GULO #7 [Part two]

218 1 1
                                    

Natapos na ako sa pagkain ko saka ko lang pinansin sina Latisha, Leigh, Breinara at si Kyohei. At nagulat pa akong hindi niya ginalaw ang pagkain niya. Samantalang yung tatlo eh patapos na din sa pagkain nila. Parang shungang nakatitig lang sakin si Kyohei na nakasimangot pa at salubong ang kilay.


"Anong topak mo ha?"

Singhal ko sa kanya at ginalaw yung plate niya pero hindi siya sumagot at nakipagtitigan lang sakin.

"Ano gusto mo bang subuan pa kita? Aba umayos ka nga Kyohei para ka na namang bata."


Ngayon palang gusto ko ng bawiin yung pakikipag-ayos ko sa kanya. Mukhang dapat ko ng pagsisihin yung nagawa ko.


Ilang saglit pa ang nakalipas at nag-bell na hudyat na kailangan na naming magbalikan sa room dahil magsisimula na yung mga klase. Pero hindi pa din ginagalaw ni Kyohei yung pagkain niya. Nagsisimula na ding magsipagbalikan yung mga estudyante sa mga rooms nila. Pati sina Leigh, Latisha at Breinara ay nagpaalam na sakin.


Habang itong si Kyohei ay nakikipagtitigan pa talaga sakin. Nangaasar pa talaga siya, akala naman niya magpapadala ako sa kaartehan niya.


"Bahala ka kung ayaw mong kumain di naman ako yung magugutom mamaya."


Singhal ko sa kanya atsaka ako tumayo para pumasok na din sa room. Pero biglang hinawakan ni Kyohei yung kamay ko at hinatak ako kaya napaupo ako ulit sa pwesto ko.


"Huy ano ba? Pinagtitinginan na tayo oh. Umayos kana."

"Samahan mo muna ako kumain aayos ako."

Sabay pout pa niya. Aba!

"Hoy! Ano yang pa-pout-pout mo ha? Ano akala mo? Isa ka sa tatlong bibe at ikaw yung lider na nagsabi ng kwak-kwak? Tigil-tigilan mo yan Kyohei ha."

"Samahan mo kong kumain. Inantay kitang matapos eh."

Nagiinarte pa talaga 'to. Male-late na kameng dalawa.

"Hoy baliw, male-late na tayo sa susunod na class. Tayo na lang yung tao dito oh?!"


Mukhang hindi pa din papatinag 'tong si Kyohei kaya kahit labag sa kalooban ko, inantay ko na lang siyang matapos kumain. Kulang na nga lang ay ako pa magsubo ng pagkain niya sa sobrang kaartehan na ginagawa niya. At dahil sa tagal niyang kuamin eh isa lang ang sigurado ngayon.

Hindi na kame makakaabot sa class namin.

"Aish! Baka gusto mong bagalan pa Kyohei. Wala kasi tayo sa school eh, nasa bahay tayo."

Lokong 'to binagalan pa lalo ang pagkain niya at tumingin pa sakin saka ngumiti ng nakakaloko. Nang-aano na lang talaga 'tong lalake na 'to.

"Diba sabi nga nila School is our second home. So technically speaking nasa bahay pa din tayo."

"Ewan ko sayo!!"


Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na ako saka umalis sa pwesto ko. Bahala siya kung gusto niyang magpaiwan doon. Basta ako gusto kong pumasok na sa room at makapag-aral ng mabuti. Hindi naman ako pumasok sa school para lang pagmasdan siyang kumain noh?!


"Pumasok ako para mag-aral at..."

Napahinto ako ng makita ko kung sino yung nakita ko na nasa hallway at paakyat ng hagdan.

The NERD and the PRINCESS #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon