Chapter 22:#ColombiaZone.

54 13 3
                                    


Ely POV


"Nakakaasar ka ely! Bakit mo namang hinayaang makausap ko yung mokong na yun ha!? Parang di kita kaibigan ah!" Inis nyang sabi actually kanina pa yan di ko lang pinapanin na aasar na ko eh. Hindi na nga kami nanalo sa Christmas theme, Hearty pa ang nanalo which is si Jay ang president akala ko pa naman kami ang mananalo lakas ko pa namang umasa buset! >_<

"Hoy! Bat wala kang imik dyan huh!?" Sigaw nya sa akin at talagang pinalo nanaman braso ko

"Beast mode ako Jessie tigil tigilan mo ko!!" Sabi ko at nag para na.

"Ikaw kasi eh! di mo ko pinapansin tapos yung ginawa mo pa kanina!" Sabi nya at nung tignan ko nakapa pout nanaman ang loka.

"Eh sa naaasar ako sa pagmumukha nya eh! Kung hindi mo yun pinagbigyan wala yun balak umalis at lalo lang ako mawawala sa mood dahil sa pagmumukha nya!" Sabi ko at nung mapuntahan ko na balak ko puntahan ay humiga na ko.

"Hmmp! lagi ka namang wala sa mood eh tch!" Sabi nito at nakiupo narin. "Anyway ano palang ginagawa natin rito bessy?" Takang tanong nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit sinabi ko bang sumunod ka sa akin? Tss. meron pa daw concert dun bat ka umalis? baliw..." Sabi ko at pumikit. 4pm na ng hapon kaya di na mainit dito sa park itong malaking puno na ito ang naging tambayan ko na dati pa lalo na kapag beast mode ako at kapag may gyera sa bahay namin (-______-)

"Hala! Bessy tignan mo yung girl oh! Kawawa naman sya tara puntahan natin!!" Sabi nya at nung tignan ko yung babae she looks familiar. Yung ayos ng babae ay parang nanghihina na dahil sa kakaiyak at pulang pula ang mata.

"She looks familiar..." Sabi ko habang nakatingin sa babae... BINGO! sya yung babaeng nagpapaloko sa manloloko nyang bisugong boy friend.

Dali dali akong tumayo at pumunta sa mga table dito sa park kung saan humhagulgul yung babae

"Uyy, si bessy concern sa girl di lang pala beast mode ang alam gawin, hihihi" Sabi nitong babaitang to pero di ko na pinansin nonsense lang naman!

"H-hayop ka! binigay ko na lahat lahat! Nagawa mo pa kong gag*hin hayop ka talaga mamamatay ka rin!" Sigaw nya habang binabalibag balibag ang bag nya. Sabi na eh kaya napailing nalang ako.

"So naniniwala kana sakin sa umpisa lang sya sweet?" Sabat ko bigla sa pag-eemote nya na kinanuot ng noo nya malamang iniisip nya kung sino ako, kaya nag smirk ako sa kanya

"Pwede ba!? Wala ako sa mood sakyan yang ka bitteran mo!" Sigaw nya sa akin kaya tinawanan ko lang sya

"Sa tingin mo sinong mas bitter satin ngayon huh?" Napa smirk naman ako ng makitang yumuko sya.

"So what happen?" Tanong ko sa kanya.

"A-and why would I tell you?" Mataray nyang sabi kaya tinaasan ko nalang sya ng kilay.

"Hmm, Kasi miss mas gagaan kahit papaano yang nararamdaman mo kung isashare mo sa iba tska stranger man kami sayo mabait naman kami..." Nakangiting sabat naman nitong si Jessie kaya mukhang nakampante naman tong babaeng to.

"I'm Rhian... B-boy friend ko nga yung nakita mo dati..." Sabi nya at tumingin sa akin. "...Nakita ko sya kahapon na may kasamang babae at talagang ang sweet sweet pa nila samantalang ang sabi nya sa akin may sakit daw sya! tapos ngayon ki confront ko sya umamin naman ang hayop na lalaking yun sinabing hindi nya na daw ako mahal!" She said while sobbing. As I said sa umpisa lang talaga sweet ang bisugo nyang boy friend tch!

"Ganun lang yun!? what a Lame excuse hay nako rhian girl! wag na wag mo ipapakita sakin yang boy friend mo baka makalbo ko yan hay nanggigigil ako!!" Sabi ni Jessie na talaga namang nanggigigil nga.

"So ano di mo matanggap na break na kayo?" Tanong ko naman.

"Oo hindi ko talaga matanggap! dahil binigay ko na sa kanya lahat lahat pati sarili ko binigay ko na sa kanya tapos hindi pa sya nakuntento sakin!? Tapos ngayon sasabihin nya yung b-babae daw na kasama nya ay ang nagdadala ng b-baby nya! Hay*p talaga sya!" Sabi nya at humagulgul ulit. Nagulat ako pati narin si Jessie dahil sa nalaman namin. Ano sya?! Hayop talaga? pagkatapos nyang galawin wala na. kaimutan na at maghahanap na agad ng iba? Aba bisugo na nga ang kapal pa ng mukha mangbabae!

"Alam mo hindi porket pumatong sayo eh sayo na talaga at hindi na papatong sa iba." Nasabi ko nalang na ikinagulat ni Jessie kaya pinalo ako at pinaglakihan ng mata.

"What I mean is parang yung KORONA pinatong na sa ulo ni Ms. Colombia pero binawi at ipinatong naman kay Ms. Philippines. So wag kang magpaka-kampante na dahil ginawa nyo yun eh sayo na talaga sya."

--------------------------------------------------

Hahahahaha OO na ako nalang ang di pa nakakaget over sa Ms. U hahahahaha :D

Keep reading guys~! :* <3



Bitterness of ElyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon