GULO#5.

408 10 6
                                    

Nandito kame room ko ngayon dahil nangulit na lang si Mommy sakin na dito na lang namin gawin ni Kyohei yung group report namin. Pano nalaman ni Mommy? Dahil din sa kadaldalan nitong si Kyohei. At syempre kailangan naming ayusin ang three chapters na kailangan naming i-report. Imagine, para sa isang quiz, three chapters ang pinaggawa ni Miss Catindig? Sobrang sipag kasi niya eh. Sobrang sipag talaga grabe.

Nagbabasa lang ako kunwari ng mga lesson sa history book namin tulad ng ginagawa ni Kyohei para kunwari ay busy ako at hindi na niya ako kausapin.

Sa totoo lang, kahit araw-araw pa din kameng nagkakasama ni Kyohei dahil lagi na siyang pinapag-stay nila Mommy dito sa bahay para sa dinner eh hindi ko pa din siya kinakausap not unless may tinatanong siya sakin. Ayoko pa siyang kausapin. Deep inside ay may sama pa din ako ng loob sa kanya kahit ilang taon na yung lumipas.

"Uhm Breanne, can I ask you something?"

Kakasabi ko lang na may sama pa din ako ng loob sa kanya, heto naman siya balak pa akong kausapin.

"Hmm?"

Pilit na sagot ko sa kanya at hindi pa din ako nakatingin sa kanya. Nagkukunwaring naka-focus pa din ako sa librong hawak ko ngayon.

"Are you still mad at me?"

Tumingin ako sa mukha ni Kyohei at bumalik na naman sakin yung pangit na memory na ayokong maalala kaya ko siya iniiwasan. Kaya ayoko ding magkasama kame ng matagal dahil naaalala ko na naman yung bagay na kinalimutan ko na.


* * * * *



Graduation day naming ngayon at sobrang excited ako. Hindi para sakin pero para sa best friend ko. Ang dami naming pinlano bago ng graduation at gusto kong maging memorable 'to sa kanya dahil sa makakatanggap siya ng academic award bukod pa sa "Best athlete award" na usually natatanggap niya every school year. Dahil pa sa mga plano namin eh hindi na nga ako nagpahanda sa birthday ko 3days before ng graduation namin eh, kasi sabi ni Kyohei sasamahan niya akong pumunta sa amusement park noon. Umasa ako noon na kami yung magkakasama sa graduation day hanggang sa makapunta kame sa amusement park at mamasyal kami don.


Hindi pa kasi ako nadadala nila mommy at daddy sa amusement park dahil iniisip ko palang yun, eh natatakot na ako. Sa mga nakikita ko kasi sa mga pictures at movies nakakatakot yung mga amusement parks. Yung mga rides, yung mga nangyayari doon kapag sumasakay ka ng mga rides. Nakakatakot!


Nangako naman si Kyohei na sasamahan niya ako doon at hindi niya ako iiwan sa pagsakay sa mga rides. At kahit natatakot ay na-excite din ako nung sinabe ni Kyo sakin yon. Nagtiwala ako sa kanya dahil siya lang ang naging kaibigan ko mula noong bata pa ako. Siya lang yung lumalapit at kumakausap sakin kaya naniniwala akong hindi niya ako iiwan.


Buong graduation ceremony ay hindi na ako pinapansin ni Kyohei. Akala ko ay hindi lang niya ako napapansin o masyado lang siyang nagfo-focus sa ceremony kaba dahil aakyat siya ng ilang beses sa stage para kunin ang magiging awards niya.


Happy nga ako for him at the same time ay mas excited pa ako sa kanya, dahil alam ko yung paghihirap niya na pagsabayin ang basketball at academics pero kinaya niya. Dahil gusto niya daw na kung aakyat ako ng stage para sa salutatorian award ko ay dapat pati din siya ay magkaroon kahit pasok lang siya sa top 10 at nagawa naman niya. At eto na kukunin na niya ang award niya.


Todo palakpak pa ako para i-cheer siya pero hindi manlang siya tumingin sa gawi ko. Direcho lang ang tingin niya sa mga camera na kumukuha ng photo sa kanya habang ang daddy niya ang nagsabit ng medal niya sa kanya.

The NERD and the PRINCESS #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon