KATHRYN’S POV
“Bilisan mo na at kanina pa naghihintay sina Daezen!” Pasigaw na sabi ko kay Julia habang papaakyat ito sa hagdan.
“Oo na, oo na. Kumuha ka na lang muna ng soda sa ref habang naghihintay ka jan,” utos niya tsaka nagmadaling umakyat sa second floor ng bahay.
We planned na magkita since malapit namatapos ang summer vacation and next school year ay magiging busy nanaman kami. Business Administration ang course namin --- Accounting ang major ko, so is Julia, Gaby, and Anikka. While si Daezen naman ay MassCom.
Dinaanan ko na si Julia since magkalapit lang ang bahay namin. And tama lang ang naging desisyon ko dahil mukhang hindi pa ito kikilos kung hindi ko ito pinuntahan. Dami pa naman nitong kaek-ekan.
Umupo lang ako sa sofa at nagbasa ng magazines when suddenly may narinig akong kotse na huminto sa garahe. I think it’s Julia’s kuya.
Julia’s parents were the owner ng school na pinapasukan namin. But despite of their hectic schedule, may time parin sila para kina Juls.
Nakita kong papasok sa bahay ang kuya ni Julia na si Seth.
“O, Kath, nandito ka pala. Kumain ka na?”
“Done. I was just waiting for Juls na matapos. May lakad kasi kami.”
Tumango siya. “May lakad na naman pala kayo. By the way, you know DJ, right?” Then lumingon siya sa guy sa likuran niya.
Napatingin ako sa kasama niya na nakangiting nakatitig sakin. Feeler much te?
Sino ba namang di makakakilala kay Daniel “DJ” Padilla? Their family owns one of the largest company sa America. Hindi lang naman family niya ang sikat. In fact, popular din sa campus si DJ and his barkada. They were known as the “Parking Five.” Mainly because they were hot, rich and gorgeous --- every girl’s dream guy.
Si Seth and JC ang may pinakamaraming fans since sila ang numero unong playboy. While Lester was their ice prince since siya ang pinakasuplado. But still, girls adore him kasi gwapo and matalino siya. Si Kats ang loyal type, stick-to-one kumbaga. And lastly, DJ, ang cassanova ng group.
Kung sila DJ narin lang naman ang natitirang lalaki sa mundo, hinding-hindi ko talaga siya papatulan. I don’t know but di kasi ako mapalagay whenever he’s around.
Gwapo. Mestizo. Funny-type. Stubborn. Bassist ng grupo. And may pagka-angas ang aura nito.
“HI, I’m DJ.” Then he held out his hand.
“Kath,” matipid kong sagot sabay shakehands sa kanya. Binawi ko agad kamay ko, feeling ko kasi may kuryente yung kamay niya.
“Paano bregs, iwan muna kita dito. May kukunin lang ako sa taas.”
Sinundan ko ng tingin si Seth nang umakyat siya sa second floor ng bahay nila.
“May gusto ka ba kay Seth?”
Napakunot ang noo kong napalingon kay DJ at tinaasan ko ng kilay.
“Paki mo kung may gusto ako kay Seth o wala?” Mataray kong sagot. Feeling close kasi masyado eh.
“I just wanna know who would be my possible rivals.”
“Sira-ulo k aba? Ngayon lang tayo nagkakilala!”
Hinimas niya yung baba niya at kunwari nag-iisip.“Sabing doctor ko, I’ll take my medicine and I’ll be okay na.” Tumango-tango pa siya. “Yeah, it’s a pity na ngayon lang tayo nagkakilala.”
Napaatras ako.Nagbibiro ba to? May saltik ata talaga eh.
Nabasa niya yata yung iniisip ko kaya bigla siyang tumawa.
“Hahahaha. Nagbibiro lang ako. I’m definitely sane. Nothing to worry about.” Tawa parin siya ng tawa.
Napatingin ako sa second floor when I heard Seth’s voice. Nagulat ako nung binalik ko yung tingin ko kay DJ, sobrang lapit ng mukha namin. Kulang nalang magkapalit kami ng mukha sa sobrang lapit.
“DJ, HINAHANAP KO PA YUNG PLATES. KUMAIN KA MUNA JAN.” Sigaw ni Seth mula sa taas.
I looked at the stairs but wala nama nsi Seth. Pagbaba ko ng tingin, I was really shocked when DJ kissed my lips!
1%
15%
35%
69%
86%
99%
What was that? D-did he just kissed me? He stole my first kiss!
Para akong na-statwa that I didn’t even noticed na nasa harap ko na si Julia.
“O. DJ, nandito ka pala. Nag-merienda ka na?” Tanong ni Julia.
“Nabusog na ako sa strawberry.” Sagot ni DJ then he grinned.
Was he referring sa strawberry-flavored lip-gloss ko?
“Ang sarap pa la ng strawberry ‘no?”
Napakunot-noo si Julia. “Wala akong natatandaang bumili kami ng strawberry. Anyway, aalis na kami. Bye!” Then she pulled me.
“Okay ka langba Kath? Mukha ka kasing wala sa sarili.” Tanong ni Juls pagkasakay namin ng taxi.
“Ha? Ahh. O-okay lang ako. May iniisip lang.”
“Pambihira na man yang iniisip mo, nawawala ka sa sarili.”
Itinuon ko nalang yung attention ko sa bintana.
Umiinit ulo ko ‘pag naaalala yung halik ni DJ. It was my first kiss!
It may not be counted as real kiss since he just stole it but it was still a kiss! My first kiss!
And naiinis ako kasi nakatayo lang ako at na-statwa instead of punching, slapping, or kicking that bastard!
San ba napunta yung malditang side ko? Binansagan pa naman ako sa campus ng “Ice Queen,” “Sadistic Princess,” “Amazona,” and many more.
Napamura na lang ako ng mahina when I remembered DJ.
Bwisit talaga ang bakulaw na ‘yon!