Sa lahat ba naman ng pagkakataon ay ngayon pa talaga ako inutusan ng magaling kong mudra para mamalengke. At ang mas masaklap pa roon ay inutusan niya ako sa oras ng alas kuwatro. At ang resulta? Ito, maggagabi na. At ang mas nakakaiyak pa ay umuulan ng pagkandalakas lakas, kumukulog, at kumikidlat pa. Oh diba? Ang saya! At ang magaling kong ina ay hindi man lang ako pinasundo kay kuya Dennis. Hindi man lang ata sila nag-aalala sa nag-iisang prinsesa nilang mamatay matay na sa takot at pangamba sa paglalakad sa kalyeng ito. Buti na lang at ako ay isang girl scout! Naks! Nagdala ako ng payong kanina just in case at ito nga, nagamit nang wala sa oras. Ako si Irene, Leng na lang for short . Kung tatanungin niyo kung bakit Leng ang palayaw ko samantalang ang layo naman ng Leng sa pangalan kong Irene, aba'y problema niyo na yun. Hindi ko rin alam eh. Anyway, as I was saying, natatakot na talaga ako. Nanginginig na yung mga tuhod ko sa pinaghalong takot at lamig. Kung anu ano ng hindi magagandang imahe ang naglalaro sa isipan ko. Nariyan ng baka tamaan ako ng kidlat at kulog. Imbyerna naman ang beauty ko nun. Isang babaeng natusta habang umuulan? Ang labo lang diba? Alangan namang sumayaw ako ng sun dance sa gitna ng kalye eh maggagabi na nga diba? Baka isipin pa ng mga multong makakakita sakin na pag ginawa ko yun ay baliw ako. O baka naman ay may biglang sumutsot sa likuran ko at paglingon ko ay wala naman pala. O di kaya naman ay lilingon nga ako pero yung sumusutsot sa akin ay nasa tabi ko na pala at makikipayong. Langya lang diba? Ehh..natatakot na talaga ako baka mamaya makasalubong ko yung sinasabi nilang white lady na nagmumulto lang daw pag umuulan. Ewan ko nga kung bakit eh. Siguro namimiss niya na ang magshower eh kaso patay na siya kaya kapag ulan na lang siya lumalabas para maligo. Actually, marami pa akong naiisip eh. Too many to mention. Naku! Pag ako nakarating talaga sa bahay lagot silang lahat sakin. Pauulanan ko sila ng tumatalsik na laway! Nakayuko na ako't lahat at kulang na lang ay para na akong si kampanerang kuba. Ang dami dami ko pang iniisip nang walang ano ano'y tumama ako sa isang parang matigas na bagay. Actually hindi pala siya bagay, tao siya. Oo,tao! Taong kulay itim. May dala siyang sako na pasan niya sa likuran niya at in fairness matangkad siya. Kulang na lang ng sigarilyo para maging kapre. Teka? Kapre? Tiningnan kong mabuti ang bulto na nasa harapan ko at unti unting nanlaki ang nga mata ko. "Aahhhh.....ahhh..kapre! Tulungan niyo ako! Ahhh...aaahhh!!!," pasigaw ko. As in, sinagad ko na talaga yung boses ko. Langya! Paano nagkaroon ng kapre sa kalyeng ito? Nagshoshower din ba siya dahil biglang nabahuan sa sarili niya dahil sa amoy ng sigarilyo? Sigaw pa rin ako ng sigaw pero narealize ko, wala namang makakarinig sakin dahil malakas ang ulan. Nakatingin pa rin ako dun sa kapre nang may nanlalaking mata at siya naman ay nakatingin lang din sa akin. Tingin ma..malungkot? Ngehh.. kapre siya diba? Pero bakit naman siya malungkot? Ah siguro hindi siya pinautang ng sigarilyo sa tindahan ni Aleng Choleng? O kaya naman ay naliligo nga siya sa ulan pero wala naman siyang pangsabon? Hmm..sayang, hindi kasi ako nakabili ng sabon kanina eh. Ibibigay ko na lang sana sa kanya. Teka? Kung kapre nga 'tong nasa harapan ko ngayon, diba dapat ay tumatakbo na ako sa takot? Pero nakuha ko pang makipagtitigan sa kanya. Langya! Ano bang klaseng kamalasan ang napala ko ngayong araw na 'to? Hihimatayin na ata ako sa nerbiyos. Soil, swallow me now! Ayoko na! Mamaaa.. At iyon nga, sa isang iglap lang nagdilim na ang paningin ko.