GULO#4.

480 12 5
  • Dedicated kay Austrina Braelynn Hoshida II
                                    

One week na yung nakakalipas mula nung pasukan pero hanggang ngayon hindi pa din ako napapansin ni Brixus. Pano ba naman laging nakadikit sa kanya yung babaeng yun, kaya pag lunch break imbis na magkatinginan kame ni Brixus kahit saglit di na mangyari, dinadaldal na lang kasi siya everytime nung Sandra na yan.

Minsan kapag makakasalubong namin sina Brixus at Sandra, gusto ko na ding biglang tisudin ng pasimple 'tong Sandra na 'to eh. Tapos masaya siguro yun kung una mukha niya eh noh? BWAHAHAHA itry ko kaya yun minsan?

"Huy mare, get one whole sheet of paper daw sabi ni Ma'am."

Natauhan ako nung marinig ko yung bulong ni Leigh sakin para hindi kame marinig ni Miss Catindig na teacher namin ngayon sa history class.

"Para san na naman?"

"Quiz daw. Hindi ka na naman nakikinig."

Napakamot ako ng ulo habang kumukuha ako ng papel na inipit ko sa book ko. Ayoko kasing maglabas ng isang pad ng paper eh siguradong ubos agad sa mga kaklase ko kaya iniisa-isa ko lang ng lagay sa bawat books ko.

"Quiz na naman. Samantalang wala namang ibang kinwento si Ma'am tuwing klase kundi tungkol kay Kris Aquino."

Nalingon naman kame bigla ng magsalita si Breinara na nasa kabilang side ko naman nakaupo. Trueness naman yung sinabi ni Brei eh. Kadalasan sa mga history class namin ay nagiging showbizz talkshow ang klase namin. Kaya siguradong ang mangyayari sa whole shool year namin sa history class ay magiging self-study talaga. Iniisip ko palang, feeling ko nadudurog na mga braincells ko.

Sana pala sa bahay na lang ako nag-aral para.. Hindi ko sila nakikita ngayon na magkasama at lokong Brixus 'to ah! Nagkangiti pa ng todo ngayon? Ang saya niya ha. Ang saya-saya nilang dalawa.

"Ma'am! Excuse me, may I go out?"

Nagmamadali kong sigaw habang si Miss Catindig ay nagsusulat ng mga questions sa board para sa quiz namin.

"Hindi pwede magsisimula na ang quiz umupo ka nga Australis."

"Ma'am puputok na po talaga yung pantog ko. Baka tagusan pa ko ma'am!!"

Alam kong dapat akong mahiya sa sinabe ko pero ano ngayon? Gusto kong makalabas ngayon ng room at sundan sina Brixus at Sandra!! Pag tumanggi pa 'tong si Miss Catindig, nako!

"Dalian mo. Pag wala ka pa at tapos na ako sa..."

Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Miss Catindig at dali-dali akong tumakbo hanggang sa makalabas ako ng room namin. Tinignan ko sina Brixus at Sandra at mukhang sobrang enjoy na enjoy talaga sila sa pinaguusapan nila. Dahil sa bagal ng paglalakad nila kala mo naka-slow motion mode 'tong dalawa na 'to. Pero syempre dahil cute ako ay naka-fast forward ako at tinulinan ko ang paglalakad ko.

"Ouch!!"

Nagkunwari akong napaatras pa ako sa impact ng pagkakabangga sa braso ni Brixus, kahit na mahina lang naman ang pagkakabangga ko sa kanya. Dali-dali siyang lumapit sakin at hinawakan pa ako sa magkabilang braso. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga kamay niya na naka-hawak sa mga braso ko. Eeeeehhh. Eng lembet ng mge kemey nyee..

"Naku, pasensya na Breanne. Hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba?"

Nung narinig ko naman ang boses ni Brixus ay di ko napigilan ang sarili ko na tignan siya at nakakaloka!!!!! Ang lapit-lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Ito na ata yung pinakamalapit namin na pagkakadikit. Eeeeehhhhh!! Magpapanggap ba ako na hihimatayin ako para buhatin niya ako hanggang clinic? Bakit ba kasi hindi malakas yung pagkakabangga ko para kunwari nabagok sana ako, eh di binuhat na sana ako ni Brixus. Ang bango-bango pa naman ng hininga niya naamoy ko eh. Amoy na amoy ko pati yung pabango niya.

The NERD and the PRINCESS #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon