Nakatingin pa rin siya sa akin. Tinging mukhang nagmamakaawa kapagkuwan ay dumapo ang tingin niya sa hawak kong plastic na may lamang tinapay. Hala! Nagugutom ba siya? "Uhmm..nagugutom ka? Gusto mo ng tinapay?," tanong ko sa kanya. Tumingin ulit siya sa akin at dahan dahang tumango. Paano ba ito? Kung ito nga yung taong nagligtas sakin noong isang araw, dapat ko siyang pasalamatan. Nagpalinga linga ako sa paligid at sakto namang may waiting shed na masisilungan. Magpapahinga muna ako at the same time pakakainin ko muna itong kasama ko. Siguro naman hindi talaga siya masamang tao. "Tara doon tayo," yaya ko sa kanya sabay turo sa waiting shed. Nauna akong naglakad at sumunod naman siya kaagad. Pagkaupo namin ay agad kong inabot sa kanya ang isamg supot ng tinapay. Dali dali naman niyang kinuha ito at binuksan sabay lamon ng bawat piraso. Grabe naman 'tong taong 'to. Parang hindi siya nakakain sa loob ng isang taon sa paraan ng pagkain niya sa tinapay. Halos hindi na niya nginunguya, lunok agad. "Gusto mo ng tubig?," alok ko sa kanya ng isang maliit na bote ng mineral water. Baka mabilaukan 'to nang wala sa oras at walang tubig, hindi ko alam ang gagawin ko. Baka mapagbintangan pa akong pumatay sa kanya kapag nadeads siya. Tumingin siya sa bote ng tubig at tumingin sa akin. Hindi ko alam pero parang nakikita kong naggloglow yung mga mata niya. Yung parang gusto niyang ngumiti pero pinipigilan lang niya. Nacurious tuloy ako. Ano kaya ang itsura ng mamang 'to pag nalinisan at pumuti? "Guwapo teh," sabi ng maharot kung isip. Ipiniling ko naman nang kaunti ang ulo ko. Walang hiyang isip. Nakikisawsaw! Magtigil ka Irene! Tumango siya at kinuha ang tubig mula sa kamay ko habang hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Bakit parang naiilang ako? Ininom na niya yung tubig at bakit parang may slow motiong nagaganap habang pinapanuod ko siyang umiinom? No! This can't be! Ano bang nangyayari sakin? Thud! Huh? Ano yun? May biglang sumipa nang malakas sa dibdib ko. Inalis ko yung tingin ko sa kanya at yumuko habang pinagmamasdan ang mga paa ko. Napapahigpit na ang hawak ko sa bag ko. Hindi naman siguro siya rapist noh? "Asa ka teh. Wala namang karape rape sayo," anang isip ko. Ay bwisit! Isa na lang talaga , pupukpukin ko na talaga ang ulo ko. Sa lahat ba naman ng pwedeng itanong sa isip ay yun pa. Napahiya tuloy ako. Asar! Tapos na siyang uminom at kumain. Bakit kaya hindi siya nagsasalita? "Baka pipi fren, ay sayang naman!," sugsog pa ng isip ko. Hindi ko na lang pinansin. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Magthathank you pa pala ako sa kanya. "U-uhhmm..ikaw ba yung nagligtas sa akin nung isang araw?," tanong ko. Tumingin siya sakin sabay tango. "Ahh..salamat nga pala ha..," sabi ko. Tumango ulit siya. Wala na ba siyang ibang gagawin kundi ang tumango? "Alangan namang sumayaw bru..common sense lang please," anang isip ko na naman. Hay naku nashushunga na rin ako. Mahabang katahimikan ulit. Dapat sana ay nasa bahay na ako ngayon at namamahinga pero I got stuck with this stranger whom I barely knew. Ay langya! English! Teka may tissue pa ba ako? Hindi ko naman siya basta bastang iwan. "Duh! Pulubi kaya siya bru," wika ng isip ko. Pero kahit na. Parang hindi ako mapalagay. Magpapatugtog na lang ako . Kinuha ko yung cellphone ko at agad nag scroll sa music list ko at pinlay yung isa sa mga favorite song ko.