He's Back.

53 0 0
                                    

CHAPTER 3

Author's note.

Sorry ^___^ wala pang POV si Alden! kasi naman dba? wala naman syang ganong sasabihin! tsaka lagi syang wala sa mood -__- ang gangster nya ano po? :3 haha! BTW, thankyou sa mga nagbabasa *O* sana maenjoy nyo! Vote and comment po :) maaappreciate kooooo! :D still finding someone, napagdededicate-an ko ng isang chappy :D

HAVE FUNNNNN! ^O^

------------------------------------------------------------

Huminto si Alden sa tapat ng isang bahay, pulang gate at maayos pa ito gaya ng dati. Pero alam nyang nababalot ng lungkot at katahimikan ang bahay na iyon..

Until someone open it.

“Kuya Alden? KYAAAAA! IKAW NGA!” Masayang yakap sakanya ng kanyang kapatid.

Nagulat sya ng ganto ang salubong nito sakanya, akala nya ay galit din ito sakanya.

Niyakap nya nalang din ang kapatid ng may pag-aalinlangan.

”Ang laki mo na Jessa, dalaga ka na.”

Kumalas sya sa yakap, kita nya ang saya sa mata ng kanyang bunsong kapatid.

“Alam mo ba kuya, ang tagal ka naming hinintay! Mabuti nalang at dumating kana, tara pasok ka.”

Pagpasok nya, nasa trabaho pa ang kanyang ama’t ina kaya wala pa syang nadatnan.

“Kuya, magpahinga ka muna, alam kong pagod ka. Bakit ang konti ng dala mo?”

“Hindi ako magtatagal dito Jessa, gusto ko lang malaman kung okay kayo, mga bukas o sa isang araw aalis din ako.”

Nakita nya ang lungkot sa muka ng kapatid, umakyat na lamang sya sa dati nyang kwarto. Walang pinagkaiba, ganun parin.. puno ng alaala na nakakapagpabalik sakanya sa nakaraan.

“Kuya please wag na tayong magshare ng kwarto. Ikaw nalang don sa kabila!”

“Oh sige! ako ng bahala!”

Masaya sya, alam nyang mahal sya ng kuya nya.. lahat ng gusto nya ay sinusunod nito.

Napailing nalang sya ng maalala ang mga bagay na yon.. ang kuya nya..

“Umalis ka na dito kuya kung ayaw mong masaktan.”

Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Alden.

“Please lang Alden, umuwi kana! Wag mo ng bigyan ng alalahanin sila mama’t papa.”

Pakiusap ng kuya nya.

May hawak na patalim si Alden, simula kasi ng naging 14 years old sya ay kinukumpara sya ng magulang nya sa kuya nya, masakit yon sa loob nya, pero hindi nya kayang kamuhian ang kuya nya dahil mahal nya ito, tanging pagrerebelde sa magulang ang naisip nyang paraan.

“Umalis ka na kuya Ryan kung ayaw mong masaktan!”

Napahiga na lang si Alden ng maisip na naman ang lahat, kasalanan nya, sya ang pumatay sa kuya nya..

Humiga sya at natulog.. It’s a long day.

Begging You To Love Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon