Part 6 (The Confession 3)

16 0 0
                                    

"Two years ago..," panimula niya. Aba! English speaking ang lolo niyo. May two years ago pa siyang nalalaman. 'Ano ka ba naman Irene? Huwag mo ngang soplahin.' "Umalis ako ng bahay namin. Hinanap ko siya." Kumunot naman ang noo ko. Sinong tinutukoy niya? Nang mapansin niyang marahil ay hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya ay agad siyang nagpatuloy ngunit nakamasid lang siya sa may pader sa kabila ng kalsada. Tila tumatagos ang tingin niya sa pader at naaabot niyon hanggang sa malayo. "On the day of our wedding ay hindi siya sumipot. Sobrang sakit at lungkot ang naramdaman ko nun. Napahiya ako sa harap ng maraming tao at sa mga magulang ko. Lumabas ako ng simbahan at ginawa ko ang lahat ng paraan upang matunton siya. Habang nasa loob ako ng sasakyan, paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang at kung may mali ba sa akin kaya niya ako iniwan sa ere. The first time I met her years ago, I fell in love with her already. Noon, tinatawanan ko lang ang mga taong naniniwala sa love at first sight. Pero noong ako na ang nakaranas ng ganoon, doon ko nalaman ang damdamin ng mga taong nakakaranas niyon." Napayuko siya at nagbabadyang pumatak ang mga luha niya. Bumuntong hininga siya kapagkuwan ay tumingin sa akin at mapait na ngumiti. "Hindi ko alam kung bakit sayo ko ito sinasabi. Ang tagal kong inimbak sa kalooban ko ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko simula nang mawala siya. Habang unti unti kong sinasabi sayo ito, nakakagaan pala ng pakiramdam. Sorry..pati ikaw nadamay pa." At ngumiti siya. Kitang kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. OMG Irene! Umayos ka! Hindi ito ang oras ng kaeng engan. Seryosong usapan ito. Isantabi mo muna yang pagkabangag ng utak mo. Naiilang man ako ng konti ay pinilit ko pa ring pakalmahin yung kalooban ko. Ewan ko ba. May something kasi sa akin na hindi ko maipaliwanag habang nakikinig sa kwento niya. And suddenly, I feel the urge to comfort him. Kitang kita kasi sa kanya ngayon ang tunay na kahulugan ng salitang lungkot. Ngumiti ako sa kanya. "Sige, ituloy mo lang. Makikinig ako ." Tumango siya ng dahan dahan kapagkuwan ay tumingin sa malayo. "Minahal ko siya ng lubos. Ibinigay ko sa kanya lahat. Kung saan siya masaya lagi ko siyang sinusuportahan. Kaya noong mawala siya, gumuho ang lahat sakin. May mali ba akong nagawa? O nasasakal na siya sa pagmamahal at pag aalaga ko sa kanya? Ang sakit! Kung saan saan ko siya hinanap noon. Hindi na ako nag abalang magpaalam sa pamilya ko. Tinanong ko na lahat ng mga kakilala namin at mga kaibigan niya. Baka sakaling alam nila kung nasaan siya subalit bigo pa rin ako na mahanap siya. Dumaan ang mga araw hanggang sa umabot ng taon ang paghahanap ko sa kanya. At ito ang napala ko. Unti unti akong nilayasan ng pag-asa. Unti unti akong pinanghinaan ng loob. Tuwing naglalakad ako noon sa bawat kalye at eskinita sa bawat siyudad ay parang naglalakad ako sa kawalan. Walang patutunguhan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Kung saan ako naabutan ng dilim, doon na ako nagpapalipas ng gabi. Pakiramdam ko wala akong kwenta kasi nagpapakatanga akong maghanap sa isang taong ayaw namang magpahanap. Pero wala akong magawa. Mahal na mahal ko pa rin siya. At kung anuman ang dahilan niya kung bakit niya ako iniwan ay tatanggapin ko pa rin siya. Marahil ay iniisip mo ngayon na masyado akong tanga pero wala eh. Ayaw kumawala sa dibdib ko ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya kahit dalawang taon na ang lumipas." At ayon nga, sa haba ng sinabi niya, iiyak din pala siya. Sus! Isa lang ang masasabi ko. EDI WOW! Ang shunga naman kasi niya lalong lalo na yung babaeng yun. Jeskelerd, ang sarap sabunutan. Kung baga sa aspeto ng buhay, tinapay na nga naging bato pa. Ang swerte swerte niya at nakahanap siya ng ganitong klaseng lalaki na handang magpakatanga para lang sa babaeng mahal niya. Kaya pala umiiyak siya kanina. Ntatamaan siya dun sa kanta, 'The Man Who Can't Be Moved' pero dahil pulubi ang peg niya may sarili akong version, 'The Hobo Who Can't Be Moved'. Oha? Perfect! 'Bru, drama ito. Hindi comedy kaya umayos ka,' paalala ng isipan ko. Oo nga pala no? Tsk! Nakalimutan ko agad. Anyway para matapos na ito at nang makauwi na ako ay magpapaka love guru muna ako ngayon. Hindi bagay sakin no? Ang sagwa lang. But for the sake of helping others, eh gagawin ko. Chos! Hindi ko alam kung saan uumpisahan pero bahala na basta makauwi na ako.

The Hobo Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon