"Uy, Let-let! Kanina ka pa tulala dyan ah! Kulang na lang matunaw ang kung anuman ang tinititigan mo dyan!" natauhan ako nang bigla akong sigawan ng aking best friend na si Krisa, or simple Isa na lang.
"Eto namang si Isa, wag mo nga akong gulatin!" tapos tinapik ko siya sa balikat niya, bumungisngis lamang siya.
"Sensya na. Eh napansin ko kasing lagi ka na lang tulala eh. Sino naman kaya yung iniisip mo?" medyo patukso niyang tanong sabay bigay sa akin ng 'Uy-may-crush-siya' na tingin.
"Porket natutulala, tao agad ang iniisip? Hindi pwedeng basta natulala lang. Parang di mo ko kilala ah!" well, madalas kasi akong matulala eh lalo na kapag bored ako. Sensya na kung may pagka-weird ako ha? Intindihin niyo na lang.
"Still, kanina ka pa tulala sa klase eh. Siguro iniisip mo yung lalakeng nakilala mo kahapon noh? Ano ba pangalan nun? Jeremy ba?"
"Jeremiah!"
"Ah, oo. Yung si Jeremiah! Crush mo siguro yun noh?"
"Hindi noh! Friends lang kami! Hindi ko siya crush." pagtanggi ko sabay tingin sa mga nagba-basketball. Nga pala, nasa gym kami ngayon at pinapanuod namin ang basketball practice nila. Kasama kasi sa team ang isa naming best friend, si Kevin.
"Weh? Eh bakit naman hindi? Gwapo naman siya, mabaet, matalino, mayaman, ano pa bang hinahanap mo?" tanong sa akin ni Isa.
"Wala lang. Eh first time pa nga lang kami magkakilala eh." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga naglalaro.
"Hindi ka ba naniniwala sa 'Love at First Sight'?" kinowt niya pa yung kasabihan na yun.
"Hindi. Para sa akin, hindi naman yun totoo. Dahil malalaman mo lang naman na may gusto ka sa tao kapag matagal na akyong nagkasama. Saka lang mabubuo ang pag-ibig. Hindi yung, nakita mo lang siya tapos bigla mo na lang sasabihin 'Oh my G, mahal ko na siya' or sorts." paliwanag ko sa kanya, napatawa naman siya ng mahina.
"Ganun? Masyado mo kasing inaatupag yang pag-aaral eh. Hindi ka na nagbibigay ng time para makahanap ng love mo."
"Eh mas importate naman ang pag-aaral eh. Love can wait." nagpa-roll eyes lang si Isa sabay iling ng kanyang ulo.
"Hay naku, tatanda kang dalaga niyan, Let-let." reklamo sa akin ni Isa, binehlatan ko lang siya at nagpatuloy na lang kami sa panunuod ng basketball.
Well, sa totoo lang, may crush na nga talaga ako kay Jeremiah A.K.A. Remy. Pero parang ayaw ko lang isipin yun dahil baka mawala yung friendship namin eh. First time ko lang makaroon ng kaibigan na bookworm din, ayoko sanang mawala siya sa buhay ko.
Corny noh? Pero it's true naman. Sino ba namang tao ag gustong mawalan ng kaibigan. diba? Ayoko ring maging awkward ang atmosphere between us pag magkasama kami kaya kakalimutan ko muna na crush ko. Iisipin ko na lang na friends lang kami.
Natapos na ang basketball practice at agad naming nilapitan si Kevin "Hi, Vin!" bati ni Isa sa kanya sabay high-five ng dalawa.
"Ang galing niyo na ah! Paniguradong mananalo kayo sa susunod na game!" compliment ko sa kaniya.
"Salamat, Let! Manunuod ba kayo ng laro? Sa Sabado na yun!" pagpapaalala sa amin ni Kevin.
"Syempre naman! Eh lagi naman kaming nanunuod ng mga laro diba? Besides, wala namang pasok nun eh!" sagot agad ni Isa.
Pero teka! Sabado? Eh diba sa Sabado na ang bonding namin Remy? Hala! Paano yan? napansin siguro nila ang pag-aalala ko dahil bigla akong tinanong ni Kevin.
"Let-let, uy!" sabay clap ng hands niya sa tapat ng mukha ko na ikinagulat ko.
"Ay kabayo ka baliw! Ha? Ah, sorry. May iniisip lang." sagot ko habang iniiling ko ang ulong ko at kinamot ko ang batok ko.
"Uyy, siguro iniisip mo nanaman yung Jeremiah na yun noh? Ayiiee... kinikilig nanaman me!" natutuwang sabi ni Isa habang kinikilig siya na parang ewan lang.
"Jeremiah? Sino yun? Boyfriend mo?" patuksong sabi ni Kevin sabay bungisngis, sa inis ko, hinampas ko siya sa balikat.
"Hindi noh! Kaibigan ko lang siya. Nagkakilala kami sa Public Library kahapon at sabay kaming umuwi.Magkalapit lang ang bahay nmin eh. Sa Sunshine Village lang siya nakatira eh." paliwanag ko kay Kevin.
"Weh? Pero sigurado, crush mo siya." panunukso pa ni Kevin sa akin.
"Hindi nga! Hindi mo ba alam ang meaning ng 'Kaibigan'? Ka-i-bi-gan! Hindi crush or boyfriend, okay? Gets?" medyo naiinis kong sabi, tumawa lang sila.
"So, saan nag-aaral 'tong Jeremiah na 'to?" tanong sa akin ni Kevin nang naglalakad na kami papuntang classroom namin.
"Sa Trinity Cross Academy." sagot ko habang nakatingin ako sa mga paa ko.
"TCA? Wow! What a strange coincidence!" medyo natutuwang sabi ni Kevin, tinaasan namin siya ng kilay ni Isa.
"Ano namang strang coincidence ang pinagsasabi mo?" tanong sa kanya ni Isa.
"Kasi sa Sabado, ang kalaban ng team namin ay ang team ng TCA! So that means, pwede namin siyang makilala sa Sabado!" paliwanag sa amin ni Kevin.
"Talaga? Yay! Ipakilala mo kami sa kanya, ha? Gusto ko siyang makilala!" natutuwang sabi ni Isa na para bang nabalitaan niyang naging kaibigan ko ang isa sa boys ng One Direction.
"Gege, kung nandun siya." sabi kowith a shrug habang nakatingin sa mga paa ko.
"Siguro naman nandun yun! He's a guy, diba? At lahat ng guys ay mahilig sa B-Ball kaya sigurado namang nandun yun!" panigurado ni Isa.
Siguro nga baka nandun siya since mukha naman siyang mahilig sa Basketball eh. I mean, sino ba naman ang lalakeng hindi mahilig sa Basketball?
"Wag na nga muna nating pag-usapan yan! Bahala na si Batman sa kung anuman ang mangyayare!" narinig ko na lang silang nagtawanan habang papasok na kami ng classroom namin.
TO BE CONTINUED..
________________________________