3

61 5 2
                                    

Since 3 hours lang class ko, 2 updates for today!  

~~~~~

“Goodmorning ma’am Kath.” Bati ni mang Pilo, security guard.

Pinagbuksan niya ako ng pinto and I smiled at him bilang pasasalamat.

Dumeretso na ako sa private office ng restaurant at agad na umupo sa desk ko. Binuklat ko yung mga folder ng mga audit and inventory ng restaurant na nakatambak dun. 

Pag-aari naming lima angCasa Verde. Highschool palang kami, pangarap na naming magkaroon ng restaurant. Kaya kahit busy kami sa mga trabaho namin, hindi namin pinalampas yung pagkakataon namaitayo ang Casa Verde. We even made schedule para fair ang pagkahati-hati ng schedule namin. And I was assigned every Monday.

Nung mamatay sila lolo at lola, I learned to be independent. Matagal na ring patay ang parents ko pati narin ang mga kapatid ko dahil sa isang car accident nung highschool pa ako.

Napaangat ang ulo ko mula sa pagbabasa ng financial reports nang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok si Gaby. Mukha pa ngang inaantok.

Napakunot ang noo niya nang makita ako.

“Lunes ba ngayon?”

Lumapit pa siya sa desk ko at dinampot ang calendar na nakapatong.

“O, tama naman ako. Thursday ngayon pero bakit nandito ka na nang ganito kaaga?”

“Boring kasi sa bahay.”

Dahil kasi sa kurimaw na naligaw doon sa bahay nang kay aga-aga kaya ako napa-aga rito.

“Kunsabagay, wala ka naman kasing ginagawa sa unit mo. Hindi ka naman mahilig mag-shopping o maggala. Ayaw mo rin makipag-date. Workaholic kasi masyado eh.” Tumawa pa siya. “Tatandang dalaga ka talaga niyan, Kath.”

I Fell Inlove With A BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon