Hidden Feelings.

53 0 0
                                    

CHAPTER 4

Pagkagising ni Alden ay bumaba sya ng hagdan, mga 7pm na non kaya napagpasyahan nyang bumaba..

“Sabi po nya eh mga dalawang araw lang sya dito, ang konti nga lang po ng dala nya e.”

Alam nyang sya ang tinutukoy ni Jessa, kausap nito ang mama at papa nya.

Dumiretso sya sa kusina at uminom.

“Kuya!”

Tawag sakanya ni Jessa, wala syang nagawa kundi ang lumapit at umupo din sa sofa.

Wala syang nabakas na pagkaexcite sa mata ng magulang nya ng makita sya, apat na taon syang nawala ngunit sa tingin nya ay wala lang ito sakanila, sa tingin nya ay sya parin ang sinisisi ng mga ito sa pagkamatay ng Kuya Ryan nya.

“Bakit uuwi ka agad? Bakit hindi ka muna magstay kahit ilang buwan lang.. Apat na taon kang nawala.”

Sabi ng kanyang ama sa malumanay na boses, nagulat sya sa sinabi nito pero hindi nya pinahalata.

“Okay.”

Yun na lamang ang nasabi nya.

Kumain silang pamilya ngunit puno ng katahimikan ang namamagitan sakanila, marahil hindi na sya sanay na ganto ang tema.

Matapos kumain ay umakyat na sya, natulog ngunit inaalala parin ang nakaraan.

Erika’s Pov

 Magjojogging ako kasama si Hershey.

Nagpaalam ako kay mommy, sanay na sya sakin ^,^

Nakakaisang oras na ako ng pagiikot ng may makita akong pamilyar na mukha, sya nga!

Nagulat na lamang ako ng tumakbo si Hershey at magpunta sa direksyon nya.

Author’s POV

Napagisipan ni Alden na maglakad lakad pagkagising nya, ng makarating sa kalagitnaan ng Villa ay naisipan nya ng tumakbo dahil walang pawis ang lumalabas kapag nilalakad nya.

Isang pamilyar na Aso ang lumapit sakanya, Kinarga nya ito at kinausap na parang sasagot ito sakanya.

“Parang nagkita na tayo noon.”

Tumahol lang ang aso sa direksyon ng isang babae..

Isang pamilyar na babae.. lumapit ito sakanya.

“Nakalimutan mo na nga ata ako Alden.”

No, she was wrong! Marahil kasi nag iba ang itsura ng babae, lalo syang gumanda at nagkaroon ng figure ang katawan nya.

“Erika.”

Maikling tugon ni Alden.

“Oo ako nga.”  Mababakas sa mata ni Erika ang pagkasaya ngunit hindi nya iyon ipinahalata kay Alden.

“Tatanungin sana kita kung anong nangyari sayo makalipas ang ilang taon pero duda ako kung sasagutin mo ko ng maayos.” -___-

“Buti alam mo.” Walang ganang sagot ng binata.

Naglalakad si Erika papunta sa canteen, sobra na kasi ang uhaw na nararamdaman nya, naiwan nya pa yung baon nyang bottled water sa Gym ng school nila, fourth year high school na sya.

Malayo pa lamang ay nakita nya na si Alden, tila bumilis ang tibok ng puso nya, lalo na ng dumaan ito sa harap nya, pigil hininga sya ng tumalikod sya at pagmasdan ang lalaking nilampasan lang sya. Laking gulat nya ng humarap ito sakanya.

“Arevalo!”

May halong galit ang boses nito.

“B-bakit Alden?”

Unti unting lumapit sakanya ang lalaki, hanggang sa isang dangkal nalang ang pagitan nila. Ito ang unang beses na magkalapit sila ng ganoon.

“Pwede ba, wag mong pakialaman ang buhay ko, sinabi mo daw sa teacher natin na kaya ako nag absent ay dahil masama ang pakiramdam ko, wala kang alam kaya wag kang makialam.”

Makikita ang galit sa mga mata nito..

“S-sinabi ko l-lang naman y-yun para ma-excuse k-ka!”

Nagtatapang tapangang sabi nya.

“Pwes, wala kang pakealam, at isa pa.. naririnig ko na may gusto ka daw sakin? Aba Arevalo, baka gusto mong bigyan kita ng Full length mirror para malaman mo ang ichura mo!”

Hindi na nakatiis si Erika.. kung magpapatalo sya ay lalo syang aasarin nito!

“Pwede ba mag thankyou ka nalang at ipinagtanggol kita!? Atsaka pwede bang wag mo kong tawagin sa apelyido ko!? May pangalan ako! ERIKAAAAA! Atsaka ano naman kung gusto kita? Wala ka ring pakialam!”

Nagulat sya ng kinulong sya nito sa pagitan ng mga braso nito at sinandal sya sa pader, sobrang lapit na ng mukha nila, napapikit sya. Hahalikan ba sya nito?

“Huhh, asa ka naman, jan ka na nga.”

Naiwan syang nakanganga.

“Anong tinutunganga mo!? Hanggang ngayon ba eengot engot ka pa rin?”

Nagising sya sa katotohanan, naiisip din kaya yon ni Alden?

Sisinghalan sana nya si Alden ng tumakbo na naman si Hershey.

“HERSHEEEEEY BABYYY!”

Habol nya dito.

Nakakatatlong hakbang na sya palayo kay Alden ng makita ng binata na may paparating na sasakyan at mababangga ang dalaga.

Hinila nya ito at iniligtas. Kakaibang kaba ang bumalot sa dibdib ni Alden, kahit lumalaban pa sya ng patayan dati ay hindi nya pa ito nararamdaman, ngunit ngayon.. mabilis ang tibok ng puso nya habang yakap ang dalaga. Hinigpitan nya ang yakap dito para makumpirma na maayos nya itong nailigtas.

Begging You To Love Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon