ko.

"Sorry na! Narinig ko lang sa mga tao yung word na yun, haha!" sabi niya.

I rolled my eyes at him. Nagdive na ako sa pool. Inubos ko ang oras ko sa pool.

"Mommy! Mommy!"

"Hija? Anong pangalan mo? Ha?"

Di ako sumagot. Umiling ako.

"Di mo alam? Ipapangalan ko sa'yo ay N---!"

"NADINE!" sigaw ni Charlie.

Napa-ahon bigla ako at kinuha yung towel ko sa may bleachers. Ano yun? Anong meaning nun?

"Hoy! Nadine!" sigaw ulit ni Charlie.

"Oh? B-bakit?" tanong ko.

"Problema mo? Kanina pa kita tinatawag ah!" sabi niya.

"H-ha? S-sorry. D-di ko masyado narinig. N-napasukan kasi ng tubig yung tenga ko." sabi ko.

"Eh? Halos maubos na ang boses ko kakasigaw sa'yo, di mo pa rin marinig?" tanong niya.

"O-oo nga! Ang kulit mo, charlie." sabi niya.

"Okay, okay." sabi niya.

"Kamusta na pala kayo ni Harold?" tanong ko.

Fifteen [ A JaDine Fan Fic] 《completed》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon