Mahigit isang taon na akong nakatira sa boarding haus na tinitirhan ko ngayon. Palipat-lipat dahil sa mga pangyayaring hindi maipaliwanag. Minsa sa nauna kong boarding haus may nararamdam akong nakakatakot, di ako makatulog nang mahimbing dahil sa mga naririnig kong ingay na tilay nasa tabi ko lang. Minsan natutulog ako at di ko namalayan na mg aalasais na pala nang gabi at iniiwasan kong maka tulog sa gabi na hindi bukas ang ilaw. Pero nakatulog ako nun dahil nadin sa pagod at depression ko. Bigla ko nalang nakita ang sarili ko sa kama at nakadungaw. Bigla ko din nakita ang isang lalaki na naka puti, parehong-pareho sila nang hitsura nung lalaki na nagpapakita din sakin dun sa isang boarding haus na tinitirhan ko. Tila sinusondan ako. Nakita ko siyang tumabi sa gilid nang kama ko at dun ko na malayan na hindi na ako makahinga. Pinilit kong gumising pero parang pinipigilan nya ako. Sa awa nang Dyos nagising ako pagkatapos kong mg dasal. At dagli kong binuksan ang ilaw.
Kinabukasan dun lumipat na ako nang iban boarding haus.
At nagsimula na naman ang ibang pang yayari. Dito sa bago kong tinitirhan. Pagpatak nang ala sais nang gabi habang nasa sala ako, may napansin akong parang isang black na image na palakad-lakad sa gilid ko. Akala ko wala lng yun hanggang sa punto na nasa loob na xa sa kwarto ko at pag patak nang 3am maghahanap xa nang paraan para mapansin mo xa.
hanngang ngayon ganun ang palagi nyang ginagawa pagpatak nang alas tres nang umaga.

BINABASA MO ANG
Filipino horror stories
HorrorMinsan kasi sa buhay natin may mga bagay na dapat nating malaman, malay mo isa sa mga story na ito buhay mo rin ngayon di mo lang alam.