Lucky © Kiss

6 0 0
                                    

April's POV:

"Hoy Shawn!." Tawag ko kay Shawn.

"Ano?" Tanong niya.

"Bili na lang tayo ng gifts natin para sa christmas party!" Sabi ko.

"Tara!. Ay kaso wala nga pala akong pera. Samahan mo muna ako sa'min hihingi akong pera sa nanay ko." Sabi niya.

"Sige tara. Saan ba yung bahay niyo?." Tanong ko.

After 10 mins.

"What the?!" React ko nang mapunta kami sa ilalim ng arko ng barangay nila Shawn.

"Welcome To Barangay Pugot Ulo." Basa ko sa nakasulat. Anong klaseng lugar to?!.

"Tara na April!. Dito bahay namin." Sabi ni Shawn sabay hatak sa'kin.

Huminto kami sa isang first floor na bahay pero maganda siya. Itong bahay lang ata na ito ang may kulay sa barangay na ito. Lutang na lutang siya eh oh!. Pumasok kami sa loob at nagulat ako nang...

"ANAK!!!." Sigaw nung babae at biglang yumakap kay Shawn nang mahigpit.

Ah. Siguro ito yung nanay ni Shawn. Makapag-mano nga.

"Abe saan ka ba nagsususuot bata ka?!. Alalang-alala ako sa'yo. Saan ka ba galing?" Tanong nung babae kay Shawn. Kung nanay siya ni Shawn, napaka-caring niya. Ang sarap niyang maging nanay kung nagkataon.

"Ah. Tita mano po." Offer ko sa nanay ni Shawn. Iniabot naman niya yung kamay niya kaya nakapag-mano ako.

"Eh teka, sino ba to Shawn?" Tanong nung nanay ni Shawn.

"Ah ma!. Si April nga pala. Bestfriend ko." Sabi ni Shawn sabay akbay sa'kin.

"Ay!. Tingnan mo nga naman. Kay gandang dalaga. Naku anak!. Aalagaan mo ito ah?" Sabi nung nanay ni Shawn habang pinipisil-pisil yung pisngi ko.

Natatawa lang ako kasi ang cute nung nanay ni Shawn. Kalog siya at mukha pang mabait.

"Eh April bakit ka pa sumama dito sa'min. Naku, pasensya ka na huh?. Maliit lang itong bahay namin. Hindi pa ako nakapag-linis. Ito naman kasing si Shawn hindi nagsabing pupunta pala kayo dito. Edi sana nakapaghanda pa ako." Sabi nung nanay ni Shawn habang pari-parito at lakad ng lakad.

"Ah hindi ok lang po. Magpapaalam lang po sana kami ni Shawn. Kasi po aalis kami." Sabi ko.

"Eh saan naman kayo pupuntang dalawa?" Tanong nung nanay ni Shawn.

"Ma, bibili lang kami ng pang-regalo para sa christmas party namin." Sabi ni Shawn.

"Eh sino bang nabunot mo anak?." Tanong nung nanay ni Shawn.

"Basta ma. Penge na lang ng pera." Sabi nung nanay ni Shawn sabay abot ng 300 sa kaniya.

Ang cute nilang pagmasdang dalawa. I remember the days nung nabubuhay pa si daddy. Ganyan din kami ka-close noon.

"Tara na April?" Tanong sa'kin ni Shawn.

Tumango naman ako. "Bye po Tita!" Sabi ko sa nanay ni Shawn.

"Oh sige na anak. Mag-iingat kayo hano?. Hoy ikaw Shawn. Kung hindi ka uuwi mag-text ka lang." Sabi nung nanay ni Shawn.

Independent pala si Shawn eh. Buti pa siya. Pinapayagan siya nung nanay niya. Eh ako, yung nanay ko hindi ako makapagpaalam kasi naman lagi siyang wala.

Shawn's POV:

Nandito na kami sa mall na may rides sa likod. Para siyang theme park na para rin namang mall. Hayst!. Pasok na nga kami!. Dumiretso muna kami ng tindahan ng stuff toys. Kahit hindi ito yung hinihiling niya, ito na lang ibibigay ko dahil wala akong pambili ng g shock na original at roshe na original. Ay oo nga pala!. Yung jacket pa!. Wag na nga. Stuff toy na lang ire-regalo ko sa kaniya. Yung pink dapat.

Lucky (I'm inlove with my Bestfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon