Lucky © Meet Him

24 1 0
                                    

April's POV:

Babe!. Happy 10th monthsary sa'tin. Mahal na mahal kita ikaw lang walang iba. Iloveyou babe!. Lagi mo yang tatandaan. More monthsaries to come!. Stay strong sa'tin.

*scroll*

Me and bae 😍💕

*scroll* *scroll*

Best Proposal Ever!

*scroll* *scroll* *scroll*

Lintek naman tong mga nakikita ko dito sa facebook. Puro kalandian. Puro tungkol sa love. Yung una, happy 10th monthsary daw. Tapos more to come. So hanggang monthsary na lang sila ganun?.

Yung pangalawa naman Me and bae. May picture pa sila. Pero hindi naman talaga sila. Siguro edited. Siguro kinutsaba lang niya o kaya sinuhulan.

At yung huli, video ng proposal. Pangarap niya lang naman yun. Di naman magkakatotoo yun. Aasa pa siya.

Biter ko no?. Wala tayong magagawa dahil brokenhearted ako. Este brokenhearted na naman ako. Sa dinami-dami kasi ng mga naging boyfriends ko, lahat sila ay naka-LDR ko. Lahat!. As in lahat nga!.

Una si Michael Ferrer. Mayaman siya at mabait naman. Pogi, macho, hearthrob, at sweet. Mahal na mahal namin ang isa't isa noon. Kaso may isang problema. Hindi niya sinabi sa'kin na naka-arrange na pala yung marriage nila ni Sandra Nicolas. Kaya ayon!. Umalis siya at doon nag-aral sa America kasama si Sandra. Noong mga araw na nasa America pa siya ay hindi pa kami break noon kasi nangako siya na babalikan at pakakasalan niya ako. Kaso isang araw, hindi na lang siya nag-reply sa mga texts ko. At hindi niya rin sinasagot yung phone niya pag tumatawag ako. Siguro hindi niya na ako mahal kaya tinigilan ko na siya. Sakit no?.

Pangalawa si Joseph Bernardino. Pogi rin siya pero hindi mayaman. Para naman makasigurado ako na hindi na siya makakapangibam-bansa. Haha. I'm so bright. Pero di gaya ng inaasahan ko, naka-LDR ko rin siya. Hindi sa ibang-bansa kundi out of town lng siya. Hiwalay kasi magulang niya at mas pinili niyang sumama doon sa nanay niya kaya nagkahiwalay kami. Gaya ni Michael, sabi niya ay babalik siya. Naghintay ako pero hindi naman siya bumalik. Kaya inunahan ko na siya ng pagm-move on.

Hindi lang silang dalawa ang naka-LDR ko. Marami. At lahat sila, iniwan ako. Ang saklap ng buhay ko. Yan ang kwento kung bakit bitter ako. Hindi na ako naniniwala sa forever. For a lifetime na lang.

*facebook pops*

Wait, si Mahbes nag-chat!.

Mahbes!. San ka na?. Hinihintay kita dito sa labas ng school.

Dafuq!. Tuesday nga pala. Omg. Maliligo na ko.

Ok mahbes, otw na.

Otw to cr.

Shawn's POV:

"Nay!. Pasok na po ako!." Sabi ko sa nanay ko sabay kiss sa cheeks.

"O sige na nak. Yung baon mo oh." Sabi ng nanay ko sabay abot nung pera.

Akala ko di na niya maaalala. Yung ngiti ko sa mukha ay napalitan ng simangot dahil sa nakita ko. Bakit 50 lang?. Hay nako, hayaan mo na nga. Abe 3rd year hs na ko't lahat 50 pa rin baon ko. Ano pa bang aasahan ko. Kapag nagreklamo naman ako, magh-history na naman ang nanay ko. Juskolord, makapasok na nga!.

Magpapakilala muna ako sa inyo. Ako si Shawn Alfonso. Male, matangkad, may itsura naman ako, hindi ako mayaman at nakatira ako sa Purok 13 Brgy. Pugot-Ulo. Katakot no?. Nakakatakot naman kasi talaga mga tao dine eh. Halos araw-araw may nagpapatayan. Tingnan niyo nga yung mga tao, mga sabog at tulala. Yung iba naman hindi na magkanda-ugaga sa pag-aalaga ng isang dosena mahigit nilang anak. Buti na lang nag-iisang anak lang ako. Alam niyo kasi, mayaman kami dati. Pero dati yun at past is past. Pero iku-kwento ko pa rin sa inyo. Businessman tatay ko at nanay ko ay housewife lamang. Kaso, yung tatay ko nangaliwa. Kaya yun, nag-away sila ng nanay ko. At yung nanay ko naman, tinaasan ang pride kaya lumayas siya at sinama pa ako!. Tingnan mo tuloy kami ngayon. Kung dati galing penshoppe pa mga damit niya, ngayon puro basahan na lang ang suot niya. Pero hindi niya ako inalis sa private school dahil matataas naman ang grades ko. Highschool na ako at kasalukuyang nasa 3rd year sa Pendleton Academy. In a relationship?. Nope, single. Aral muna kasi.

Lucky (I'm inlove with my Bestfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon