Chapter 8 ~ Breakfast at Jollibee

59 3 0
                                    

Hinila ako ni Remy palayo sa pinto tapos tumigil siya sa harap ng Girls' Restroom sabay bitaw na sa kamay ko "Remy naman eh. Sabi na ngang okay lang 'to. Di mo na ko kailangang pahiramin ng T-shirt mo." pagpipilit ko sa kanya.

"Hindi nga eh. Don't worry, it's okay lang naman sa kin eh. Para naman komportable ka sa date natin." biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ha? Anong date?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Este, ano pala, gala. Sa gala natin. Basta, magpalit ka na kasi." pagpipilit niya na parang isang bata na namimilit sa Mommy niya. Ang cute niya ah. Hindi ako sumagot, tinignan ko lang siya.

"Sige ka. Pag di ka nagbihis, hindi tayo tuloy." bigla niyang sabi sa akin. Bahagyang lumaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Eh kasi naman eh, nakakahiya kasi eh.

Hindi lang sa nahihiya ako sa kabaitan niya pero dahil nahihiya akong magsuot ng T-shirt niya. Okay, inaamin ko na. Yan ang dahilan kung bakit ayaw ko talagang magpalit. Gustuhin ko mang magpalit pero wala naman akong dalang damit. Naiilang kasi ako kapag T-shirt ng iba ang suot ko eh. Lalo na T-shirt ng lalaking isang araw ko lang nakilala. Nakakailang, diba?

Pero, at the same time, ayaw ko namang ma-cancel yung lakad namin. Kasi, halos isang linggo kong inisip iyon eh at halos di na nga ako makatulog kagabi kakaisip ang tungkol sa araw na ito eh. Ay jusmiyo, did I just say that out loud? Hay naku, kainis naman oh!

Nagpabuntong ng hininga na lamang ako "O sige na nga. Magpapalit na nga ako." pagsuko ko naman tapos nakita ko siyang ngumiti at parang biglang kumislapa ng mga mata niya sa tuwa.

"Sige. Hintayin na lang kita dito." sabi niya sa akin. Tumango ako bago ako pumasok ng Girls' Restroom.

Nakahanap ako ng isang empty stall tapos pumasok ako at ni-lock ko iyon upang makapagbihis ako ng T-shirt. Hinubad ko ang T-shirt na may Mango Shake tapos sinuot ko naman ang T-shirt na binigay sa akin ni Remy. Nang makapagpalit na ako ay lumabas na ako ng stall tapos lumapit naman ako sa may salamin at tinignan ko ang suot ko.

Medyo mahaba iyong T-shirt, syempre. Umabot ito hanggang sa ilalim ng puwetan ko tapos medyo malaki din siya sa akin. Pero okay na din siya. Bago ako lumabas ng banyo ay nagayos-ayos muna ako ng sarili ko; nagsuklay, nagpulbo at nagpabango--syempre, kailangan eh.

Pero nang nasa bukana na ako ng banyo ay napatigil ako nang makita kong may kausap na babae si Remy. Nagtago muna ako saglit sa banyo pero nakasilip pa rin ako sa kanila. Mukhang nilalambing ata niya si Remy eh. Kapatid niya kaya iyon? Kamag-anak? Kaibigan?

O di kaya... girlfriend niya?

Napasandal ako sa pader at parang biglang sumikip yung dibdib ko nang maisip ko iyon. Maaari nga, kasi, gwapo naman si Remy, mayaman at mabait kaya imposible naman wala iyong girlfriend, hindi ba?

Sumilip muli ako sa kanila tapos nakita kong nagtatampong umalis ang babae at nagbuntong-hininga naman si Remy. Nang mawala na ang babae ay saka ako lumabas ng banyo sabay kalbit sa kanya.

"Ehem." sabi ko upang makuha ang atensyon niya. Nilingon niya ako sabay ngiti.

"Ah, okay ka na?" tanong niya sa akin.

"Oo. Okay na ako. So, tara lets?" tanong ko sa kanya. Tumango siya tapos tinungo na namin ang pinto ng Gym.

Nang makalabas kami ng TCA Gym ay bigla naman akong hinila ni Remy sa braso papalapit sa isang itim na kotse. Hyundai ata ang tatak eh. Para siyang Hyundai Accent or Honda City. Ah, basta! Yung katulad ng mga iyon.

"Teka, sa 'yo to?" tanong ko sa kanya habang nakaturo sa kotse, may halong pagkagulat sa boses ko.

"Yeah." kaswal na sagot niya. Lumapit si Remy sa kotseng iyon tapos binuksan niya ang pinto sa likuran at nag-gesture siya sa akin na parang isang gentleman "Ladies first."

A Library Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon