Nagising ako kinabukasan nun sa bahay namin. Nasa kama na ako at nakakumot hanggang balikat. Para akong nanaginip ng masama. Binuhat daw ako ng maitim na tao at dinala sa kung saan. Sapo ko noon ang noo ko dahil parang lalagnatin ata ako. Pumasok ko si mama. Kinumusta niya ang pakiramdam ko. Sinabi kong ayos lang kahit hindi naman. Baka kung ano namang kababalaghan ang gawin niya eh. Baka magdala pa siya ng albularyo na kulang na lang ay magdala ng pala at taniman ng kung anu anong dahon ng halaman ang bahay namin. Instant plantation agad ang kuwarto ko pag nagkataon. Pero ang mas nagpasakit ng ulo ko ay ang sinabi ng mama ko. "Hoy, Leng! Ikaw hah! Hindi mo sinasabing may boypren ka na pala. Kelan pa? Hindi naman sa tumututol ako noh..pero sana kung mamimili ka eh dapat ay hindi kalahi ng mga maiitim. Ayokong magkaapo ng kulay tsokolate o putik noh!" Naibuga ko yung iniinom kong gatas na bigay ni mama sa mukha nila. Bastusin noh? Eh bakit ba? Wala man lang pasintabi bago ikwento ang ganoong rebelasyon? Hindi ko kinakaya. At tsaka, kailan ako nagkaroon ng boyfriend? Ni datung nga wala ako. Boyfriend pa kaya? At tsaka, ano daw? Maitim daw yung boyfriend ko kuno? At anong pinagsasabi nilang apo? Nagsitindigan naman ang balahibo ko nun. Posible kayang yung inaakala kong panaginip ay totoo? Eehh,I'm scared! Pero kung totoo yun, sino naman kaya yung maitim na tao na yun? Hindi naman siguro siya maitim na tao. Baka nakalimutan lang niyang maghilod sa tuwing naliligo siya. Ang dami dami pa namang batong may iba't ibang formation para gawing panghilod pero mukhang nakalimutan niyang dumampot ng kahit isa man lang. "Nak, yung totoo? May galit ka ba sa nanay mo?," tanong ng mama ko na noon ay pinupunasan na ang nabasang mukha gamit ang maliit na towel. Gusto ko sanang sabihing "oo" pero wala ako sa mood. May bigla akong naalala. "Ma, diba inutusan niyo akong mamalengke kahapon ng hapon? At ginabi na ako at umuulan, kumukulog at kumikidlat pa nang malakas? Tsaka, ang natatandaan ko eh naglalakad ako nun sa kalye na maraming dala. Ngayon, paano ako nakauwi rito?" Natigil naman sa pagpupunas ng mukha ang mama ko at tumingin sa akin. "Inihatid ka ng boypren mo." Nangunot ang noo ko. Yung totoo? Nakadrugs ba 'tong ina ko? Bakit parang wala naman akong nakikitang nagdedeliver dito? Hmm..hayaan na nga. "Ma, wala akong boypren. Ni wala nga sa bokabularyo ko ang salitang 'yan," tanggi ko kasi yun naman ang totoo. "Eh bakit nung tinanong namin siya kung boypren mo ba siya, aba'y tumango ang bata." Ano? What the--?! "Kaya lang nak,saan mo ba napulot yung boypren mo? Mukhang takas yun sa gabundok na basura ng Payatas. Tsaka, pinaglihi siguro yun sa uling. Ngipin at mga puti ng mata niya lang ang maputi sa kanya eh." Tiningnan ko lang ang mama ko. Tingnan mo nga naman. Kung makapamintas parang ang puti puti niya eh samantalang lamang lang siya ng tatlong pahid ng lotion na may SPF20 mula dun sa tinutukoy niya. Sa pagkakaalam ko, hindi naman mapamintas ang lolo't lola ko kaya kanino nagmana itong ina ko? "Huwag mo akong bigyan ng ganyang tingin Irene. Hindi ko siya pinipintasan. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko at palagay ko." Ay? Defensive much? Ni wala pa nga akong sinasabi , inunahan na ako. Ang sakit na ng bangs ko ha! Anyway, kung sino man yung maitim na taong yun, nagpapasalamat na rin ako sa kanya. Dahil kung hindi dahil sa kanya eh baka tepok na ako ngayon.