CHAPTER 5
Dedicated po kay ate Denny! thankyou sa Diary ng Panget! ang ganda wooooo! :3 excited nakong mabasa yung part two ate, you know ;) sana maging successful din yung story ko katulad ng sayo :D para sayo toh ate! DnP yung inspiration ko dto :D Readers, Magvote din po kayo ;) any suggestions will do! para sa ikagaganda ko.. CHARAUGHT! hahaha, para sa ikagaganda ng story! ^____^\/
Erika’s POV
Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa muntikan na kong masagasaan o dahil sa pagkakayakap ni Alden. Nararamdaman ko din ang bilis ng tibok ng puso nya dahil sa pagkakayakap nya.
I feel like bursting into tears! But I can’t. It feels like heaven in his arms.
Niligtas nya ko, kahit papaano ay may pakialam sya saakin.
Humigpit ang pagkakayakap nya sakin, wala kong pakealam kahit nahihirapan pa kong huminga, parang samin lang umiikot ang mundo ngayon.
Tutugunin ko na sana ang yakap nya ng bigla syang humiwalay.
“TATANGA TANGA KA BA HA!? PALAGI KA NALANG MUNTIK MAAKSIDENTE!? HELL! ANG TANDA MO NA BUT YOU ACT LIKE A BRAT! CAN YOU JUST TAKE CARE OF YOURSELF!?”
Galit ang boses nya, para bang pinapagalitan nya ko dahil hindi ako nag iingat, naaasar ako, pero may bahagi ng puso ko ang masaya sa inasal nya.
“Sorry dahil napag alala kita, thank you sa pagligtas. Congrats Alden! Kahit minsan naging concern ka.”
Mejo nang aasar ang tono ng boses ko sa bandang huli ^__^\/
Syempre, ikaw ba naman iligtas ng Prince charming mo! :”>
Pero pagkasabi ko non, bumalik yung expressionless na muka nya..
Parang ganto -____-
“Hindi ako concern, ayoko lang may maaksidente sa harap ko. Baka ako pa ang sabihing may kasalanan.”
Bwisit -__- sisinghalan ko sana sya pero nakita ko si Hershey na papalayo.. hinabol ko nalang sya.
Pauwi nako ng naalala ang nangyari, nakakaasar yong lalaking yun! Kelan ba yun magbabago? Kapag tres na ang presyo ng bola bola!? Bwisit talaga!
Nakita ko si mommy sa terrace ng pag uwi ko.
“Hello ma!” mejo pagod na sabi ko.
“Hi anak, mag almusal kana.”
“Di na ma, pahinga muna ko.”
“Oh bat ganyan ang muka mo?”
“Wala po ma, nagbalik na kasi si Alden.”
“Alden who?”
“Alden. Alden Serizawa.”
“Goshh, yung lalaking---“
“wag mo na ituloy, opo my. Sige po pahinga nako.”
Pagakyat ko sa kwarto, ibinagsak ko nalang ang katawan ko sa kama.
Masyadong madaming nangyari ngayong araw.
Nakita ko sya sa rooftop ng school, ang pambansang tambayan nya.
Tahimik kasi doon at walang nagpupunta, marahil mas maganda sa quadrangle.
Nagsindi sya ng sigarilyo.. hayup na toh! Bawal yan! Pero dahil nasa rooftop sya ay walang nakakakita sakanya maliban sakin.
Tumabi ako sakanya, at mababakas sa mukha nya ang pagkaasar ng makita na ako ang nasa tabi nya.
“Pss, anong ginagawa mo dito?”
Sabay hithit sa sigarilyong hawak nya.
“Bakit? May nakasulat ba dito na ikaw lang ang pwedeng umakyat dito?”
Hindi nya ako sinagot, bagkus ay binuga nya ang usok sa direksyon ko.
“Alam mo Alden, makakasama sayo ang paninigarilyo, kung ako sayo ay ititigil ko na yan.”
“Kung naiirita o allergic ka sa usok e bumaba ka nalang, hindi ko ititigil toh dahil lang nandyan ka.”
Hindi ko nalang sya pinansin, nakita ko na sa mga gilid ng labi nya ay may dugo, marahil nakipag away na naman sya..
“Alden.”
Sabay abot sakanya ng panyo..
Imbis na kuhanin nya ay umalis na lang sya, ayaw nya talagang nakikipag usap kahit kanino! Pwes hindi pwede yon, sabi nga nila.. NO MAN IS AN ISLAND! Kaya sa ayaw at sa gusto nya, dapat nya kong maging kaibigan!
“Alden ano ba, inaabot ko lang toh sayo oh!”
Sa sobrang asar nya ay hinawakan nya ko sa magkabilang braso, ang higpit ng pagkakahawak nya.
“Ayoko sa lahat ay yong dumedepende sa isang tao! I feel so useless! Kaya ko ang sarili ko! Wala kang pakealam kung makipag away ako at mamatay ako okay!”
Natulak ako ni Alden dahilan ng pagkakahulog ko. Napapikit nalang ako.
Pero hindi masakit ang pagkakabagsak ko, kay Alden ako nalaglag? Tutulak nya ko tas sasaluhin nya ko?
Author’s POV
(Note: Author’s pov na to kaya hindi alam ni Erika na ito ang naiisip ni Alden nong mga oras na yon.)
Natulak ni Alden si Erika, hindi nya naman sinasadya. Ang gusto nya lang ay takutin sya na wag ng lumapit sakanya pero napakakulit ng lahi nya!
Ang sakit ng pagkakabagsak ni Alden sa sahig, sakanya napalanding si Erika.
Pagkaharap sakanya ni Erika ay nakita nito ang mga mata nya.. Kulay tsokolate. It seems like he don’t want to take his eyes off to her. Parang masyadong mapang akit ang mga mata nya.
Hindi sila pwedeng magtagal sa ganung sitwasyon kaya tumayo na si Alden. Lumakad syang mabilis at napalingon kapagkwan, nakita nya si Erika na tulala, parang gsto nya ulit itong lapitan at tignan ang mga mata nito.. ipinilig nya ang ulo ng marealize nya kung ano ang iniisip nya. Nababaliw na ba ko? Tanong nya sa sarili.
Hindi napansin ni Erika na sa mga bumabalik sa isipan nyang alaala, tumulo na ang luha nya..
”Kelan mo ba ko mapapansin Alden? Hanggang ngayon ba naman pakialamera at tanga ang tingin mo sakin?”
Masyado ng pagod ang utak nya kakaisip, siguro ay dapat na syang matulog.
BINABASA MO ANG
Begging You To Love Me.
Teen FictionHe had no reason to live because of his past. He just wanted to fulfil that ‘death wish’. She was always the same girl na nakakakilala ng lubos sakanya, seeing his soul and his feelings. Gusto na nyang magbago dahil kay Erika na nagpabago sakanyang...