Nagising nalang ako sa sunod-sunod na tunog ng doorbell.
Ang aga-aga namang mambulabog ng bwisit na to oh. Tss.
Tinakpan ko ng unan yung mukha ko para makatulog uli. For sure magsasawa rin yun kaka-doorbell.
I only had 3 hours of sleep dahil nagpuyat ako sa paglalaro ng Candycrush. Nag-enjoy ako kakalaro that I didn’t noticed na late na pala masyado.
And dahil parang walang planong tumigil yung nagdo-doorbell, bumangon na ako. I didn’t even bothered fixing myself bago ako tumungo sa pinto.
At ayun nga, iniluwa lang naman ng pinto ang isang bwisit na halimaw.
“Good Mor----“ Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya at binalabag kopasara yung pinto.
Ilang hakbang pa nga lang mula sa pinto nang tumunog na naman yung doorbell. Uugh! Kelan ba ako titigilan ng bakulaw na to?!
Kung wala lang akong katabing unit, NAKUUUU! Hahayaan ko lang talaga siya magdoorbell hanggang sa mapudpod yung daliri niya.
Nakakunot-noo kong binuksan yung pinto.
“ANONG KAILANGAN MO AT ANG AGA-AGA NAMBUBWISIT KA?” Sigaw ko sa kanya.
He gave me a sweet smile.
“Morning!” Then he looked at me from head to foot, na parang he’s examining me. “I didn’t know nagsho-shorts ka pala kapag natutulog.”
“Bakit, masama ba?” Mataray kong sagot sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya. “Nothing. Akala ko kasi pajamas isinusuot mo. Sobrang conservative mo kasi.”
Di ko na pinansin ang sinabi niya and pasimpleng sinuri yung suot niya. He was wearing a plain white shirt paired with a skinny jeans and Vans, and nakashades.
“Ano ba talagang ginagawa mo dito, ha?!”
“Chillax. Dinalhan kita ng breakfast. Your favorite breakfast.” Then tinaas niya yungdala-dala niyang supot.
Napatingin ako sa wall clock. Past 8am na pala. Medyo gutom na rin ako since di rin ako nakain ng dinner last night.
Itinikom ko nang mariin yung bibig ko nung nalanghap koyung amoy ng bacon at brewed coffee nang nilapit niya sa mukha ko yung dala niyang supot.
Natigilan nalang ako ng bigla na lang nawala yung amoy. Pumasok siya and headed to the kitchen para ihanda yung pagkain sa mesa.
“At sino nagsabing pwede kang pumasok?”
“I heard your stomach grumbling and I think it’s a sign para ipaghanda nakita ng pagkain.”
Nakaramdam ako ng panandaliang kahihiyan. I gave him my famous death glare.
“Sabi ko nga, di na dapat ako pumasok.”
It seems like may nakita siya sa bandang kaliwa at tinuro yung direksyon na tinitignan niya.
“Ano yun?” He asked.
Tinignan ko yung tinuturo niya. Nagulat nalang ako nang halikan niya ako sa pisngi.
And bago ko pa man siya masigawan, mabilis siyang nakatakbo sa may pinto para tumakas.
“Hoy! Bumalik ka rito!”
Hinabol ko siya pero mabilis na nakakaiwas sa ‘kin.
“Una na ‘ko hon! Pakabusog ka sa dinala ko!” Nag-flying kiss pa yung bakulaw bago tuluyang tumakbo palabas.
“Uuuuuugh!”
Kahit kalian talaga, ang galing manira ng araw ng bakulaw na ‘yon!
Napatingin ako sa mesa. Lumapit ako para tignan yung mga pagkaing dinala ni DJ. Paborito ko nga yung mga dinala niya ---- Bacon strips, Omelet, Fried rice, Brewed coffee and Mango tart. Lalo tuloy kumalam sikmura ko.
Umupo nako sa silya pero di ko pa rin ginagalaw yung mga pagkain. Nagdadalawang-isip ako kung kakainin ko yun, baka kung anong lason nilagay nung bakulaw nay un. Mahirap na, mahal ko pa naman buhay ko.
“Di bale na. Masama tanggihan ang grasya.” Sabay subo sa isang piraso ng bacon.
Hinimas ko yung tiyan ko pagkatapos kong kumain.
Kahit busog na ako, may kasalanan ka parin saking bakulaw ka! Hmmp!
~~~~~
Please do vote and leave a comment. :)
Thanks nga pala sa mga nagbasa. Hope nagustuhan niyo. Yun lang ^_^
- youNmeislove