Chapter 3

0 0 0
                                    

*ATTHEOFFICE*

MIRG'S POV

"Annie,  may appointment pa ba ako para mamayang 4 ng hapon? Paki check please. Kelangan kong umuwi ng maaga para sa dinner eh. "

"Alright sir. Ichecheck ko lang po. "

I need to go home early para sa dinner mamaya. May announcement daw si mama sa buong family. I wonder what was that all about. Pati kasi yung bunso namin na babae eh biglang pinauwi from the states. Urgent siguro.

Tapos ko ng ayusin ang gamit ko para sa pag uwi ng pumasok sa office ko ang secretary ko na si Annie.

"Sir, clear na po ang schedule niyo from 4pm onwards. "

"Okay thank you. You may go. Aalis na ako. Bye. "

Tumayo agad ako and dala ang suitcase ko eh sumakay na ako ng elevator pababa sa parking area ng may makasalubong akong mag anak sa parking area.

Isang tatay, nanay at anak na lalaki.

Nainggit ako sa eksenang nakita ko. Masaya ang maganak, nagkakatuwaan sila habang pasakay ng kotse nila. Oo, naiinggit ako. Gusto ko na magkapamilya.

Hindi totoo ang sinasabi ko tuwing magaaway kami ni mama na di ko pa gusto magkapamilya. Next month 22 na ako, I'm not getting any younger. Gusto ko na mag asawa pero natatakot ako. Not financially cause I know I give them what they want and what they need in terms of material things. Takot ako mag asawa kasi takot akong magmahal :( I hate love because I hate rejections and misery.

Nagising lang ako sa pagkatulala ko ng matapat na ako sa mismo kong kotse.

Pumasok na ako at pinaandar ang kotse and nagdrive pauwi sa bahay. Sana good mood naman ako mamaya sa dinner.

-
MRS. ALFONSO'S POV

"Hon yung usapan natin ha. Don't  you dare spoil the night para bauguhin ang decision natin. "

"Oo na hon. Don't you trust me. Alam ko ang ginagawa ko. Moms knows best, remember? "

-
NARRATION

After ilang minutes,  dumating na sa bahay si Mirg. Pina akyat muna siya sa room to change his clothes para sa dinner. After niyang makapag freshen up eh bumaba na siya agad sa dining area.

Nakita niyang andun na ang mama at papa niya and nagulat siya na andun din ang nakababatang niyang kapatid na babae na si Keena.

"Goodevening guys. "

Matamlay na bati niya sa kanila. Pagod kasi siya from work and ang dami pa niyang isipin.

"Let's eat? "

Aya ng bunso niyang kapatid.

Habang kumakain,  tinawag ng papa nila ang kanilang attention.

Lahat sila ay napatingin ng deretso sa papa nila na seryoso din ang aura.

"Mirg. Your mom will say something to you. It's very important so you better listen first before complaining. "

Sumubo muna siya ng steak bago humarap sa mama niya.

"What's that ma? "

"Okay. I'm only doing this for your own good kaya please cooperate. "

"Ma, tungkol na naman ba to sa nonsense na fix marriage again. Stop it na ma. I'm tired. "

"MIRG! "

Sigaw ng papa niya.

"Okay fine, I'll listen first. "

Walang nagawa si Mirg kundi pakinggan ang dayalugo ng nanay niya.

"Okay. Son, alam kong ayaw mo na ipakasal kita kung kani-kanino specially kay Chloe. Kilala kita. Pero di pa din mababago ang gusto ko na mag asawa ka na. Pero dahil mahal kita, bibigyan kita ng good deal. "

"Ma, deal? Future ko ang nakasalalay dito pati lovelife ko. Tapos gagawa kayo ng deal para kontrolin ang buhay ko? Nice one ma. "

Nainis na si Mirg kaya padabog siyang tumayo at umalis sa dining area na siyang ikinagulat ng mag asawa pati na si Keena na tahimik na kumakain.

Pero di pa siya nakakalayo ng mapatigil siya dahil sa sinabi ng mama niya.

"I'll let you choose your own ideal girl and soon to be wife. "

Alam ni Mrs. Alfonso na di makakatanggi si Mirg sa deal niya kaya alam niyang lilingon ulit siya. At tama nga siya,  lumingon si Mirg na naka smirk na tila nagustuhan ang sinabi niya.

Unti unting lumapit ulit sa lamesa si Mirg at kinauspa ang ina.

"Go on ma, I'm listening. "

"Next month,  birthday mo na. At dahil mahal ka namin, I'm giving you exactly 1 month para makahanap ng mapapangasawa mo by your own choice. Only 1 month Mirg. "

"1 month?!? Hell yah. San lupalop naman ako makakahanap ng babaeng willing magpakasal sakin. "

"Wow kuya, makakahanap ka niya. Gwapo ka naman at mayaman. Sungit nga lang. Kaya ka iniwan ni Ate Leanne eh --- oooppss sorry! "

Sabat ni Keena. Kaya pinandilatan siya ng daddy niya. Tumahimik naman siya agad.

"Shut up Keena"

"Okay ^_^"

"What if di ako makahanap ng babae na pakakasalan ko? "

"Then, papayag ka na ipakasal kita sa babaeng magugustuhan ko. And maybe that's Chloe De Guzman. "

"Fvck! Ayaw ko! "

"Ayaw mo ang alin? Umayos ka nga. Para kang bata. Ano papayag ka ba or ibabato ko tong bread knife sa pagmumuka mo. "

Kung masungit si Mirg,  100x na mas masungit at mataray ang nanay niya.

"Okay, payag na ako. Pero ayaw ko na kada uuwi ako from work eh guguluhin niyo ako about dun. "

Wala ng nagawa si Mirg. He was caught off guard. It's now or never na ang labanan kesa mapangasawa ni si Chloe eh hahanap na lang siya ng babae na pakakasalan niya. Talking about NO CHOICE.

"Good. "

Natapos na ang dinner nila na busog si Keena, at badtrip si Mirg.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm A Change Woman Because Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon