DANIEL'S POV
It's quarter to 12 and malapit na ang lunch break. I pressed the intercom.
"Yes sir?" tanong sakin ni Chienna, my secretary.
"Chie, what's my schedule this afternoon?"
"You have a field inspection sa Cavite at 3pm with sir Lester. And also, sir Seth told me na i-remind ko daw po kayo sa group dinner niyo this coming weekend."
Napakunot-noo ako. "Wait. Akala ko ba si Katsumi ang assigned sa field inspection with Les?"
As far as I remember, kay Les and Katsumi napunta yung project. Usually kasi, nagbubunutan pa kami para sa kanya-kanyang assignments, or kung sino magustuhan at piliin ng client. Kung major project naman, dalawa ang hahawak nun. Just like now."Eh sir, kasi, an emergency came up daw sabi ni sir Katsumi. Kaya if pwede daw ikaw nalang daw ang sumama kay sir Lester."
Since 3pm pa naman yung appointment ko, I still have enough time para sa balak kong puntahan. Pwede ko rin naman siguro pakiusapan sina Jorick na pass muna ako sa dinner ng barkada. I was thinking kasi na baka sa weekend balak makipag-usap ng partner ko about Seth's surprise birthday party. Napangiti ako while thinking na pwede ko pa isingit ang "special appointment" ko. MAs importante at less boring ang panggugulo ko sa kanya kesa sa ibang appointments ko--- it's not that boring kasama sina Seth and Lester. For me, parang nagmistulang kulang yung araw ko kung di ko siya nakikitang nagsusungit.
"Sir?" napalalim ang pag-iisip ko that I almost forget my secretary is still here.
"May importante akong lakad ngayon Chienna. I'll leave everything in your hands."
"Ha? Sir, pero may appointment po kayo mamayang hapon and yung---"
"Relax Chienna. I'll be back or better yet, I'll talk to Seth. If ever may maghanap sa'kin, tell them to set an appointment with me. Okay?"
"Gagabihin pa daw po ng balik si sir Seth."
Ugh. I almost forgot. Tinanggap niya nga pala yung isang assignment sa probinsya. And sa pagkakatanda ko, si JC nalang ang walang nakuhang assignment.
"If that's the case, I'll talk to JC then." Isang nakakalokong ngiti ang nagform sa mga labi ko sa naisip ko. Pwede namang i-text ko nalang siya, kaso trip ko lang talaga guluhin siya ngayon. Knowing him, ayaw na ayaw nun na ginugulo pag nagrerelax siya.
"Anything else, sir?"
"I'll just call you when I need something. Thanks."
Nagmadali akong lumabas ng office at pinuntahan si JC sa office niya. Nakasalubong ko pa si Nathalia na papalabas, at umuusok na ang ilong sa galit. I haven't met her personally before, sa picture nila ni JC ko lang siya nakita. She was JC's ex-girlfriend. And I think something's wrong with them kaya galit yung lumabas.
Pinasok ko na ang opisina ni JC at nakita ko siyang nakaupo sa likod ng desk niya at hinihilot ang sentido. Nathalia's really giving him so much stress.
"May World War III na naman bang naganap?" Pang-aasar ko.
Napakunot-noo nalang siya. "Ano na namang kalokohan yan?"
"Nakasalubong ko kasi sa labas ni Nathalia, and she's fuming mad. Parang pinagbagsakan ng langit yung mukha."
Napailing nalang siya when he heard Nath's name. "It's so unusual na pumupunta ka ng office ko. Unless nalang kung may kailangan ka. Meron no?""De, loko to. Wala. Na-miss lang kita brader!" Then I spread my arms wide open. Hahahaha. "Hihingi sana ng konting favor. Pakisabi kay Seth na di ako makakasama sa group dinner this weekend."
"Tawagan mo nalang o kaya i-text mo."
"Wala nga kasing signal sa site." pagdadahilan ko. Nakakatamad mag-explain, mamaya ma-slide pako about sa surpirse birthday party.
"Ba't di mo nalang hintayin makabalik galing sa site?"
"Ang kulit talaga ng lahi mo brad. Malamang gabihin na yun tsaka may date pa ako ngayon at sa weekend."
"Ang sabihin mo, gusto mo lang ipagmalaki sakin na may date ka. At sino na namang malas na babae yang naloko mo?"
"Gag* ka 'tol. Di naman masyado, slight lang," sabay pabirong sinuntok sa braso "none other than my one and only... tantananantanan.... S-E-C-R-E-T!" Sinundan ko pa ng sobrang lakas na tawa. E pano, ang epic ba naman nung mukha.
Wishful thinking na lang siguro na magkakaroon pa kami ng date ni Kathryn. I can't help but smile with the thought na kasama ko siya. I would have lots of time to annoy her. I can imagine her face right now na sobrang pula sa inis. Hahaha.
"Wala ka talagang kwentang kausap." Umiling lang si JC at inayos yung mga documents at ibang folders na nakakalat sa desk niya.
Napangiti ako. "Basta ang masasabi ko lang para siyang amazona. Pero compared with Nathalia, sa amazona nalang ako kaysa sa monster na parang mangangain ng tao kapag di nakuha yung gusto." nakangising sabi ko papalabas "O, sige. Pakisabi nalang kay Seth ha? Thanks! Muaaaah!" tapos kunyaring nag-flying kiss ako sa kanya.
"KADIRI KA TALAGA PADILLA!" Pahabol na sigaw ni JC. Hahahahahaha
Hindi ko na siya sinagot at lumabas nako ng opisina na pasipol-sipol papalabas ng building. Dumeretcho na ako sa parking lot.Pasakay na ko ng kotse nang maisip ko yung pupuntahan ko.
Mukhang ako ang pupunta ng gyera ah. Goodluck nalang sa'yo DJ..
![](https://img.wattpad.com/cover/6424863-288-k295742.jpg)