Chapter 1: Me & You

24 2 0
                                    

< haaaayyyy.... Matagal na kong nakapag- decide na gumawa ng story, but actually ngayon lang ako biglang sinipag humarap sa computer at magsimulang mag-type. So...... This-is-it... Ang bagong nakakabaliw na Love Story.... Literally... Nakakabaliw...>

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 1: "Me & You"

"ARAY!!!... Marielle!!!!", natuktukan na naman ako ng libro ng baliw kong kaibigan na walang ginawa kundi wasakin ang mga pangarap ko.

" Nananaginip ka na naman, Ang aga-aga, yan na agad ginagawa mo" , sabay upo sa arm chair nang nakadekwatro.

" Marielle, kung kalbo man ako ngayon, panigurado... Hindi mo na mabibilang ang mga bukol sa ulo ko dahil sa kahahampas mo ng libro, kaya ako nabobobo eh..."

Ganito kami araw-araw, palo dito, palo doon. Konti na lang mabubutas na ang ulo ko! She never stop hitting me with things na alam naman niya na masakit kapag ipinalo mo.. Well... Meron kasi siyang napakaliit na dahilan kaya niya ginagawa yun. And that is....

" George Anne Marasigan, sa tingin mo maliit na bagay lang ang pagkakaron mo ng gusto sa isang bakla? Mm? Uulitin ko BAKLA!!!! George naman.... sa lahat na lang ng pwede mong magustuhan dun ka pa sa malambot... George, wala kayong future no'n... Napaka-imposible..!"

"Pwede ba, wag kang ngang sumigaw, nakakahiya.", syempre magtitinginan ang mga tsimosa, kaya mas hininaan ko na ang boses ko. "Wag kang mag-alala, kinakalimutan ko na siya, kaya tigilan mo na yung kakapalo sa'kin."

"After all you did for him, susuko ka na?"

"Alam mo hindi kita maintindihan, ano ba talaga gusto mo?"

" Well, im just reassuring, so hindi na talaga?"

Tumango na lang ako ng madiin para matigil na siya sa katatanong, ang kulit eh.

" Sabi mo yan ah, walang bawian. Mauna na ko ah, kita-kits bukas", nakangiti siyang kumakaway sa'kin habang papalabas ng room. Infairness, ngayon lang siya naging masaya sa lahat ng ikinuwento ko. Halatang ayaw niya talaga kay Felix.

Alam ko naman eh.. Alam kong no matter what happen, wala kaming future. So, here i am.... 4th year na at naka-graduate na si Felix. Im giving up, after 1 year! 1 year!!! Ipinagmamalaki ko na yan... So far, Ito na ang pinakamatagal kong pagkakaroon ng gusto sa isang tao. But i realized that, it's better to let go of the person you love, not because you don't love him anymore, but because you still love yourself. Kaya eto.. Nag-aaral ng mabuti at wala munang pa-love life- love life, ayun na-realize ko din na ang boring pala. Siguro kasi, nasanay ako na may hinahabol tuwing uwian, yung bang may rason ka para laging maging present sa school, at ngayon nami-miss ko lahat yon. Teka.Teka. Lumalayo na ang usapan eh.

Anyway, im George Anne Marasigan, 15 yrs old. Isang simpleng babae na may gusto sa isang Dyosa na nagngangalang Felix Aryan. But don't worry, hindi ganon ka-bading si Felix, lalo pa't hindi ito alam ng mga magulang niya. In short, gwapong-gwapo at lalaking-lalaki si Felix tignan. Yummy!

Nakapangalumbaba ako sa armchair nang biglang tumunog na ang school bell. Uwian na pala. Wala kasi si Mam pero ina-tenan pa rin namin ang klase niya. You know, minsan masaya sa school kaysa sa bahay.

Kinuha ko na agad ang bag ko at dire-diretso na sa gate.

"Marasigan!!!", lumingon ako sa likod para makita kung sinong nag-effort sumigaw para lang makuha ang atensyon ko. Pero bago ko pa siya lingunin, kilalang-kilala ko na siya.

"Chua?, ba't di ka pa umuuwi? , tanong ko sa kaniya habang tumatakbo siya papalapit sa akin.

" Hinintay kasi kita, malay ko bang kilos pagong ka, kala ko mukha ka lang pagong, aba! Pati kilos ginagaya mo..isa kang impostor.." , sabay tawa ng malakas, hindi halatang gustong-gusto niya talaga kong asarin. Yan oh! yang nakakainis na ngiting ang sarap-sarap tirisin.

Pero... Im used to it.. He's always like this. Cyril Chua is my Best Friend, pero madalas kami ni Marielle ang pinagkakamalan, at ang tingin naman ng iba sa'min ni Cyril ay mag-jowa. Nakakatakot na talaga ang mga tao ngayon, kung anong nakita nila, yun na agad ang paniniwalaan. Well.., hindi ko naman sila masisisi. Sadyang ganun talaga kami ka-close ni Cyril. We call each other with our surnames, parang CS (call sign), and also, siya din ang super support sa akin noon pagdating kay Felix.

Malayo ang School mula sa bahay, pero naglalakad kami palagi pauwi para hindi ako tumaba, malakas kasi ako kumain at usually kapag nagkakasabay kami sa pag-uwi, tungkol kay Felix lagi ang gusto niyang pag-usapan. Kung hindi lang talaga niya ko sinusuportahan kay Felix noon, iisipin kong karibal ko siya. Walandyo! Parang bading din ata to eh. Nahihirapan lang umamin.

" Soo...anu na?! Saan nagka-college si Felix?", sabi ko na eh..

"May gusto ka ba kay Felix?", tumaas ang isang kilay ni Chua, halatang nainsulto ito sa sinabi ko, "Kasi sa totoo lang, masyado kang naku-curious sa mga bagay tungkol sa kanya, samantalang ako, trying so hard makalimutan lang siya, at eto ka namang banggit ng banggit sa pangalan niya."

" Tama ba yung narinig ko?! E ikaw nga tong kwento ng kwento sa'kin noon tungkol kay Felix. Kung gano kabait si Felix, kung gano katalino si Felix, kung gano kagwapo si Felix, kung gano kabango si Felix, kung gano siya ka-perpekto.. Puro FELIX,FELIX,FELIX! Pero wala naman akong sinabi ah, nasanay lang ako na si Felix ang laman ng usapan sa twing magkasama tayo, tutal dun kita nakikitang masaya, kaya wag mo kong pagkakamalang may gusto dyan sa bakla mong crush!!!!!".

Nainis tuloy ako bigla sa sarili ko," Sorry". Yumuko na lang ako. Oo nga no? Ako nga pala tong kung anu-anong ang kinukwento sa kanya. Pero maya-maya naramdaman kong nakadampi na ang kanyang kamay sa ulo ko, and he's patting it parang aso. Ibig sabihin no'n bati na kami. Tumingin ulit ako sa kanya, this time wala na yung galit niya, as in wala na talaga, nilibre niya pa ko ng tokwa at kwek-kwek. Pero hindi niya na ko hinahatid sa bahay, at ang rason niya e pakakainin na naman daw siya ni Mama.

Isang iskinita na lang ang lalakarin ko para makarating na sa bahay, mula sa malayo'y kitang-kita ko na si Mama at yung mga gamit na hinahakot papasok dun sa katabi naming bahay. Oo nga pala, lumipat na sila Tita Medi at bago na ang kapitbahay namin, nabalitaan ko nga na ngayon sila dadating.

Ngiting-ngiti si Mama habang sinasalubong ako, hinawakan niya agad yung kamay ko. " Anak, nasa loob na ang mga bagong kapitbahay! Dali papakilala kita sa kanila!!...Nagpatangay na lang ako sa paghatak ni Mama, pero sa totoo lang di ako sanay sa mga introducing sessions, kung pwede nga lang tumakbo sa school kapag nagpapakilala isa-isa yung mga estudyante sa harap, tatakbo talaga ko eh. Pero kapag kay Mama ko ginawa yun, mag-iingay na yan mamaya.

Binuksan na ni Mama ang pinto at kitang-kita ko na ang mga bagong kapitbahay na nakaupo sa sala. "Magandang Hapon po", sabay yuko, nasanay na kasi ako bumati ng yumuyuko, kakanood ko siguro yon ng Korean Novelas. Pag-angat ng ulo ko, biglang bumukas ang C.R. Ewan ko kung anung maling ginawa ko ngayong araw na to, tanggap ko na e, ok na. Pero kahit anong pilit ko iwasan, kalimutan, bumabalik at bumabalik pa rin sa akin.....

"Siya nga pala anak, ang anak na lalaki nila Mrs. and Mr.Aryan, si Felix...."

Ang Dyosa na minsan ng nanahan sa puso ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

OH MY GOSH!!!! Ang bago niyang kapitbahay ay si Felix!!! Ang taong gusto niya ng kalimutan!!

Pano na to!!!!

So... Guys! I need 100 votes o likes para malaman kung dapat ko pang i-continue yung story.

Pls. Vote....

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon