Habang kumakain kami ay panay ang kwento naman ni Adrian tungkol sa mga panahon na magkasama sila ni Remy. Mamuntikan ko nang mabuga yung iniinom kong coke kanina kay Remy sa kakatawa. Eh ibang klase kasi magkwento to si Adrian eh. May mga sound effects pa tapos may actions pa. Grabe.
"Boss, alam mo ilang minuto na lang, matutunaw na yan si Let-let." bigla niyang sabi matapos ang ilang segundong katahimikan--well, katahimikan niya.
Sabay kaming napatingin kay Adrian na may pagtataka sa mga mukha "Anong pinagsasabi mo dyan, Dre?" tanong ni Remy sa kanya.
"Eh walang tigil ka sa kakatitig kay Let-let eh. Bawat subo at galaw niya ata pinapanuod mo eh. Sa tingin ko nga di ka na nakikinig sa kwento ko eh." reklamo ni Adrian sabay subo ng isang kutsarang may rice at burger steak.
"H-Ha? D-Di ah. Kala mo lang yun." nabubulol na sabi ni Remy sabay tango sa pagkain niya tapos subo. Sa tingin ko namumula siya eh. Medyo nakaramdam din ako ng pag-init ng pisngi ko dahil nakakahiya kayang malaman na may nanunuod sa 'yo habang kumakain ka.
"Ows? Sus, kala mo lang hindi. Pero kanina mo pa talaga tinititigan yan si Let-let. Siguro may gusto ka sa kanya noh?" patuksong tanong ni Adrian sabay kabig sa balikat ni Remy.
"Hoy! Wala noh. Manahimik ka na nga diyan, Dre." pagtanggi naman ni Remy at di na niya pinansin si Adrian.
Ako naman, nanahimik lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ganun din ang ginawa ni Adrian at namagitan sa aming tatlo ang katahimikan--maliban lang sa sounds na pinapatugtog at sa ingay ng mga tao sa paligid namin.
Nang matapos ko na ang kanin ko ay pinapak ko na ang chicken ko. Medyo nahirapan ako sa pagtanggal ng mga laman gamit yung plastik na kutsara't tinidor kaya naisipan kong kamayin na lamang iyon. Narinig kong natawa si Adrian sa ginawa ko tapos sinabi niya pang "Ayos ah, Let! Ge lang, push mo yan." Natawa naman ako sa sinabi niya at nagpatuloy ako sa pagkain ko.
Bigla namang napunta ang atensyon ko kay Remy na nahuli ko ngang nakatitig sa akin. Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa akin habang nginunguya niya ang pagkain niya. Parang naramdaman kong lalong uminit ang mga pisngi ko nang magkatitigan kami sa mga mata.
"Uhm... R-Remy, bakit mo ko tinititigan?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Ha? Ah, wala lang. Ang cute mo kasing kumain. Para kang bata." hindi ko alam kung nambola ba siya o nanunukso ba siya o ewan. Bigla ko na lang narinig na tumawa si Adrian.
"Grabe! Ayos ka din, boss, ah! Haha! Nice!" natatawa niyang sabi sa amin.
"Uhm... no offense, pero pwede bang wag mo na lang akong panuorin? Kasi... hindi ako komportable kapag may nanunuod sa akin. Nahihiya ako eh." well, totooo naman. Sino nga namang hindi mahihiya pag nalamang may nanunuod sa kanila habang kumakain sila? Tsaka, parang bata pa naman ako habang namamapak kanina. Sa tingin ko may mga mantika at unting piraso ng chicken sa pisngi ko eh. Kahiya!
"Ah, s-sorry. Di ko pansin eh." sabi naman ni Remy sa akin tapos sumandal siya sa upuan niya habang iniinom ang coke niya.
"Uyy... si Remy at si Let-let, nagkakahiyaan." panunukso pa ni Adrie kaya tinabig ni Remy ang braso nito.
Nang matapos na ako sa pamamapak sa chicken ko ay tumayo ako mula sa pagkakaupo ko "San ang punta mo?" tanong sa akin ni Remy.
"Sa banyo lang." sagot ko tapos tinungo ko na ang banyo.
Nang matapos na akong umihi ay basa ako ng kamay at pinunasan ko ang aking mukha gamit ang face towel ko para matanggal ang dungis sa mukha ko. Medyo nag-ayos din ako at nang matapos na ako ay lumabas na ako ng banyo. Kaso bago pa ako makarating sa pinto ay bumukas ito at bumungad doon ang babaeng medyo pamilyar ang mukha.