Chapter 2: Being Next to you

26 1 1
                                    

Sorry guys sa napakaaaaaaaatagaaaaal na update.. Hehe.. Nawala kasi yung inspiration ko. But since this is my dream, ipu-push ko itu.. \m/.

------------------------------------------------>

GEORGE POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.

Si Chua, nag-GM.

Hindi ko na tinapos basahin ang kung anong nonsense na tine-text ng mokong na yun bagkus napahawak ako sa noo ko.

Shet! Anu ba yung napanaginipan ko!? Si Felix.... Si Felix ay nasa neighborhood?! To think na i've tried so hard na kalimutan siya, tapos magiging kapitbahay ko?! Haaaay......Ang pag-ibig talaga, parang Computer Virus, sinisira lahat ng pinaghirapan mo. Panu kaya kung ganun ang mangyari?

Panigurado mahuhulog lang ulit ako kanya.

Nagpasya na sana akong bumaba, nang biglang may kumatok.

"Anak, gising ka na ba?", si Mama, binuksan niya ang pinto habang may hawak na pagkain na nakalagay sa tray. "Alam mo bang kanina ka pang walang malay diyan?", binaba niya ang tray sa lamesita katabi ng kama."Dalawang oras na ata ang nakalipas, nakakahiya tuloy sa mga kapitbahay at nag-alala pa sila."

Ka.....kapit....bahay? anong ibig sabihin ni Mama? Meron talaga kaming kapitbahay?

"Teka, matanong ko nga, bakit ka nga ba nahimatay nung makita mo yung anak nila Mrs.Aryan?, kilala mo ba si Felix?".

Di ko napansing nakatulala lang ako kay Mama habang patuloy niya kong kinakausap. Hindi pa kasi ma-absorb ng utak ko ang lahat.

Loading.....

Loading.....

Uploading.....

Downloading.....

Waiting.....

100% Complete.....

*ting*

Bigla akong napabalikwas ng tayo sa kama at dire-diretsong bumaba, hindi ko na narinig si Mama sa kung ano pa yung mga tinatanong niya. Ang alam ko lang, kailangan ko siya makita, kailangan kong malaman kung totoo ba ang lahat, o baka naman nananaginip lang ako.

Wala akong nakita sa baba kundi si Jun-Jun, 6 yrs old na kapatid ko. Nawala ang kaba sa puso ko. Ganitong-ganito kabilis ang tibok nito nung mga panahong una ko siyang makita at sa araw-araw na makakasalubong ko siya sa school noon. Yung tipong makawasak RibCage.

Napansin ako ni Jun-Jun na bumaba ng hagdan.

"Ate, nandito yung gwapong lalaki kanina. Crush mo yun no ate? Kase nung nakita mo siya, nagdugo yung ilong mo tapos nahimatay kapa."

Nagsimula ulit kumabog ang puso ko. Nagmadali akong lumapit kay Jun-Jun, hinawakan ko ito sa balikat at inalog na parang nanay na gustong magsabi ng totoo ang anak. "Asan siya?!", sabi ko. Kitang-kita sa kanya ang gulat sa ginawa ko, tinuro na lang niya ang pinto at inisip ko na baka nasa labas ito. Hinalikan ko nalang sa noo si Jun-Jun at nag-sorry, tapos dali-dali kong binuksan ang pinto. Yung tipong masisira na.

At ayun, nakita ko.

Habang nakatingin siya sa mga bituin.

Lumakas ang tibok ng puso ko.

Nakakabingi.

Nakakapanghina.

Sabi ko na, mahuhulog lang ulit ako.

Nakita niya akong nakatitig sa kanya. Biglang ngumiti siya sa akin.

BOOM!!!!! KAPOW!!!!!

Nawasak lahat ng harang na pinaghirapan ko. Hindi ako pinana ni kupido. Binomba niya ang puso ko! BINOMBA!!!

KNOCK OUT na ko..... Hindi ko keri ang shining shimmering splendid na ngiti niya.

Umusog siya sa bangko at tinapik ito. Pinapaupo niya ko sa tabi niya.

LORD!! Ito na ba ang kabayaran ninyo sa lahat ng kabaitan ko sa mundo? Kung panaginip man to, tuluyan niyo na ko. Wag na wag niyo na kong gisingin! HEAVEN NA ITO!!!!

Dahan-dahan akong lumalapit sa kanya, nagulat ako nung hinawakan niya bigla yung braso ko at mabilisang pinaupo. SHETTTTT!!!! HINAWAKAN AKO!!! ANG SOFT NUNG HANDS!!!! Halos mabaliw ang utak ko, kung anu-ano na ang sinisigaw nito. Kilig to the bones lang ang nararamdaman ko. Habang nakangiti siya sa'kin ang nakikita ko lang ay ang tantalizing eyes niya, ang handsome face niya, ang natural shining red lips niya at anytime lang magiging manyak na ako!! EMERGENCY!!! EMERGENCY!!! EMERGENCY!!!

Tumayo ako bigla. Hindi ko keri. Sasabog ako. Wala na kong marinig kundi ang tibok ng puso ko at bulong ng aking isip na nagsasabing ang ganda ng labi niya. Nagpapawis na ang kili-kili ko at halos wala ng lumabas na salita sa akin. Nerbyos, kilig, tila paru-parong lumilipad sa tiyan ko at walang tigil na paglunok sa kaba. In short, in-love na naman ang lola mo.

"Ayaw mo kong katabi?", sabi niya habang naka-pout.

"Ummm...", sabay lunok sa kaba."Ka.... Ka...Kanina pa kasi ako nakaupo, namamanhid yung paa ko.", palusot ko. Baka mamaya pag tinalunan kita diyan, hindi mo na ko matanong ng ganyan.

"Kamusta na?, may boy-friend na ba?"

Seriously??!!!! Tinatanong mo sa'kin yan?

"Hindi mo alam kung gaano ko gusto iuntog ang ulo ko dahil sa kung anu-anong kalokahang pumapasok dito, gustong-gusto kita lamutakin!!!!!!. Tapos yan ang itatanong mo sa'kin? Kung may boyfriend na ko!!!!!?????"sigaw ko.

Nakita kong nanlaki ang mata niya sa gulat. Hindi nakakapagtaka, ako din eh. Napatakip ako sa bibig ko.

EMEGESH!!!! Akala ko sa utak ko lang ako nagsasalita. Hindi ko alam na bigla nalang yun lumabas sa bibig ko.!

Bigla siyang napalunok. "La..... Lamutakin???.", sabi niya habang naghihintay sa sagot ko.

Wala na kong masabi. Na-block na ang utak ko.

Biglang bumukas ang pinto. Si Mama. Mukhang galit! Lumapit sakin at bigla akong piningot.

"A...a...aray... Ma!", tapos binitiwan nya na.

"Nakakahiya sa mga kapitbahay, kung anu-ano sinisigaw mo!", narinig pala ni Mama. Pasalamat na din ako at dumating bigla si Mama kung hindi anung ipapalusot ko?.. Wala na rin kasi akong maisip.. "Halina, pumasok na kayong dalawa, kakain na tayo." Binuksan na ni Mama yung pinto para pumasok na sa loob nang bigla siyang lumingon at mukhang may sasabihin. "Nga pala, Felix. Dito ka matutulog."

Nagulat ako at di ko napigilang sumigaw? "ANO??!!!!."

Bigla akong binatukan ni Mama."Wag ka ngang sumigaw."

"San siya matutulog?", may pagtatakang sabi ko.

"San pa ba? Sa kwarto mo...."

Pumasok na si Mama sa loob at si Felix na bumulong ng Sorry sa tenga ko. Ako? Natulala sa pinto.

------------------------------------------->

Sorry ulet kung ngayon lang nag-update. Hindi ko kasi alam kung interesting ba yung story , kaya i hope na may mag-post ng comment or suggestions.

Up next!! Kilig sa kama na ito!!!!

Vote na!!! JK!! ^-^

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon