Chapter 5: Youth Night

27 1 0
                                    

3rd person's POV

Lumabas ang dalawang mag-kakaibigan sa gym kung saan nag-prapractice ang mga Cheer dancers. Halata ang lungkot sa mukha ni Javo dahil wala si Chloe sa loob ng gym. Napatingin sakanya ng masama si Ace at sinabing, "Langya ka! Ginising mo pa ako ng maaga, wala naman pala diyan bebelabs mo! Palpak ka!" 

Huminga lang ng malalim si Javo at tumingin ito sa baba,"Wala akong alam... akala ko andun si Chloe..." malungkot na sabi ni Javo.

"Oh..Ba't ka malungkot? Dahil lang dun? Ambabaw mo naman." Pairitang sabi ni Ace.

"TSE! Yung painting! Alalahanin mo yun! Papalitan mo yun! Babatukan talaga kita." Napangisi nalang si Ace.

Masyado pang maaga kaya nagpasya silang pumunta sa rooftop ng school nila. Nag-usap lang silang dalawa habang nag lalakad papuntang rooftop.

"Yung tipong pinaghihirapan mo yung isang bagay pero hindi mo parin ito makuha." hugot ni Javo.

"Yan nanaman tayo eh! Andrama mo!" Pilosopong sabi ni Ace at ngumisi.

Tumingin si Javo kay Ace na parang batang iiyak na,"Wala ka kaseng crush! You don't know the struggles!" Sabi ni Javo.

"It's because I don't need one." natatawang sabi ni Ace.

Makulit si Javo, maingay, medyo shunga. Pero pag sya nag seryoso, seryoso talaga. Alam yun ni Ace kasi bata palang ay mag kaibigan na sila, ninang ni Ace ang nanay ni Javo at ninong naman ni Javo ang tatay ni Ace.

"Oo na! Wala nga talaga ata akong pag-asa kay Chloe." sabi ni Javo habang nakatungo.

"Wow! Ata? Wala talaga pre!" pabirong sabi ni Ace habang nakangisi.

"Dabest ka talagang kaibigan Ace! Galing mo mag bigay ng advice." sabi ni Javo habang umiiling iling.

"Tss. Joke lang" pabirong sagot ni Ace,"Seryoso pre, hinayan mo lang. Mahirap umasa."

"Oo na!" natatawang sabi ni Javo sabay akbay kay Ace.

Sakto naman at nakarating na sila sa hagdan papuntang rooftop. "Pre! unahan ah! Parang dati lang din. Unahan makaakyat. Pag ako nauna, ililibre mo ako. Pero pag ikaw nauna, ililibre kita." palabang sabi ni Javo.

"Nag tatanggal ka lang ng lungkot eh." pabulong na sabi ni Ace.

Bata palang sila ay ginagawa na nila ito. Halos lahat ata ng makita nilang hagdan ay nag uunahan silang makaakyat. Kung sino man ang mauna may premyo o ililibre. Kadalasan, cookies na baon ni Javo ang ibinibigay nya kay Ace pag nanalo ito. Cake na Chocolate naman ang binibigay ni Ace kay Javo pag nanalo ito. Matagal na ito hindi nagagawa ng dalawa, simula ng maisip nila na malalaki na sila para gawin pa ito.

"Psh.. Fine." Tinatamad na sabi ni Ace.

"GO!" Sigaw ni Javo sabay takbo paakyat ng hagdan.

Tumakbo na rin naman si Ace paakyat. Nag unahan ang dalawa habang nag tutulakan at nag tatawanan. Naunang nakaakyat si Javo at halata sa muka nito na masaya.

"Boom! Ha! pano ba yan? ako ang nauna.. Ililibre mo ako mamaya!" sabi ni Javo habang sumusuntok suntok sa hangin.

"Tss. Oo na! pinapanalo lang kita kumag!" sagot ni Ace habang lumalapit papunta kay Javo na nag iintay sa pinto papasok sa rooftop.

"Sus! sabihin mo natalo lang talaga kita!" Sabi ni Javo na tumatawa.

"Edi sige. Kung dyan ka masaya eh." Sabi ni Ace habang binubuksan ang pinto papasok sa rooftop. Tinulak ni Ace papasok si Javo, muntik na ito madapa kaya sila ay napatawa ng mahina.

Hold onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon