TINIG

234 3 0
                                    

naka experience na ba o nakarinig nga kahit ano2 sa tahimik na gabi.. ibig kong sabihin tulog na lahat ng mga tao at ikaw lng gising,

o ikaw lng mag isa at alam mong wala nang ibang tao sa bahay nyo...

mga tapak sa hagdan.. hangin na may dalang tunog.. di maipaliwanag na tunog na parang nangaling sa boses ng isang nilalang... himig o bulong.. at kahit ano pa...

yung napapatayo balahibo mo..

may isang paniniwala ng matanda na.

pag ang isang di natin alam kung ano yun.. pag ang tunog ay naririnig mo ng malapit ibig sabihin nasa malayo yan.. pero pag nasa malayo daw ang tunog ng hindi maipaliwanag na kung ano... nasa malapit daw ito.. mas malayo, mas malapit...

minsan daw.. pag tulog na ang lahat at ikaw lang mag isa ang gising.. pag naririnig mo daw ng malayo ang isang tinig ng di mo alam kung ano.. kung natatakot ka at ginising mo ang katabi mo.. hindi daw nila ito naririnig .. minsan pag nakita mo na ito sa malapit.. sayo lang daw magpapakita.. ikaw lang at wala nang iba...

kung may naririnig ka.. wag mo nlang daw itong pansinin.. wag kang matakot dahil pag natatakot ka ng sobra... mas lalapit sila ng lalapit... hanggang sa mgpapakita na.. hindi natin yun gusto...

oo, kasabihan lng ng matatanda pero wala namang masama kung susundin.. isipin nyo,

walang masama kung susundin..

isipin nyo, ano kaya kung hindi susundin.?

Filipino horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon