Fifteen - 1

2.9K 130 43
                                    

Nadine's Pov

"NADINE DOMINGO!" tawag sa akin ng coach namin

Buong-buo ang pangalan kung tumawag eh, no?

"Bakit po coach?" tanong ko

Actually hindi talaga dapat coach ang tawag sa kan'ya. Trainor dapat kasi swimming lesson ito. Pero ako lang ang nagtatawag sa kan'ya ng coach. Trip ko eh! Haha.

"Ang kulit mo talaga eh no? Sabi ko, trainor ang i-tawag sa akin! Hindi naman ako coach ng basketball diba?" sabi ni Coach Mark

Hehe trip ko talaga ang coach eh.

"Hehe sorry trainor! Nga pala, ba't mo ko tinawag?" tanong ko kay Coach

Makulit ako! Aminado ako dun, haha.

"Tss! May papalit na sa akin" sabi ni Coach

"Talaga Coach? Aalis ka na? Yehey!! Magsa-sabog ako mamaya ng confetti" sabi ko

Tinignan ako ni coach ng masama.

"Sa-sabugin ko muna mukha mo!" sabi niya

Actually ako lang ang close ni coach sa aming mga trainees. Feeling close kasi siya eh, haha.

"Joke lang! Bakit ba coach? Sa'n ka ba pupunta?" tanong ko sabay punas ng buhok ko

Kakatapos ko lang kasi lumangoy kaya basang-basa pa ako.

"Pupunta na ako sa Japan para mag-turo ng swimmers dun" sabi niya

Sa Japan?

"Diba? Malamig dun? Sino kaya ang tatangka lumangoy sa swimming pool kung malamig na dun?" tanong ko

Sa dami-daming pwede puntahan, Japan pa? Ayos talaga minsan si coach eh haha.

"Oo nga, eh dun daw maraming swimmers sabi ng pinsan ko" sabi niya

"Nako...nako coach Mark, na-uto kaagad" sabi ko habang umiiling

Binatukan niya naman ako, oh diba? Feeling close.

"Baliw! Nga pala ang papalit sa akin ay si----" hindi natuloy ni Coach yung pagsalita niya bakit?

Kasi may papansin. Grabe ang gwapo'ng papansin!

"Mark!" tawag ng nilalang na ka-uri namin

Malamang! Hindi siya alien eh!

"Oh James! Andito ka na pala" sabi ni Coach

"Ay wala pa coach, kita mo naman diba?" pilosopo kong sabi

"Gusto mo bang ilaglag na kita ngayun sa pool, ha Ms. Domingo?" tanong sa akin ni Coach

Ngumiti ako at inirapan siya. Lumapit naman yung gwapo'ng nilalang sa pwesto namin.

"I'm sorry i'm late. My sister got sick" paliwanag niya

Wushu! Englishero ang nilalang!

"Ay hindi ka naman late, just in time ka lang. Kaso lang paalis na ako eh, bye Coach, bye....hmm...nilalang" sabi ko habang nagwe-wave pa

Kumunot noo naman yung nilalang. Hinila ako pabalik ni Coach sa inu-upuan ko kaninam

"Aray! Ano ba 'yan coach, may date pa kami ni Finn and Jake eh!" reklamo ko

Oo mahilig ako sa Adventure time, crush ko pa nga si Finn eh! Putspa lang, ayaw ako paalisin ni coach.

"Putek! Sa daming pwede i-date yung cartoon pa!" sabi ni Coach

Feeling close talaga 'tong coach na 'to eh!

"Walang pakielamanan ha coach? Kaya please lang aalis na ako at pumunta ka na sa Japan. I-text mo na lang sa akin kung sino ang papalit sa'yo para sabay kami'ng mag-celebrate" sabi ko

"Ang kulit mo talaga Nadine! Eh ipapakilala ko na siya ngayun sa'yo, in personal!" sabi ni Coach

Umupo naman ako ng maayos at inayos yung buhok kong basa. Yung gwapo'ng nilalang naman umupo sa tabi ko, ay! Feeling clooooose!

"Asan siya? Gwapo ba? Artista ba? Hunk actor? Ano coach? Magsalita ka!" utos ko

Tumawa naman si Coach.

"Katabi mo lang, Nadine" sabi ni Coach

Tumingin ako sa katabi ko. Siyaaaa!? Hindi naman gwapo eh! (Weh? Hindi?) Oo na gwapo siya.

"Hi, i'm the new trainor. I'm James...." hindi ko siya pinatuloy

"Ikaw si James Bond!? Waaa hindi nga? Ikaw yung secret agent? Grabe! Talo mo pa si Perry the platypus eh!" sabi ko

He chuckled. Whaaat!? May mali ba sa sinabi ko?

"I'm not James Bond...I'm James Clark! Nice to meet you" pakilala niya sa akin

Nagshake kami ng hands. It's so nakakahiya! Na-wow mali ako. First time in history! Grabe lang! Hindi ko kakalimutan ang day na 'to! 15 ngayun! At ngayun lang ako na-wow mali! Sa gwapo'ng nilalang pa!

~*~

Fifteen ~ Chapter 1

Fifteen [ A JaDine Fan Fic] 《completed》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon