Chapter 2-The Chase

6.8K 247 5
                                    

Asia

Nakarating na kami ni Eu sa bahay. Di ko pa rin maalis sa isipan ko yung mukha ni Miss Sakura. Parang may lungkot sa kanyang mga mata. Isa pa sa lahat ng ipinakilala ni Eu, sa kanya lang ako nakaramdam ng kakaiba. Parang ang tagal ko na siyang kakilala.  Napaka-misteryosa niya, gusto ko pa siyang makilala. 

Isa pa itong si Eu. May nakuha siyang tip kay Ace na may magaganap na events sa underground. Pero nag-aalangan ako kung pupuntahan namin yun dahil sa insidente na nangyari kay King. At ayoko nang may muli pang masaktan sa mga kasamahan. Pero may kakaiba rin sa kanya ngayon, usually ay aawayin pa ako nito kapag may gusto siyang puntahang events. Pero sa halip ay nanahimik ito.

Napabuntung-hininga ako at inisip na kamustahin si Mom. Masyado siyang busy sa pagtatarabaho at masyado niya nang pinapagod ang sarili niya para maitaguyod kami ni Eu. Ginulo-gulo ko ang aking buhok at saka bumangon sa aking kama.

"Aish! Wag ko na nga lang isipin yun!" ang sigaw ko.

Bumaba ako sa kwarto at dumiretso sa study room ni Mom. Pagdating ko doon nakita kong may kausap siya na lalaki. Di ko maidescribe ang mukha niya dahil sa may mask ito. Nakacloak rin siya na color black. Tag-init ngayon ah? Bakit naka-cloak sila. At saka di naman ako ininform ni Mom na may costume party siya ngayon. Sumilip ako at saka  pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

"Bring them to us now!"ang sabi nung naka-cloak.

"No, I can't! Please ibalik mo muna ang pamilya ko! Nakikiusap ako," ang sabi ni Mom.

Ang weird? Ano ba kasing pinag-uusapan nila? May iba pa bang pamilya si Mom?

"Oh my dear friend Clarisse. Dapat tumupad ka muna sa usapan bago mo mabawi ang pamilya mo! Aminin mo na sa kanila na hindi mo sila anak! Na sila ang!"pinutol ko na ang sasabihin niya ng pumasok na ako.

 Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking naka-cloak. Hindi kami tunay na anak ni Mom? Kung ganun, sino ang totoo naming mga magulang? Bakit kami nasa puder ni Mom? At anong pakay ng mga lalaking ito  sa amin? Nang hindi na ako makapgtimpi ay pumasok na ako sa study room at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mom. Ngumisi naman yung lalaki sa biglaang pagpasok ko sa study room. 

"Mom? Sino ba 'tong lalaking 'to? Mom totoo ba yung sinabi niya? Na hindi mo kami mga anak?" ang tanong ko kay mom at nakita ko ang pagluha niya. 

Kung ganun, sino ang magulang namin ni Eu? Bakit interesado ng mga lalaking 'to sa amin? Ano nga ba ang misteryong bumabalot sa pagkatao namin? Sino ba talaga kami? Lumapit ang lalaki at inikutan ako na parang may pinagmamasdan.

"Nandito na pala ang isa sa kambal," ang sabi nung lalaking naka-cloak at akmang hahawakan nito ang aking mukha ng bigla ko itong tinabig.

"What do you want? Bakit ka ba nanggugulo?" ang tanong ko at sinamaan ko siya ng tingin.

 Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at sa pangalawang pagkakataon ay naglakad siya paikot siya sa paligid ko. Ano bang trip ng lalaking 'to? Nakakahilo ang kanyang ginagawa. Ang taong 'to, hindi siya isang ordinaryong nilalang.  Nakita kong nakabaliktad ang aking imahe sa kanyang mga mata. 

"Dalawang taon na ang nakakalipas nang paslangin ka ng isang di kilalang tao sa araw mismo ng kaarawan mo. At kasama mo noon ang iyong kabiyak, magulang at kaibigan,"ang sabi niya at hinawakan niya ang hibla ng buhok at inamoy iyon.

Kinilabutan ako sa kanyang ginawa kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay tinabig ko ang kanyang kamay.

"Ano ba? Hindi ako yung hinahanap niyo! Lalong lalo na't hindi Selene ang pangalan ko! It's Asia!" ang sigaw ko at nagsimulang magtalsikan ang mga gamit sa loob ng study room.

Chikara Academy:Second Life [COMPLETED AT DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon