Chapter 3: Close to you

18 1 0
                                    

Another update!!!!! ^_^ thank you sa inspirasyon ko, mabilis na kong nakakapag-update ngayon..improving na ang lola mo!

So... Ang nangyari last time is matutulog sa bahay nila George si Felix... EMEGED!!!!!!

Di ko na patatagalin pa....

Narito na! *ting**ting**ting*

------------------------------------------------>

GEORGE POV

"Ummmm..... Panu to??.", nagtatakang tanong ni Felix habang nakatingin sa kama ko.

Wala na akong nagawa sa pagpupumilit ni Mama. Ang gusto niya sa kwarto ko matulog si Felix. Teka, hindi niya ba naisip na babae ako at kahit na bakla tong kasama ko ay may lawit pa din.

Ewan. Bahala na si Batman.

"Dito ka nalang sa kama, ako nalang sa lapag, tutal may banig naman kami.",sabi ko.

"HINDI!!, nagulat ako. Napatigil tuloy ako sa pagpapagpag ng kama. "Ako nalang sa lapag, ako na nga lang makikitulog ako p-".

"Anu ka ba? Ok lang.", putol ko sa sasabihin niya. Nginitian ko siya para ipakitang okey lang talaga. Kaso hindi pa rin siya natatahimik, patuloy pa rin niya kong kinukumbinsi na ako na lang ang hihiga sa kama. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng banig na hihigaan ko at di siya pinansin.

"GEORGE!, sabing ako nalang diyan eh!". Nagulat ako, pero at the same time may kilig na namang dumaloy sa mga veins ko.

Ang cute niya pala magalettttt!!!!

And..... And... He called my name for the first time!!!!!!!

Syempre hindi ko pinahalata na kinikilig ako. Pinatay ko na lang ang ilaw at hinatak ang kumot ko hanggang leeg sabay higa. Tinalikuran ko nalang siya, habang nakaupo siya sa kama ko. "Good night." sabi ko habang nakapikit na.

Di ko mapigil kagatin ang labi ko. Konting self-control George. Kaya mo labanan ang tukso. Shet! Anu ba ang tawag dito? Tadhana o Coincidence lang? Bakit nasa kama ko ngayon ang lalaking hinahabol ko noon?

(A/N: correction, 'BAKLANG' hinahabol mo noon.)

Siguro mga dalawang oras na ang nakalipas. Natahimik na. Tunog na lang ng orasan ang naririnig ko. Pero kahit ilang pikit ang gawin ko......

Di ako makatuloooooog....... Imbis na antok ang nararamdaman ko. KILIIIG!!!!!

Nangawit na ko sa kakatagilid, umupo ako para tingnan siya. Tulog na nga siya. Sumuko din pala siya matapos ang matagalang pangungumbinsi sa akin.

KYAAAAA!!!! Nakoww!! Napakasarap tumili ngayon, kitang-kita ko ngayon ang mukha niya ng malapitan. Tapos mukha pa siyang anghel matulog, napaka-kalmado, napaka-gwapo, napaka-YUMMY!!! Kung may camera lang talaga kong hawak ngayon, uubusin ko lahat ng film kaka-shot sa Angelic face niya.

Maya-maya......

Biglang may pumasok na ka-manyakan sa isip ko.

*ting*💡

Ito na ang tamang oras para isagawa ang matagal ko ng plano.

Ang kunin ang kanyang VIRGIN RED LIPS!!! MWAHAHAHAHA!

Unti-unti ko ng nilalapit ang mukha ko sa kanya. Eto na yun eh!!! Diz is zit!!!!! Naririnig ko na ang mga kampana ng simbahan!!!

Konti nalang.....

Pinikit ko na ang aking mga mata....

Sa wakas.... My first kiss..... will be with...

"ACHOOOOO!!". Biglang siyang bumahing. At dahil sa gulat ko at kaba na makita niya kung anong pananamantala ang ginagawa ko sa kanya, napalakas ang paghiga ko. Hindi ko akalaing wala pala ang unan ko sa pwesto.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon