ENGKANTO

249 1 0
                                    

Naging usap2an ito sa bayan namin tungkol sa isang lalake na nagkagusto sa isang engkanto, alam ko mahirap paniwalaan na may engkanto pero kung pupunta kayo sa mga probinsya mapapaniwala kayo nito,

Si tom (not his real name) ay isang highschool student pa lang matalinong bata at maputi, sya yung tipo ng studyanteng kahit anong unibersidad tatanggapin sya, di sila mayaman hindi rin ganun ka hirap pero may pamumuhay ang mga magulang nya na kaya nmn tustusan ang pang araw2 nilang pangangailangan, nka tira lang sila sa isang munting bahay na malapit sa ilog, marami nang nagsasabing mahiwaga ang ilog  na malapit sa bahay nilang tom dahil sa napakalaking kahoy na makikita di gaano kalayo sa bahay  nilang tom, lagi daw tumatambay si tom dun sa napakalaking kahoy dahil nkasanayan na rin nila ng mga kaibigan ni tom na tumambay dun.

isang araw, biglang nagkagulo ang mga tao at di mkapaniwala sa balita, kahit na mga magulang ni tom nagulat sa pangyayari. biglang nagpakamatay si tom. sabi ng mga magulang nya kung may mga problema naman daw si tom open nmn ito sa kanila, responsableng tao rin naman daw si tom at alam nilang wala itong problema sa skwelahan, pero may nabanggit ang mga magulang ni tom tungkol sa mga kilos nya nung mga nakaraang araw, masiyahin daw ito na para bang may pinagmumulan na malaki ang kasiyahan nito, nakikita daw nila si tom na parang may kausap kahit mag isa naman syang tumatambay sa malaking kahoy. biglang nanibago ang mga magulang ni tom sa mga kilos nya dahil kung tatambay man si tom dun sa malaking kahoy may mga kaibigan nmn daw itong kasama , pero iba na yun siya na lang mag isa tumatambay. kaya naisip ng mga magulang ni tom na kausapin sya, tinanong nila kung bakit mag isa na lang si tom pumupunta dun at minsan ginagabi pang umuwi, nkatingin lamang si tom sa labas ng kanilang bintana at parang hindi narinig ang mga sinabi ng magulang nya, tinitingnan lang nya ang bakanteng lote malapit sa bahay nila, tapos sumagot si tom,

"ma, pa, jan po ako magpapatayo ng bahay pag mag aasawa na ako ha?"

nabigla lang ang magulang ni tom, sabay sabi ano ba nakain mo? kung ano2 na pinagsasabi mo. ngumiti lang si tom at niyakap nya ng mahigpit ang mga magulang nya. huling gabi na yun ng makita nila si tom na buhay pa.

(nung gabi daw habang natutulog na ang mga magulang ni tom, d na nila alam kung ano pa ang mga ginawa ni tom bago sya tumalon sa tulay malapit sa ilog, doon na sila naghinala na may nakatira nga pala tlaga dun sa may malaking kahoy.

bumalik pa nga daw ang ina ni tom doon sa pinagtatambayan ni tom (gabi na yun) nakita daw ng ina ni tom na tumatalon-talon ang isang napakaputing lalake sa mga malalaking bato sa ilog)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Filipino horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon