Chapter 3: Chat.

23 2 0
                                    

Asatomy's POV

"Kung mahuhulog ba ako sayo kagaya nito... Sasaluhin mo ulit ako?"

"Aissh! Bwisit ka talaga, Asatomy!" inis na bulyaw ko sa sarili ko habang nandito ako sa kwarto ko at naggagawa ng assignment.

"Ang tanga tanga mo! Why did you even have to say that kind of thing so suddenly?!"

Gumagawa ako ng assignment dito sa kwarto ko. Nakadapa ako sa kama habang nagsusulat nung maalala ko yun.

That scene. That scene on the park...

"Sasaluhin mo ulit ako?"

"Sasaluhin mo ulit ako?"

"Sasaluhin mo ulit ako?"

"Sasaluhin mo ulit ako?"

"Sasaluhin mo ulit ako?"

Argh! Bwisit! Ba't ba nag-eecho yun? Langya naman. Ayoko na.

Tinigil ko ang paggawa ng assignment at nakinig na lang ng music.

Pinatugtog ko yung Sugar Free ng T-ara dahil pakshete kailangan kong mag-unwind sa mga kung ano anong echo naririnig ko.

Nakaupo ako sa kama habang nagsasayaw. Trip ko talaga yung sound na ganito.

Napagdesisyunan kong mag-facebook nung malapit na matapos yung kanta. Nakashuffle naman kaya bahala na kung ano kasunod.

Nung makalog-in ako sa laptop ko, nag-scroll agad ako ng newsfeed. Kaloka tong mga kaklase ko.

May nakita akong post ni Karl na nakatag kay Rhiane. The post is about their audition tomorrow. I wish them really luck.

While I was composing a comment, a chat box popped out and I nearly threw my laptop out of nowhere.

Nagulat ako dun sa sound ng notification. Para lang ewan.

Nung makarecover ako, tinignan ko yung chatbox at literal akong natigilan ng makita kung sino yun.

Red Chards: magttwo weeks na. :(( di mo pa rin ako pinapansin, Mimi?

Sent 8:36 pm

Nakakainis naman. Yes, I'm avoiding him. I dunno why. It's just that I'm not feeling comfortable.

Nung una, tinatry kong mawala yung awkwardness ko sa indirect confession ko na yun. Sinasamahan ko pa rin siya kasi nga bestfriend ko siya.

Pero... Nitong mga nakakaraang araw... Napapansin ko na nagpaparamdam na si Jasmin sa kanya. Lagi niyang bukambibig yun.

Yung pagngiti ni Jasmin sa kanya tuwing recess. Yung nagpakilala formally sa kanya si Jasmin. Yung pagpapaturo sa kanya ng Math ni Jasmin. Yung pagiging friendly ni Jasmin sa kanya. Si Jasmin. Jasmin! Jasmin! Jasmin!

Puro na lang Jasmin!

Di ko na kaya. Sobrang sakit. Parang tinatapal niya sa mukha ko na hinding hindi siya kailanmang magkakagusto sakin.

Edi fine! Kalimutan natin ang feelings! Itapon na yan sa kanal! Yeah! Wooh~

"Ay sh--t!" I almost said, cursing. Napapikit ako ng dahil sa gulat na naman sa notification sound. Ba't ba hindi ko hinihinaan?

Red Chards: Uyy... Best friend Mimi...

Sent 8:45 pm

Red: :(( May nagawa ba ako...?

Sent 8:47 pm

Sorry, Red. Wag muna ngayon. Please lang.

Seen 8:50 pm

Love Clash (There's No Falling Back)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon