Chapter 18: Changes

64 15 2
                                    


Jessie POV

What a great Sunday! hihihi alam nyo ba guys I'm so kinikilig talaga ngayon! Yinaya ba naman ako ng aking Oh-so-Handsome Boyfriend na mag date! Yiiiiieeeehh Ano ba yan kinikilig aketch! (*^_____^*). Minsan lang kasi kami lumabas eh tapos kapag lalabas kami hindi man lang namin maranasan na mag HHWW you know? Hay kaya ang saya ko nung yayain nya ko usually kasi ako lagi yumayaya sa kanya.

*Bzzt*Bzzt* (Vibrate ng Cell phone ko)

One new message

(Good morning Hon :) after lunch nalang tayo magkita ha? Ingat ka :* May importante pa kong sasabihin sayo.)

"Waaaahh~ Nikikilig ako!!!!" Sigaw ko.

"Anaaak! anong nangyari? ayos ka lang ba? mahulog ka ba sa higaan mo habang natutulog ka o nagssleep talk ka lang o ba---" Natataranang sabi ni Mom, sa kanya kaya ako nag mana ng pagka hyper! (^_____^)

"Hihihi wala po mommy kinikilig lang you know may date kami ni Boyfie ngayon hihihi" Kinikilig ko paring sabi sa mommy ko.

"Really? aww I'm happy cause you're happy too baby. Dalhin mo sya dito mamaya ah? Dito na kayo mag dinner."

"Aye aye Mommy!" Sabi ko sa kanya at nagsaludo pa.

**Mall**

"Na enjoy mo ba yung movie?" Tanong sa akin ni Kevin while HHWW. hihihi ano kayang nakain ng Boyfie ko at ang sweet sweet nya sa akin? hihihi kailangan ko yun malaman dahil ipapakain ko sa kanya yun araw araw hehehe *Smirk*

"Hey, Sabi ko saan mo gusto kumain? Chinese Restaurant nalang kaya tayo? Masarap mga pagkain nila dyan eh."

"Hindi na hon sa Mang Inasal nalang tayo hehehe." Sosyal kasi ang isang to eh lagi nalang kami sa mamahaling restaurant kumakain, kaya gusto ko naman ipa-experience sa kanya ang magkamay and all.

*Park*

"Grabe! Ang lakas mong kumain Hon! Hahaha." Sabi nitong boyfie ko ano ba naman yan! simula lumabas kami ng mang inasal tinatawanan nya na ko ng tinatawanan (____.____)

"Nakaka turn off na ba ko hon?" Malungkot kong sabi.

"Hindi ah, Ang cute mo nga tignan eh. Ngayon ko lang nakita ang ganito mong side super kulit." Sabi nya sabay kurot ng cheeks ko yiii! ano ba yan baka maihi nako dito sa sobrang kilig (*^_____^*)

"Hmm hon ano palang importanteng sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya ng maalala ko yung text nya sakin kanina.

Bigla namang nagbago yung expression ng mukha nya kaya parang kinabahan ako "A-ah yun ba? Jes alam mo ba ang saya ko ng makilala kita, sorry kung hindi ko agad naapriciate yun at paulit ulit kitang sinasaktan..." Seryoso nyang sabi sa akin na ikinabigla ko.

"H-hey ano bang sinasabi mo hon?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"S-sorry and thank you Jess sa lahat pero g-gusto ko ng m-makipag hiwalay."

"H-hon naman! hindi nakakatuwa yang joke mo... D-diba sabi mo dati hindi mo na ulit ako sasaktan? K-kaya please tigilan mo na yang pagbibiro mo di nakakatuwa." Nanginginig kong sabi sa kanya.

"Seryoso ako Jessie ayoko na." Nagulat ako sa pananalita nya, sobrang cold as in.

"K-kung hindi mo na talaga ako m-mahal bakit ang sweet sweet mo sa akin ngayon? hindi ako naniniwala sayo! Nagbibiro ka lang kev... nag bibiro ka lang diba?" Hindi ko na mapigilang mapa-iyak dahil sa kalokohang sinasabi nya. ilang beses nya na ko nasaktan pero binigyan ko sya ng chance dahil mahal ko sya at alam kong hindi nya na ito sasayangin pa.

"Kasi nakokonsensya ako Jes napaka bait mo sakin tapos ito lang ang isinukli ko sayo. Kaya gusto ko na makipag hiwalay para di na kita masaktan ng paulit ulit Sorry jes."Sabi nya sa akin pero umiling lang ako as a sign na hindi ako naniniwala sa kanya.

"Babe! Here you are. Sorry late ako ah." Sabi ng babaeng to at biglang hinalikan si Kev na ikinagulat ko.

"Siya ba yung kapatid mo babe? Ipakilala mo na ako dali." Bulong ng babaeng ito kay kev. Pinipigilan kong humagulgol dahil ayokong mag mukhang tanga pero Sh*t lang ang sakit!

"J-jes si Sheryl G-girl friend ko she---"

*Paaakk*

"I hate you Kevin! I hate you!" Pagkatapos ko syang masampal ay tumakbo na ko pauwi.

B-bakit kev? Bakit? minahal naman kita ah bakit paulit ulit mo nalang akong sinasaktan kulang pa ba lahat ng yun? hanggang sa makauwi ako yan lang tanong na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.

"Anaak! Nandyan kana pala. Nasaan na yung boyfrie-- Umiiyak ka ba anak?" Tanong ni Mommy ng maka pasok ako sa loob ng bahay.

"Hindi po mom. Una na po ako ha? kumain na ko sa labas at napagod po kaya matutulog na po ako." Sabi ko kay mom at malungkot na nginitian sya. at umakyat na sa hagdan.

"Nasaan na boy friend mo? akala ko pa naman ipapakilala mo na sya sa akin ngayon." Malungkot na sabi ng Mom ko.

"Hindi ko na po sya maipapakilala sa inyo Mom." Sabi ko hang nakatalikod parin sa kanya

"Bakit naman anak? madami pa namang araw eh."

"Hindi na po mom, Imposible na po mangyari yun... Inilibing na po kasi sya kanina." Seryoso kong sabi ng tignan ko si mom gulat na gulat sya kaya nginitian ko sya ng malungkot at ipinagpatuloy na ang paglalakad papnta sa room ko.



Bitterness of ElyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon