Kakatapos lang mag dinner, at muling bumalik kaming apat sa kwarto ni Javo. Since nasira yung kanyang Ps4, nag Ps2 nalang kame. Una naming nilaro ay yung Devil May Cry 3
Ewan ko kung bakit ang luma ng nilalaro netong Javong to...Pero, I'm not gonna lie... Maganda tong larong to.
"Now, it's my turn" sabi ni Jack at binukas yung load game ni Javo
"Just make sure na aayusin mo lang yang paglalaro mo ah! Ang hirap abutin nyang part na yan." complain ni Javo
Tumango lang naman si Jack at nilaro na ito, Ilang mga minuto pa tapos nakarating na siya sa isang library
"Ay! Yang part nayan..Gusto ko yan!" Cheerful na sabi ni Eric
"I know right?" Sabi naman ni Jack
Nang mapunta si Dante sa isang library may nameet siyang babaeng maiksi buhok na nakashorts Nakaputing damit at may bazooka sa likod.. If I'm not mistaken, Mary pangalan niya, tapos naglaban si Dante at Mary, sobrang tagal kalabanin si Mary kase nga medyo mabilis pero natapos rin naman ito ni Jack.
Natalo na ni Dante si Mary at nasa scene na kung saan pinipilit ni Mary na iputok ang baril pero wala na itong bala hanggang sa ipinatong ni Dante ang kamay niya sa pader na kung saan mukhang kinukulong niya si Mary, nag fanboy naman tong si Javo.
"BAGAY SILAA!!!" sigaw ni Javo.
Oo nga, bagay sila. Hanggang dun kame sa time na pababa na si Dante para hanapin si Virgil.
Yan, dito magaling si Javo eh. Nag laro lang naman sila hanggang sa tamadin na. Naglabas nanaman ng bagong bala si Javo at ininsert ito sa ps2
God of War 2
Maganda rin tong larong toh... Nagandahan ako kase kontektado sa Greek Mythology.
"Uy peste! Bakit ba ayaw niyo mag 2 player na laro?!" Reklamo ni Eric
"Ampapangit ng mga 2 player games ko dito, man!" Sabi ni Javo
"Yay..Bulok! Nag ps2 kapa! Bulok ka, Bulok!! Noob!!" Paasar na sabi ni Eric
Si Javo naman ay halatang nabanas sa nasabi ni Eric
"Eh, sino bang makakalaro ko dito?! Alangan si nanay Lina! Eh ako lang mag-isa dito kung wala kayo noh! Atsaka bihira rin kayo dito. Anong gagawin ko, magdradragon ball na vs player 2 tas walang kalaban! Buti sana kung totoo si Bing-bong!" Whine ni Javo
Napangisi nalang ako sa mga isip batang to.
"Langya ka, Inside out, amp!! Nanunuod ka pa ng Disney! Ilang taon kana!" muling asar ni Eric na nakangisi.
"I'm never too old for Disney!" Palabang sabi ni Javo.
"Pshh.. manahimik nga kayo, basag eardrums kayo eh, ako na nga mag lalaro." awat ko at inagaw ang controller.
Ang intense ng paglalaro ko at yung mga reaction ng tropa, yung tipong kalaban ko si hydra.
"Hey! Watch out!" Sigaw ni Jack
Lumabas yung ulo ni hydra sa gilid ng barko. Deym! Natamaan ako! pinag patuloy ko lang yung pag lalaro hanggang sa matalo na si hydra.
"Grabe, ang intense nun!" Sabi ni Eric.
Natawa lang naman kami.
tumingin ako sa orasan. 12:00 am na! "Hey guys.. it's already 12:00 am."
"Seriously... inabot tayo dito ng madaling araw kakalaro?" Tanong ni Eric
"I know, Man... I really lost the track of time..." sabi naman ni Jack.
"Ganun talaga! Pag napapasaya ka wala ka na pakeelam sa oras, ayaw mo na tong tumigil, gusto mo maramdaman yon ng panghabang buhay, at dahil sa saya na nararamdaman mo hindi mo na namamalayan na malapit na pala to matapos, mawawala at mawawala ito kahit ano pa ang gawin mo." seryosong sabi ni Javo.
BINABASA MO ANG
Hold on
SpiritualSi Ace Kaizer Jackson ay isang lalakeng high school student na nawalan ng pananampalataya sa Panginoon sa mura niyang edad. Masasabi na natin na nasakanya na ang lahat, kaibigan, yaman, babaeng magaganda na nagkakandarapa sa kanya, pero may nararamd...