Chapter 15: Double Meaning

93 19 5
                                    

ACE POV.

Eto kami ngayong mga officer busying busy pagkatapos ng Meeting kahapon which is Friday ay nag kaisa ang lahat na magkaroon ng activities for general and per room for celebrating our Christmas party. So bilang President ng section namin ay sinabi ko sa mga officer na magtulong tulong sa pagdecorate ng room namin dahil isa yun sa paglalaban labanan. Kung sino ang mananalo ay may plus points daw kami sa lahat ng subject. So lahat ay sineryoso ang labang ito. Lalo na ako dahil hinding hindi ako papatalo sa Jay na yun!

"Pres. ano bang theme natin?" Tanong ni Ely hay ang ganda nya talaga... isa narin to sa reason kung bakit kahit Saturday ng umaga ay nagbilin ako sa kanila na pumunta agad kasi gusto ko sya makita. ang kanyang magagandang mga mata pati narinang kanyang mapupulang la---

"Pres?"

"S-sorry! sorry a-ano hmm White Christmas." Natataranta kong sagot na ikina iling nya habang naglalakad na palayo sa akin.

"Chillax lang kasi Ace! ayan tuloy na wiweirduhan na sayo bessy ko." Sabi ni Jessie habang tinatapik tapik likod ko.

"Tss.tulungan mo nalang siyang ayusin yung Christmas Tree dun." Sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagdedesign sa black board.

"Sus ayaw nya talagang mapagod bessy ko! simple simple nalang ng ginagawa tutulungan pa? Hay nako inlove talaga..." Bulong nya habang naglalakad na papunta kay Ely.

Nang matapos kong i-decorate ang Black board ay tumingin ako sa paligid one word PERFECT! Pa simple ko nalang na tinitigan si Ely habang binibigyan ng bulaklak ang Christmas tree habang naka patong sa upuan at nakaalalay naman sa baba ang kaibigan nya.

"PRES! tinatawag ako ng kalikasan pwede ikaw muna umalalay dito kay Ely?" Sigaw nya kaya naman napatingin sa akin si Ely at kumindat naman si Jessie sa akin at lumabas na.

"Ely baba ka na ako na lang mag lalagay nya baka mahulog ka pa." Sabi ko sa kanya habang nakatingala.

"Na-fall na." Bulong nya pero hindi ko narinig dahil masyadong mahina.

"Ano yun?"

"Wala. Sabi ko kaya ko na to." Sabi nya, mukha naman siyang nag-eenjoy sa ginagawa nya kaya hinayaan ko nalang.

"Huwag ka mag alala kung sakali mang mahulog ka nandito naman ako para saluhin ka." Sabi ko I know double meaning. Totoo naman eh, mafall lang sya sa akin lahat gagawin ko masalo lang sya, ngayong ngang di pa sya fall nandito nako handa syang saluhin.

"Huwag ka rin mag alala magiingat ako. Alam ko na ang feeling na mahulog at walang sumalo at hindi yun masarap sa pakiramdam dahil napaka sakit." May diin sa mga salita nya at alam kong double meaning rin yun.

"Kung na hulog ka dati at walang sumalo sayo don't worry iba na ngayon kasi nandito naman ako handang haluhin ka kahit ako pa ang masaktan." Seryoso kong sabi kaya tinignan nya ako at ngumiti ng pagka bitter.

"Ganyan din yung sinabi nya dati pero ano? Ayun nahulog nga ako hindi nya ko nasalo kasi busy pala syang nakatingin sa iba kaya hanggang ngayon dala dala ko parin yung sakit kasi hindi lang basta pasa ang nakuha ko sa kanya kundi higit pa dun." Sabi nya habang kinakabit ang huli ang star sa tuktok ng Christmas tree.

"Sige pres mukhang maganda na ang pagkadecorate natin at ang perfect na ng paligid kaya una na ko ha? pupuntahan ko pa kasi yung isa." Sabi nya habang inaayos na ang gamit nya.

"Bakit kasi hindi mo subukang sa akin ma hulog Ely? Kasi alam ko sa sarili ko na kahit masaktan pa ko sasaluhin at sasaluhin kita kasi... MAHAL KITA." Nasabi ko nalang ng makaalis sya. 



____________________________________


Thanks for reading! :**


Bitterness of ElyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon