Chapter 2

1 0 0
                                    

ASHIE'S POV

"LUMAYAS KA DITO! ILANG ARAW KA NG DI NAKAKAPAG BAYAD NG RENTA. HALA! HAKUTIN MO ANG GAMIT MO. "

"Teka lang po ate. Magbabayad na-naman po ako eh. Di lang po talaga ako nakaraket kagabi. "

Putek naman oh! Matinding pakiusapan na naman to. Linggo linggo ganito ang eksena namin ng landlady kong masungit. Kasalanan ko bang di ako nakaraket kagabi.

"WALA NG TEKA TEKA. UMALIS KA NA! BWISIT KA SA NEGOSYO KO. "

Sigaw niya sakin habang iwinawasiwas ang gamit ko palabas ng dorm niya. Bwisit! Wala na akong nagawa kundi ang damputin ang maleta at mga gamit ko.

"OO NA AALIS NA AKO. BAHO BAHO NAMAN JAN SA DORM NIYO. MAPANGHI! TSE! "

Pagtataray ko sa kanya. Para di naman ako mukhang api. Di ako papatalo. Ako paba? Hah! Si Ashie kaya to. Pero takte, wala na naman akong bahay. Pangalawang beses na akong napapalayas kasi di ako nakakapag bayad. Buhay nga naman oh.

Pagkatapos kong damputin ang gamit ko eh lumabas na akong ng gate ng bahay niya. Nakakahiya kaya >_< nakatingin sakin mga dorm mates ko. Akala mo kung sinong artista ang nasa labas. Di pa ba sila sanay HAHAHA.

Isinakay ko ng trike ang mga gamit ko at nagpaderetso ako sa bahay ng tropa ko. Eh wala na ako matitirahan. No choice. Kahit labag sa loob ko :/ kay Benjie muna ako titira. Wala na! Kapit na sa patalim to chong!

-
BENJIE'S POV

Ako nga pala si Benjie, ang dakilang kaibigan na lihim na umiibig sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Oo,  mahal ko siya kaso di naman ata ramdam neto. Kamanhid aba!

Eto siya sa bahay ko ngayon, lumalamon na naman habang nagkekwento kung pano na naman siya napalayas ng landlady niya. Saulado ko na nga istorya neto eh.

"Hoy babae, aampunin na naman kita kaya pls wag ka naman pasaway. Buti wala sila mommy dito. "

"Oo na Benjssss-- AAARRAAAYYYY! ANO BA BENJIE! "

HAHAHA ang cute talaga neto. Di ko na siya pinatapos magsalita kasi puno pa ang bibig niya ng Koko Crunch.

"Ubusin mo muna kasi yang nasa bibig mo. Lakas makapatay gutom Ash ah. "

"Pede ba Benj, kesa asarin mo ko mahapon eh tulungan mo na lang ako na maghanap ng trabaho. "

"Oy Ash, araw araw kitang kinukulit na kumanta ka na lang sa bar ko pero ayaw mo. Choosy mo kasi. "

Tama kayo ng basa. Ilang beses ko na siyang inaalok na magtrabaho sa bar ko bilang singer. Disente naman yung bar ko pero di ko malaman kung bakit ayaw niya.

"Eh ayaw ko nga sabi eh! "

Tigas ng ulo no?

"Gusto ko manager ^_^"

Sabi niya sabay takbo sa room niya. Anak ng manager oh -_- gusto pa niya ako agawan ng position ganun?

"ASHIIIE! "

Napasigaw na lang ako sa sobrang katigasan ng ulo ng ampon ko. 1 week na naman magulo ang buhay ko gawa niya. Kundi ko lang mahal to, di ako papayag na guluhin niya ang tahimik na buhay ko.

Kung alam mo lang Ashie Pedroza, mahal na mahal ka ni Benjie Andres. Mahal na mahal.

I'm A Change Woman Because Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon