(PICTURE OF LET-LET ON THE SIDE!! Ganda niya, diba? Hehehe...)
Tahimik lang akong nagbabasa sa library sa aming barangay. Dito na ako gumagawa ng mga assignments ko o kaya yung mga prjects sa school kapag kailangan.
Madalas kasi wala sa libro namin yung mga binibigay na assignments kaya sa library madalas ang padpad ko. Etong library na 'to na rin ang naging tambayan ko.
Kapag tapos na ang klase, bago ako umuwi ay pumupunta ako dito para humiram ng libro na gusto kong basahin, hindi lang kasi mga librong puro kaalaman ang mayroon dito eh. Syempre, meron din silang mga novels na binabasa ko bilang libangan.
Tawagin niyo na akong bookworm kung gusto niyo, basta mahilig akong magbasa at yun na yun!
Nagreresearch ako ngayon tungkol sa Economics para sa assignment ko sa Social Studies. Fourth Year High School na ako ngayon, kasisimula lamang ng klase last week.
After 1 hour ay natapos din ako sa aking assignment! Niligpit ko na ang mga notebook ko at ang mga libro na hinanapan ko ng sagot sa assignment ko. Siguro mga 3 libro ata ang kinuhanan ko ng sagot.
Nang maglalakad na ako paalis sa silya ko ay may nakabunggo ako at nahulog ang mga hawak naming gamit.
"Sorry!" paghingi ko agad ng tawad habang nililigpit ang mga gamit ko.
"Hindi. Okay lang. Sorry din. Dapat tumitingin ako sa dinadaanan ko." sabi niya naman.
Naayos na namin ang mga gamit namin at nang ibigay niya sa akin ang mga libro na nahulog ko ay nagkatitigan kami sa mga mata namin. Pero hindi niya siguro nakikita ang mga mata ko dahil nga may salamin ako.
Pero hindi talaga malabo ang paningin ko, nagsasalamin lang ako pag nagbabasa ako. Medyo nahihirapan na kasi ako magbasa, parang ang liit ng mga salita eh.
"Ahm, sige. Sorry ulit ha." tumango ako tapos nilampasan na niya ako. Wow, in fairness. Ang cute niya!
Umiling ako upang ibalik ang isip ko mula sa aking imahinasyon. Lumakad na ako patungo sa shelves kung saan ko nakuha ang mga librong kinuhanan ko ng sagot.
Pero syempre, hindi pa muna ako umalis, tumingin-tingin muna ako sa library kung meron silang bagong libro or baka may libro pa na hindi ko nababasa.
Matapos ang ilang minutong paghahanap ay nakakita ako ng magandang libro. Pagka-abot ko sa librong iyon ay saktong may inabot din iyon ng katabi ko.
Nagkapatong ang mga kamay namin at sabay din kaming tumingin sa isa't-isa. Teka... siya yung lalake kanina!
"Ah, sorry. Sige, ikaw na lang ang kumuha ng librong yan." sabi niya, medyo mahiyain ang boses niya. Wow, gentleman siya. Ang baet.
Kinuha ko yung libro tapos inabot naman sa kanya "Heto. Ikaw na lang ang maunang magbasa. Maghahanap na lang ako ng iba. Sigurado naman may iba pang magagandang libro diyan eh." sabi ko.
"Hindi. Sige. Besides, may libro na rin naman akong napili eh. Titignan ko lang naman sana yan." tumango ako bilang pagtugon.
"Ge." tapos lumakad na siya palayo. Tinignan ko muna yung libro ng sandali bago ko naisipan na pumunta sa librarian para hiramin siya.
At sakto namang pagkadating ko doon ay nandoon na din yung lalake kanina. Bakit ganun? Baka naman coincidence lang. Walang meaning 'tong lagi nyong pagkikita. Sa unti ba naman ng tao sa library na ito, parag imposibleng hindi mo makita ang isang tao ng paulit-ulit.
"Ma'am, hihiramin ko po itong librong ito." sabi ko sa librarian sabay bigay ng libro sa kanya. Napatingin ako ng saglit sa lalakeng nasa tabi ko at napansin kong nakatingin din siya sa akin.
"Heto na po, Sir. Ibalik niyo na lang po ang libro sa araw at oras po na kailangan." paalala sa kanya ng librarian habang binibigay sa kanya ang librong hiniram niya.
"Sige. Salamat." tapos umalis na siya ng library. Grabe! 3 times ko na siyang nakita ngayon. Wala naman sigurong meaning yun. Okay?
Matapos ibigay sa akin ng babae ang libro na hihiramin ko ay lumabas na rin ako ng library at dumeretso sa malapet na waiting shed para maghintay ng jeep.
Pagkarating ko doon ay laking gulat ko na lang nang makita ko ulit ang lalakeng iyon. Okay, now this is just freaking me out!
Huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit sa waiting shed kung nasaan siya. Umupo muna ako habang lumingon-lingon sa paligid para maka-para ng jeep.
"Hi" napatingin ako sa kanya nang batiin niya ako.
"Hi" bati ko rin sa medyo mahina kong boses at nagpatuloy ako sa paghahanap ng jeep.
"Ano pangalan mo?" bumalik ang tingin ko sa kanya nang tanungin niya ang pangalan ko. Medyo nagdalawang-isip pa akong saguting siya dahil hindi ko pa nga siya kilala at kabilin-bilinan lang ng Mama ko na 'Don't talk to stragers!'.
Pero mukha naman siyang mabaet eh, bahala na nga!
"Violet. Ikaw?" sagot ko.
"Jeremiah. Ganda pala ng pangalan mo. Bagay na bagay sa 'yo." grabe! Nambola pa!
"Salamat. Ikaw rin." sagot ko naman, nagtatago ng kilig. Baka kung ano isipin eh. Tapos nanahimik kami ng sandali bago siya nagsalita.
"Ilang taon ka na?"
"15. Turning 16 na this July." sagot ko "Ikaw?"
"Just turned 16 last month." tumango ako bilang pagtugon. Magkaparehas lang pala kami ng age.
"4th Year High School?"
"Yeah."
"Ah same pala tayo. Saan ka nag-aaral?"
"Sa Corazon National High School. Ikaw?"
"Trinity Cross Academy." wow! Ibig sabihin, mayaman pala siya! Kasi isang all-boys school yung TCA eh, at mga mayayaman lang ang nakakapasok sa school na iyon.
TO BE CONTINUED...
______________________________
A/N: Sana magistuhan niyo ito! Hindi ko alam kung short story siya or mahaba! Basta! Hehehe... Vote. Comment. Fan. I would definitely appreciate it! Pero kung ayaw niyo! Edi wag! Hahahaha! XD
Matagal-tagal pa ang Updates kasi may schedule kami eh! Kaya sana magtiyagang maghintay. :)
By the way, ang mga tauhan, lugar at ang mga pangyayare na nakalagay sa storyang ito ay pawang kathang isip lamang ng inyong mabait na Author! :))
-Jullia