Chapter 6: It's just a Myth...

28 0 0
                                    

Classroom

Nakakaantok kase ginabi ako ng tulog last night dahil dun sa kalokohan ni Javo.

Party daw! Eh, concert ata yung napuntahan namin eh.. Di kasi tinitignan eh, shunga shunga.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang aking noo at minasahe ito. Grabe ang sakit na ng ulo ko...

Napatungo ako sa aking desk sa sobrang antok at ipinikit ang aking mga mata, habang tumatagal ang aking pagtungo ay may naririnig akong boses.

"Ace..."

Ito nanaman.

"Ace..."

Tama na!

"Ace!"

STOOOP!!

"Good morning class."

Iniangat ko ang aking ulo para makita ang nag salita. Pinunasan ko ang aking mga mata para luminaw ang aking paningin, nakita ko ang isang matangkad at maputing lalaki.

Hindi siya teacher dito...Sino kaya ito at ano naman kaya ang kailangan niya? inayos ko ang upo ko at ibinaling ang atensyon dito.

"I'm Blake Rodriguez but you can call me Kuya Blake." sabi niya at ngumiti

Hindi ako magsisinungaling, gwapo ito at kung titignan mo ay halatang nasa mid 20's palang ito. Pamilyar ang itsura nya saakin, hindi ko lang matandaan.

Tinignan ko ang aking mga kaklase, halata sa mga muka nila ang pag tataka. Yung mga babae naman halatang pinagnanasaan na ito. Napangisi lang naman ako at ibinalik ang aking paningin sa lalaki.

"Okay! Sa tingin ko nagtataka kayo kung sino ako, kung bakit ako andito at kung ano ang gagawin ko dito." sabi niya.

Tumango lang ang iba kong mga kaklase.

"Alright... Andito po ako hindi para magturo ng normal na subject, andito po ako para mag share ng word ni God, Devotion kumbaga." sabi niya.

Pshhh...Nagsasayang lang kayo ng oras. Hindi naman yan totoo eh!

"Sino dito sainyo ang naniniwalang na-Bless sila ni God ngayong araw?" Tuwang tanong ni Kuya Blake.

Nagsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko maliban saakin.

Pambihira.

Ngumiti si kuya Blake sakanila at napatingin saakin.

"Aren't you blessed today, Mr..." paputol niyang sabi

"Ace Jackson." tinatamad na sabi ko.

"Mr. Jackson, bakit mo nasabing hindi ka na-Bless?" Tanong niya.

Pshh. Hindi nga kasi totoo yan.. "Blessings"? Sus! walang ganyan. Kaya tayo nag kakaron ng mga nakukuha natin dito sa mundo dahil sa gawa natin. Hindi galing sa isang malaking Myth. 

"Kase po wala naman po talagang pinanggagalingan niyan. God? Pshh...Oh, come on! Wake up people! Sa tingin niyo ba na may ganon?" Confident kong sabi.

Bakit totoo naman eh! Walang Panginoon.. Parang isang pamahiin lang yan ng mga tao na kailangan nang mawala!

Ngumiti saakin si kuya Blake.

Anong meron dito? Ba't nakangiti to? May basag na ata to sa utak eh.. sa kakapaniwala na may Panginoon... Yan nabaliw tuloy.

"Don't breathe then." sabi niya.

"What?" Takang tanong ko.

"Wag kang huminga. Wala kang karapatan para huminga." sabi niya habang nakangiti.

Hold onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon