Chapter 14: Jelly ACE (part2)

109 20 5
                                    

Jessie POV

 (Oo may karapatan din akong mag POV dito hindi lang si Ely no! hmmpf.)


Kanina ko pang nakikitang nakatulala tong si ely yung bang parang napaka daming tumatakbo sa utak nya hay naku kawawa naman tong bessy ko. Pero sa kabilang banda ayun si Pres nakatulala rin sa kanya. One sided love.

Naaawa na nga ako sa dalawang to eh, paano ba naman si Ely kahit ano pang sabihin nyan o kung gaano ka-bitter ang pinagsasabi nya alam kong mahal nya parin si Jay, mula bata sila na ang magkasama at alam ko sobrang importante ni Jay para sa kanya kasi nung iwan daw sila ng tatay ni Ely ay si Jay ang nandun sa tabi nya pero isang araw napansin ko nalang na MAS naging tahimik na si Ely tapos napakarami na ng hugot sa buhay! tas kinabukasan nakita kong may ibang kasama si Jay which is not him wala naman kasing ibang kasama dati yun na babae kundi si Ely o kaya ako :3


***MEETING ROOM****

"Pres! Lusaw na si Ely!" Pabulong kong sabi sa kanya na ikinagulat nya.


"S-sorry... Hindi ko kasi maiwasan na titigan sya eh, kaso sya naman may ibang ilulusaw sa tingin nya." Mababakas mo sa boses nito ang lungkot. Kawawa naman si ACE super selos na yan panigurado.


"Ely!" Pagtawag ko sa kanya. Katapat ko kasi sya tapos katabi ko naman si pres at naa bandang unahan naman si Jay pati yung girl nya at ayon sa resources ko vice president daw nila yung girl.


"Wag mo ng titigan si Jay! Jelly na si Ace oh!" Pabulong ko sa kanya na kinanoot ng noo nya.


"Anong Jelly na si Ace?" Medyo malakas ang pagkakasabi nya kaya naman napatingin sa amin ang iba kaya siniko ako ni Ace.


"H-hehe sabi ko penge daw ng JELLYACE si Ace favorite nya daw yan eh. hehehe" Pag papalusot ko at sa tingin ko naman ay kumagat sya dun dahil inabot nya sa akin yung lalagyan ng Jellyace malapit sa kanya. Whoo! buti nalang nakahanap ng palusot hehehe galing ko talaga! ^_________^.


"Muntik na ko dun Jessie! wag kana ngang maingay at baka malaman nya pa at iwasan nya na ko." Pabulong na sabi nito kaya nag peace sign ako sa kanya. ^__^v.


"Ang manhid naman ni Ely! E ako ngang di nila kaklase ramdam ko yung feelings ni Ace para kay Ely  eh, at kung paano to magselos kanina dahil sa pagkakatitig ni Ely dun sa ex nya." Napailing nalang ako sa narinig ko. Manhid talaga bessy ko pero hindi nya naman EX si Jay eh. :3 

Bahala na nga sila basta ako happy sa BOYFRIEND KO! HIHIHI *^_________^*

-----------------------------



Bitterness of ElyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon