GULO#7 [Part one]

323 10 5
                                    

"She passed away."


Nakita ko yung lungkot sa mata ni Kyohei kahit na nakangiti siya. Sinikmuraan ko siya kaya napahawak siya bigla sa sikmura niya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong naluha. Si tita Alice? Wala na, na hindi ko manlang nalalaman.


"Why did you do tha.. Hey hey, why are you crying?"


Nawala ang focus ni Kyohei sa sikmura niya at agad agad siyang lumapit sakin.


"Eh ikaw kasi! Hindi mo manlang sinabe sakin na namatay na si tita Alice. Di mo manlang ako tinawagan kahit na may galit ka sakin. Dapat sinabe mo pa din sakin yun eh! I hate you!"


Pinagpapalo ko siya at hindi ko na alam kung san tumatama yung pagpalo ko sa kanya. Masakit din kasi para sakin na wala manlang akong kaalam-alam sa nangyari kay tita Alice. Sa nangyari kay Kyohei. Sana mali ang iniisip ko sa nangyari kay Kyohei sa pagkamatay ng mommy niya. Biglang yumakap sakin si Kyohei at hinimas himas ang ulo ko.


"Kelan pa yun nangyari Kyohei? Bakit ba hindi mo sinabe sakin?"

Bumitaw si Kyohei sa pagkakayakap sakin saka siya nagsalita.

"Let's take a seat first para malagay ko muna sa ref 'tong icecream mo, baka matunaw na din."


Inalalayan ako ni Kyohei hanggang sa makarating kames a sala nila atsaka niya ako pinaupo sa mahaba nilang sofa. Yung lugar, ganitong-ganito pa din talaga yun noong pumupunta ako dito. Tandang-tanda ko pa.

"Teka bakit may lollipop dito."


Lumapit sakin si Kyohei na hawak-hawak yung dalawang lollipop na binili ko kanina. Iniabot niya sakin yun at saka siya umupo sa tabi ko.

Bago pa siya magsalita naisip kong iabot sa kanya yung dalawang lollipop. Gusto kong mapagaan yung loob niya kaya kahit sa lollipop lang gusto kong maramdaman niyang ready akong makinig sa kanya ngayon. Na okay ako sa kanya, na wala akong sama ng loob.

Napangiti siya dahil na-gets na niya ang ibig kong sabihin. Kinuha niya yung dalawang lollipop at binuksan yung isa saka iniabot sakin.


"Dating gawi Breanne ah. Ako pa din tagabukas mo ng lollipop mo."

"Ako na nga bumili nyan nagre-reklamo ka pa."


Saka ko sinubo yung lollipop ko. Hinantay ko siyang matapos sa pagbukas ng lollipop niya saka niya sinubo yung lollipop niya. Nakatingin lang ako sa kanya at hinahantay ko siyang magsalita. Gusto kong magkwento na siya sakin.


"Mommy passed away when I left the country." Huminto si Kyohei saka tumingin sa malayo "The day of our Graduation ceremony."

Napahinto ako sa pagkain ng lollipop. Feeling ko ay nawalan ako ng gana dahil sa sinabe niya. Yung araw na..

"Ba-bakit siya namatay?"

Tanong ko habang pinipigilan ko pa din yung pag-iyak ko.

"Nagpakamatay siya eh. Akala niya kasi iniwan namin siya ni papa, pero hindi niya alam na gumagawa tayo ng cake nun ka.."

"..kasi birthday niya the day before ng graduation natin."


Bulong ko sa sarili ko kaya napahinto din si Kyohei sa pagsasalita. Yung araw na buong araw nag-stay si Kyohei at ang papa niya sa bahay namin kasi nagpatulong sila samin ni mommy sa pag-gawa ng cake. Nagluto din kame ng ibang dishes that day para sa kanya. At natatandaan ko na, dapat nung gabi kame pupunta sa bahay nila dala-dala yung mga niluto namin pero bigla din akong pinatulog nila Daddy noong hapon kaya hindi na kame nakapag-celebrate nung gabi. Dahil pala...

The NERD and the PRINCESS #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon