BASAHIN NYO PO MUNA TO!!
A/N: HEY! sorry po ngayon lang kami nakapag update :) busy po kasi kami sa mga dapat tapusin sa school xD WALA na kami gagawin ngayon kasi tapos na lahat... LAST DAY NA NAMIN BUKAS!! so... ayun! sorry po baka nakakabitin, tsaka baka di namin masunod yung every friday kasi may training pa kami tas magkakalayo kaming mag co-writer xD so ayun! enjoy ulit :) may note po ulit sa huli pakibasa nalang po may mahalaga kaming announcement xD yun lang soooo... sige na basahin nyo na :)
By the way! yung pic po dun sa gilid yan po yung Anime form ni Ace .. para kahit papaano may naiimagine kayo! pero kung ayaw nyo sa itsura nya! pwede naman kayo mag imagine ng inyo :) Galing po yan sa isang Manga. :) sige na basa na kayo :)
_________________
"Hey Ace! San ka pupunta?!"
"Basta! May susundan lang ako!"
"Huh?! Sino?!"
"Basta nga!"
"Gabi na oh!"
"Sus! Hayaan mo na! Daling araw nga kayang umuwi niyan eh! 6:00 pm palang oh"
Loko talaga tong mga kumag nato! ayaw akong lubayan. Pano daw kase baka reypin ko daw yung babae kanina sa school, ngayon lang daw kase nila nakita na sumunod ang mga mata ko sa isang babae. Mga kumag talaga.
*BOOGCH*
"Aray! Put-"
"HAHAHA! SAPUL!!" Sabay sabay sabi ng tatlo.
Pasalamat sila nakita ko na sya
"Haha! Oy, Ace! Ano, mumurahin mo kame?" Tanong ni Javo
"OO! Ga**!" Sigaw ni Eric, habang tumatakbo papunta saakin
Sumunod nadin yung dalawa
"Ano ba pre? San ka punta?" tanong ni Jack
"Wag nga kayo maingay! Bwiset naman eh.." sabi ko habang sinusundan ko siya ng tingin.
Natahimik sila at sinundan ang aking tinitignan.
"Ahh! So, siya pala yung tinitignan mo habang nakatago sa pader..."
"Ah... kaya pala..." singit ni Eric.
"Shh! Manahimik nga kayo diyan! Piste!" Naglakad na ako para masundan siya.
"Huy! Sama kami!" Hindi ko na sila pinansin at hinayaan ko na sila
Nakita ko siya na lumiko sa isang iskinita. Binagalan ko ang paglakad ko para hindi niya ako mapansin. Pero sapat na ito para hindi siya mawala sa paningin ko.
"Bwiset! bakit mo tinapakan sapatos ko?!" tanong ni Javo kay Eric
"Okay lang yan! Panget naman eh!" Sabat ni Eric
"Loko! anong pangit diyan?! Jordan toh, mokong!"
"Ahaha!" Tawa naman si Jack
"Ano nakakatawa?!" Tanong ni Javo
"Wala!"
Natahimik sila ng saglit at...
"Ay! Adik, bat mo tinapakan sapatos ko?!" Sigaw ni Eric
"Panget naman eh! Kaya okay lang!" Sagot ni Javo
"Putek! Tahimik ano ba?!" irita kong sabi, "Ang ingay niyo eh! Pano kung malaman niya na sinusundan natin siya?! Isip ano ba?!"
Kailan ba titigil tong mga to sa kakadakdak? Kairita na din kasi..
"Oo na!" Medyo iritang sabi ni Eric
BINABASA MO ANG
Hold on
SpiritualSi Ace Kaizer Jackson ay isang lalakeng high school student na nawalan ng pananampalataya sa Panginoon sa mura niyang edad. Masasabi na natin na nasakanya na ang lahat, kaibigan, yaman, babaeng magaganda na nagkakandarapa sa kanya, pero may nararamd...